PATAKBONG lumapit si Saga sa elevator para maabutan si Brenna. Pero huli na dahil nagsara na 'yon. Malakas siyang napamura dahil sa frustration at sinipa ang pinto ng elevator. "What happened, Saga?" Walang kaalam-alam na tanong ni Ivana na napahangos sa paglapit sa kanya. Hindi niya ito pinansin at wala sa sariling napatingala. Nakita niya na ang 20th floor ang tinatahak ng kinalululanan ng nobya at ng Hideo na 'yon. "It's just an elevator. We can wait. You can't just hit the door just because it closes. Look, everyone's looking at you." Dagdag pa nito. Napatingin siya sa paligid at nakita niya ang mapanuring tingin ng mga tao. Pero hindi 'yon ang concern niya ngayon. "Bukas na ang elevator. Let's go. Nakakahiya ang ginawa mo," sabi ng dalaga at inunahan na siya sa pagpasok. "I don't

