TUMIGIL sa paglalakad si Yvette at nahahapong sumandal sa malaking puno. Kanina pa siya naglalakad para makaalis sa lugar na 'yon. Pero parang wala itong katapusan. Malapit ng dumilim at baka sa mga oras na 'yon ay alam na ni Yaya Idang na nawawala siya. Bukod do'n ay baka nakarating na sa kaalaman ni Enrique na tumakas siya at ngayon ay hinahanap na siya nito. Sukat sa naisip ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hanggang sa ang lakad ay naging takbo na. Kailangan niyang makalayo sa lugar na 'yon para hindi na madamay si Enrique sa problemang kinakaharap niya. Marami naman siyang pwedeng pagtaguan basta hindi sa tabi ng binata. Tumigil siya sa pagtakbo at napangiti. Nakikita na niya ang kalsada ibig sabihin lang nakalabas na siya ng gubat. Para siyang nakalaya sa hawla ng marating niya a

