"BUTI NAMAN at naisingit mo kami sa busy schedule mo. Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo bukod sa taping at guestings?" Usisa ni Yvonne habang papasok sila ng bar.
Isang linggo pa ang lumipas bago niya napaunlakan ang pangungulit nito na mag-bar hopping sila at ngayon nga ay pangatlong bar na ito na pinuntahan nila ngayong gabi.
"Secret! Sa akin na lang 'yon." Tipid niyang sagot. Dumiretso sila sa counter para um-order ng drinks.
"Ikaw ha?! Naglilihim ka na! Pwede mong sabihin sa'kin ang secret na 'yan and I swear safe na safe sa'kin 'yan!" Pasigaw na sabi nito dahil baka hindi niya marinig sa lakas ng party music.
Hindi niya malaman kung tatango o iiling ba siya kaya ngiti na lang ang naisagot niya. Humarap siya sa dancefloor para panoorin ang mga sumasayaw. The truth is isang linggo na siyang hindi tinatawagan o tine-text man lang ni Alfred at hndi niya alam kung bakit. Okay naman sila noong huli silang naghiwalay. And the truth is they had the best night ever.
Ayaw niyang mag-isip ng mag-isip kung anong posibleng dahilan kaya naman naghahanap siya ng mga bagay na pwedeng gawin para malibang. Isa pa ay ayaw niyang maapektuhan ang career niya dahil lang sa hindi pagpaparamdam ng nobyo.
"Nasaan na ba sila Yuri?" Tanong niya pagkaraan. Silang dalawa pa lang kasi ang dumating at wala pa ang tatlo nilang pinsan.
"Baka nasa tabi-tabi lang ang mga 'yon at naghahanap na ng date!" Balewalang sagot nito.
"Kung gano'n hahanap na rin ako ng akin!" Pagkasabi no'n ay nakipagsiksikan na siya sa dancefloor. Medyo tipsy na siya pero kaya pa rin naman niyang sumayaw.
Makalipas lang ang ilang minuto ay meron na siyang kapareha sa dancefloor. Nakakapit ito sa baywang niya na parang mag-slow dance sila kahit na disco music ang tumutugtog. Imbes na sawayin ang lalaking kasayaw dahil sa bilis nito ay hinayaan niya na lang. Hinayaan niya lang ng padausdusin nito ang kamay sa braso niya at pagkatapos ay hagurin ang likod niya ng mga palad nito.
Ramdam na ramdam niya ang init at pagnanasa na nakapaloob sa bawat himas na 'yon lalo pa at nakahantad ang likod sa suot niyang u-back backless bralette na tinernuhan lang niya ng jeans. Wala siyang maramdaman na kahit ano sa pagdamping 'yon sa balat niya kaya hinayaan niya lang. Pero hindi niya napaghandaan nang halikan siya ng lalaki.
She can taste the mixed alcohol in his mouth and it makes her want to p**e. Sinubukan niyang kumalas mula dito pero awtomatikong humigpit ang kapit nito sa baywang niya at mas lalo pang pinalalim ang halik. Nagpumiglas na siya at gamit ang buong lakas ay itinulak niya ito. Kasabay no'n ay ang pag-igkas ng palad niya para sa isang malakas na sampal.
Napatda ang lalaki sa kinatatayuan nito at animo'y natauhan ito. Siya man ay natauhan sa ginawa niya. Hindi dahil sa ginawa niya kundi sa maaaring maging resulta no'n. Pwede siyang makilala ng lalaki at maaaring siraan siya. Kaya bago pa man nito makita ang itsura niya ay nagmamadali na siyang tumakbo paalis. Hindi na niya hinanap si Yvonne at dumiretso na siya sa sasakyan niya.
Nang makalulan sa kotse ay saka niya tinawagan ang pinsan. Pero hindi nito sinasagot ang telepono. Naisipan na lang niyang i-text ito at habang ginagawa 'yon ay nanginginig ang mga kamay niya. Nang matapos ay basta na lang niyang ibinato ang telepono sa kung saan at pinaandar ang sasakyan.
