"PAPASUKIN niyo 'ko! Kakausapin ko si Ate Almira!" Nagpupumiglas na sigaw ni Gideon sa mga security guard sa labas ng malaking gate ng mga Leviste. Hindi niya mapapalampas ang ginawa nito. Kung hindi niya nahuli at napaamin ang lalaking 'yon siguro ay pinaglalamayan na siya ngayon. "Ate Almira…!" Sigaw pa niya. "Lumabas ka diyan! Kausapin mo 'ko! Kapag hindi ka lumabas malalaman ng buong baya---" "Ano bang ingay 'yan, Gideon? Wala ka na naman bang pera kaya ako ang binubulabog mo at ngayon gumagawa ka pa ng kuwento?" Nakita niya ang papalapit na babae habang sakay ng automatic wheelchair. Kita niya ang galit sa mukha nito pero hindi nakalampas sa kanya ang pag-aalala at gulat na nakatago sa isang sulok ng itsura nito. "Bakit para yatang nakakita ka ng multo? Hindi mo ba inaasahan na pa

