"HINDI ko na itutuloy ang gusto mong mangyari, Ate Almira," saad ni Gideon ng makipagkita sa pinsan kinabukasan. Kung dati ay ito ang nagpapatawag ng meeting ngayon ay siya na dahil gusto na niyang putulin ang kaugnayan dito at ayaw na niyang maging kasangkapan nito para masaktan pa si Yvette. "Anong karapatan mong sumalungat sa'kin? Akala mo ba hindi ko alam na wala kang ginagawa para gawing impiyerno ang buhay ng babaeng 'yon? 'Wag mo sabihing pati ikaw ay nagayuma na niya?" "Walang alam si Yvette sa personal na buhay ng asawa mo. Siya ang biktima dito kaya tigilan mo na siya. Ang asawa mo ang patigilin mo sa pakikipagkita sa kanya dahil hindi ko na hahayaang makalapit pa siya kay Yvette." Nagngangalit ang bagang na turan niya. Hindi niya napaghandaan ang pag-igkas ng palad nito at si