Malapit lang ang bar na kinaroonan mula sa condo unit na pag-aari niya kaya naman wala pang dalawampung minuto ay narating na rin niya 'yon. Inayos niya ang sarili nang makalulan sa elevator at ipinulupot ang cardigan sa katawan niya para hindi mahalata ng kung sino mang makakasalubong niya kung anong hitsura niya. Nagpasalamat na lang siya nang makarating siya sa unit niya na wala nakasalubong kahit isang tao.
Nasa pintuan pa lang siya ay naghubad na siya ng saplot sa katawan at wala siyang itinira kahit isa saka siya lumusong sa bath tub. Hinayaan niya lang na mapuno ng tubig ang tub at mababad siya. She want to remove the trace of that stranger's hand on her skin. Pakiramdam niya kahit na walang bakas na naiwan sa katawan niya ay malalaman pa rin ni Alfred na may ginawa siyang kasalanan dito. Bukod pa do'n ay iniisip din niya na maaaring may nakakilala sa kanya at pwedeng nakuhanan na siya ng video o litrato. Kahit pa madilim naman sa loob ng bar.
Hindi niya maiwasang maging paranoid dahil nakasalalay sa nangyari kanina ang relasyon at career niya.
Pagkatapos magbabad ay nag-sepilyo siya para matanggal ang masamang lasa na naiwan sa bibig niya nang halikan siya no'ng lalaki. Matapos 'yon ay saglit niyang pinatuyo ang buhok at nahiga na rin siya.
Naisip niyang tawagan uli si Yvonne. Nang maalala niyang nasa sasakyan nga pala ang cell phone niya. Kailangan niya 'yon dahil baka bigla din siyang tawagan ng manager. Napilitan siyang bumangon at nagsuot ng fur coat para takpan ang robe na suot niya saka lumabas ng unit dala ang susi ng kotse.
Wala pang labinlimang minuto ay nakabalik na rin siya sa silid niya. Kinutinting niya ang telepono at hindi lang sampu ang natanggap niyang missed calls mula sa mga pinsan. Napakarami ring text mula sa kanila na pawang nagtatanong kung bakit siya umalis. Pero may isang text ang kumuha ng atensyon niya. Mula 'yon sa isang unregistered number.
'Cheater.' 'Yon ang nakalagay sa message. Tinawagan niya ang numero pero cannot be reach na. Gusto sana niyang ipagkibit-balikat na lang 'yon pero nakatanggap ulit siya ng text. 'B*itch', naman ang nakasaad doon. She tried calling it again pero nire-reject lang 'yon ng kung sino man nanloloko sa kanya.
Makailang ulit pa niyang tinawagan ang numero na 'yon. At nang masigurong wala no'ng balak sagutin ang tawag niya ay hinayaan na lang niya.
Nahiga na siya at pinilit ipahinga ang isip niya. It must be somebody na walang magawa sa buhay.
Hindi alam ni Yvette kung gaano katagal na siyang nakapikit. Basta ang alam niya hindi siya makatulog. Bumalikwas siya ng bangon at sumandal sa headboard saka kinuha ang cell phone sa ilalim ng unan niya. She look for Alfred's number and just stared at it. She was torn between calling him and sending him a message. She never did nor tried calling or messaging him because he doesn't want to get disturb. He told her to wait for his calls so that's what she's doing. Pero isang linggo na ang nakakaraan at wala pa rin siyang natatanggap na tawag. He can at least tell her that he's going to be busy for a week.
Napabuntong-hininga siya at itinabi na lang ang telepono. Lumapit siya sa bedside table at kinuha ang isang sleeping pills na nakatago sa likod ng lampshade. Inilagay niya 'yon sa bibig at nilunok nang hindi umiinom ng tubig saka siya bumalik sa pagkakahiga. Siguro naman makakatulog na siya.
Hindi nga nagtagal ay naramdaman niya ang pamimigat ng talukap ng mata at pagkaraan ay nakatulog na rin siya.