Twenty-Four

1545 Words

"SIGURADO KA bang nandito sila?" Tanong ni Brenna kay Hiddy habang hinihintay ang susi ng suite na kinuha nila. Kararating lang nila sa Singapore at dumiretso sila sa hotel na kinaroroonan din nila Saga. Sinisiguro niya lang na naroon din ang mga ito. "Oo. Isang daang porsiyentong sigurado. Credible source 'yon si Sasha. Siyempre sekretarya ni Boss 'yon kaya lahat alam no'n." anito. "E, ikaw sigurado ka ba dito?" Tanong nito ng hindi siya sumagot. "Oo." Maikli niyang tugon at tumango. Sigurado na siya na gusto niyang kumpirmahin kung magkasama ang mga ito sa iisang suite. Para once and for all ay malinawan siya. Napatingin siya sa receptionist na busy sa pagta-type sa computer. Bigla ay nakaisip siya ng ideya. Ngumiti siya at magalang na in-approach ang receptionist na nahalata niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD