NAG-ANGAT ng tingin si Yvette mula sa pagkakayuko nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng silid na inookupa. Mayamaya ay bumukas 'yon at pumasok si Enrique. Binuksan nito ang ilaw at bumaha ang liwanag sa buong silid. Naitakip niya ang kamay sa mata dahil sa pagkasilaw. "Nakahanda na ang pananghalian. Sabay na tayong kumain," wika nito. Nang makapag-adjust ang mata sa ilaw ay unti-unti niyang ibinaba ang kamay at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin para hindi nito mapansin ang pamumugto ng mga mata niya. "Hindi ako nagugutom," Walang gana na tugon niya. "Ikaw siguro hindi, pero 'yang nasa tiyan mo oo," katuwiran nito. Hindi siya nagsalita pero nagulat siya na alam nito na buntis siya. Siguro ay sinabi dito ng mga magulang niya. O ba

