"A-ANONG ginagawa mo dito?" Maang na tanong ni Yvette ng makita si Gideon na tumabi sa kanya. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito ng tumingin sa kanya. "Anong klaseng tanong 'yan? Siyempre nami-miss na kita kaya nandito ako. Isa pa, hinahanap ka na rin ni Vodka, dahil ilang araw ka ng hindi ma-contact." Marahan itong tumawa at ginulo ang buhok niya. Tumango lang siya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang likuran ng bahay na puro puno lang ang makikita. "Ano bang tinitingnan mo diyan? Wala naman akong makita. Alam mo may alam akong lugar na mas maganda ang view kaysa dito." Energetic pa rin na wika nito. She knew he wants to lift up her mood but she just can't find any humor to what she's going through right now. "I don't think there's a place that can ch

