KINABUKASAN ay nagpunta si Brenna at Saga sa lupang dati nitong sinasaka. Samantalang si Tita Marissa ay nagpaiwan dahil gusto daw nitong asikasuhin ang mga halaman nito. Gusto niya sanang magpaiwan na lang din para maka-bonding niya ang ginang. Pero tumanggi si Saga. Gusto daw kasi nitong ipasyal siya kaya wala siyang nagawa kundi sumama. "Hindi na ba nananahi si Tita?" Tanong niya sa binata habang inaalalayan siya nito sa paglalakad sa makipot na daan ng palayan. Nasa tuyong parte siya ng lupa habang ito ay nakalusong sa putik. "Pinagbawalan ko na ang Inay na manahi dahil malabo na ang mata niya at madalas na din siyang nagkakasugat," tugon nito. "Kaya ba pag-aalaga na lang ng halaman ang pinagkakaabalahan niya?" Tanong pa niya. Ingat na ingat siya sa paghakbang sa makipot na daan d

