DAHAN-dahang iminulat ni Yvette ang mga mata at hinayaan muna ang mga mata na mag-adjust sa liwanag. Nang maging maayos na ay saka niya inilibot ang tingin sa paligid. Sa huling pagkakatanda niya ay may mga dumukot sa kanya. Pero bakit hindi man lang siya itinali ng mga ito? Nagtataka siyang bumangon at bumaba sa kama. Sinubukan niyang buksan ag pintuan pero naka-lock 'yon. Kaya naman pala hindi siya itinali ay dahil naka-lock naman ang pinto. Naghanap siya ng ibang pwedeng daanan. Pero bukod sa banyo ay iisang bintana lang ang nakita niya na may grills pa. Para talagang inihanda 'yon para hindi siya makatakas. Nang tumingin siya sa labas mula sa bintanang 'yon ay may nakita siyang ilang lalaki sa baba. Saka lang niya napagtanto na nasa ikalawang palapag siya. Biglang naalala ng dalaga

