“Magkikita pa ba tayo, iha?” Malungkot ang mukha ni Nay Sandra habang inihahatid siya nito palabas ng bahay. It’s past five in the afternoon at gusto pa sana ng ginang na doon na rin sila maghapunan pero siya na ang pumigil dito. Sa nakikita niyang pag-aasikaso kasi nito, alam niyang mas lalo itong mapapagod kapag hinayaan niya pa iyon. Mula nang dumating sila kanina sa bahay ng mga Morales, hindi ito pumayag na hindi asikasuhin ng personal ang mga pagkain sa pananghalian. Magkasabay silang naglalakad patungo ng gate habang nasa unahan naman nila sina Tiffany at Annie. Karga ng huli ang anak nito habang may hawak-hawak na barbie doll. Si Pollux at Damires ay nasa likuran nila habang si Creed naman ay nauna na sa kanila at nang mga sandaling iyon ay nakatayo na sa gate. Creed wants to e

