NAPAKURAP-KURAP si Saga habang pinapabalik-balik ang tingin sa mahabang pasilyo at isa-isang tinitingnan ang mga pintuan. Hinihintay niya kung may lalabas pa sa mga suite at nagbabaka-sakali siyang si Brenna na 'yon. Hindi niya alam kung gaano katagal na siya sa labas at kung anong oras na. Nakakaramdam na rin siya ng antok pero nilalabanan niya. Anim na suite pa ang natitira na hindi pa niya nakikita kung sino ang umo-okupa. Pilit niyang iminumulat ang mata at nililibang ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng beer. Hindi na nga niya mabilang kung pang-ilang lata na ang nauubos niya. Nagkalat na rin ang lata na walang laman sa tabi niya. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa dingding ng suite niya. "Anim na lang. Wala na bang lalabas?" Pagkausap niya sa sarili. Hindi niya maiwasang

