TUMAYO si Gideon mula sa pagkakasalampak sa gutter at patakbong lumapit sa paparating na sasakyan ng pinsan. Nakakuyom ang kamao niya at handang manuwag anumang oras. Matapos niyang makita ang interview nito sa tv ay hindi na siya mapakali. Parang sasabog ang dibdib niya sa galit. Sa tv station pa lang na kinaroroonan nito ay gusto na niya itong sugurin. Pero nagpigil siya at hinintay na lang ito sa labas ng bahay nito. Nasisiguro niyang wala si Alfred doon ng mga oras na 'yon dahil nasa City Hall ito at kasalukuyang hinaharap ang mga board member. Sigurado siyang sinusubukan nitong ilusot ang sarili sa issue na kinakaharap nito ngayon. Tumigil ang sasakyan sa harap ng gate at ibinaba ng babae ang salamin sa tabi nito. Malawak ang ngiti nito ng tumingin sa kanya. "Ano na namang ginaga

