"MABUTI naman at napakiusapan ka ng lumabas ng silid mo." Napalingon si Yvette sa may ari ng boses at nakita niya ang nakangiting mukha ni Gideon na papalapit sa kinaroroonan niya. Nasa garden siya at nakaupo sa bakal na silya. Kaaalis lang noon ni Momshy Vodka at ngayon ay si Gideon naman ang dumating. Ngumiti siya pero alam niyang hindi umabot sa tainga 'yon. Well at least she tried to act lively. "Ang dami kong bisita ngayong araw. Mukha ba 'kong may sakit?" Pabirong wika niya. "Bakit? May iba ka pa bang bisita bukod sa'kin?" Tanong nito ng umupo sa katapat niya. "Kagagaling lang dito ni Momshy. Hindi ka ba niya sinabihan na pupunta siya dito?" Aniya. Umiling lang ito. "Nakaisip na sila ng solusyon sa problema ko." Pagbabalita niya dito. Hindi naman ito nagsalita at parang hinihin

