KATATAPOS lang maligo ni Yvette. Lumabas siya ng banyo na tanging bathrobe lang ang suot. Nagulat siya ng makita si Alfred na nakaupo sa couch at mukhang hinihintay siyang lumabas. Inayos niya ang pagkakabalot ng sarili at dumiretso sa kama kung nasaan ang mga paper bag na inihatid ni Aling Pacing kaninang umaga na naglalaman ng mga gagamitin niyang damit habang naroon siya. May pagkailang siyang naramdaman ngayong nasa 'di kalayuan lang ang lalaki at alam niyang pinagmamasdan siya. Binitbit niya ang mga paper bag at nagdesisyon sa banyo na lang magbihis. Pero napatigil siya ng magsalita si Alfred. "Bakit hindi ka pa dito magbihis? 'Wag mo sabihing ngayon ka pa nailang sa'kin? C'mon, nakita ko ng lahat 'yan," wika nito. Hindi niya maiwasang kilabutan sa sinabi nito. Kung noon siguro ay

