NAGTATAKANG inilibot ni Brenna ang tingin sa villa na nasa harapan niya. Sa pagkakaalam niya ay sa dating bahay nila Isagani sila pupunta. 'Yong bahay na gawa sa kahoy at ang loob ay salat sa mga gamit. Malinaw pa rin nga sa alaala niya ang hitsura ng dating bahay ng mga ito. 'Yong silya at mesang kawayan. Pati na rin 'yong kawayan na kama at dingding na plywood. Eveything in that old house stays in her memory. "Nagtataka ka siguro kung bakit iba ang itsura ng bahay na nasa harapan mo," sabi ni Saga na tinabihan siya sa front porch. Katatapos lang nito i-unload ang mga gamit sa sasakyan nila. "Dito sa bahay na 'to nagbago ang katauhan at pangalan ko." Nanatili siyang walang imik at nakatingin lang dito. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin pa nito. "Mag-meryenda na muna kayo!" Narinig

