NAGISING si Yvette sa malakas na yugyog sa balikat niya. Nang imulat niya ang mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Momshy Vodka ang nakita niya.
"Thanks god at nagising ka na! I almost call an ambulance dahil akala ko kung ano nang nangyari sa'yo. Bakit ba ang hirap mo gisingin?" Palatak nito.
"A-Anong ginagawa mo dito, Momsh?" Aniyang hindi pa rin bumabangon. Inaantok pa rin ang pakiramdam niya. Epekto pa siguro ng sleeping pills na ininom niya.
"Why don't you ask yourself, kung ano ang dahilan ng pagpunta ko dito? My god, Ivy! Artista ka at hindi lang basta artista, sikat na artista. Kabi-kabila ang natatanggap mong project kaya asahan mo nang halos wala ka ng pahinga. But look at you? Anong oras na natutulog ka pa? Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." Sermon nito habang nasa loob ng walk in closet niya.
Bumangon siya at kinuha ang telepono. Saka lang niya napagtanto na ala una na pala ng hapon. Ngayon ay alam na niya kung bakit napahangos doon ang manager niya. Hindi lang naman niya nasagot ang thirty missed calls at twenty messages nito na nagpapaalala ng commercial shoot niya ngayong araw. Hindi ugali ng baklang handler na puntahan siya sa unit niya kaya alam niyang nag-aalala ito at bukod pa do'n ay nanghihinayang ito sa project na inialok sa kanya.
Aminado siyang nakalimutan niya na artista siya. Parang bigla niyang naisip na sana ordinaryong tao na lang siya. Hindi natataranta, hindi nagmamadali, at higit sa lahat hindi palaging ubos ang lakas. Pero sino ba ang dapat sisihin sa posisyon niya ngayon? Ginusto niya 'to at pinagsikapan niyang marating kung nasaan man siya ngayon. So walang dapat sisihin.
Para tuluyang magising ang diwa ay napagdesisyonan niyang maligo. Wala pa rin siyang nare-receive na text o tawag mula kay Alfred. She doesn't want to have a negative thought kaya iniisip na lang niya na masyado siguro itong busy sa trabaho nito.
Sabagay marami din naman siyang gagawin ngayong araw. Itutuon na lang siguro niya doon ang atensyon para kahit papaano ay hindi niya maisip ang nobyo.
Makalipas ang higit isang oras ay lulan na sila ng SUV at tinatahak na ang studio.
Tahimik lang siyang nakaupo habang nakasandal at nakikinig sa mga tsismis ni Babeth. Para kasi itong paparazzi sa bilis nito makasagap ng issue tungkol sa mga artista. Ngayon nga ay ikinukwento nito sa kanila ang tungkol sa ginawang gulo ni Marian Alvarez, isang model at beauty queen, sa isang bar.
"Marian Alvarez, lumabas ang tunay na kulay matapos ipahiya ang isang waiter. Diumano ay hinalikan ito ng nasabing waiter kaya naman sinampal niya ito at ipinahiya." Basa nito sa artikulo na nasa telepono nito.
"Sus! Kung hindi ko kilala 'to si Marian baka sakaling maniwala ako sa pinagsasabi dito. Pero alam ko na ang tunay na kulay niya. Sigurado nahuli lang 'tong nakikipaghalikan kaya kunwari binastos siya." Nakaismid na sabi nito.
Bigla niyang naalala 'yong nangyari kagabi. What if may nakakita din sa kanya at nakuhanan pa siya ng litrato? Gano'n din kaya ang iisipin ni Babeth o ng ibang tao? Kahit ang totoo ay hindi naman niya ginusto ang nangyari.
Isa pa pakiramdam niya ay nagtaksil siya sa nobyo. Though hindi naman talaga niya gusto 'yon. But still, she felt guilty about it.
MABILIS natapos ang commercial shoot ni Yvette na tungkol sa isang toothpaste brand at dumiretso naman sila sa susunod niyang shoot. Isang sikat na clothing brand ang kumuha ng serbisyo niya.
Nang makarating sila sa location ay agad silang sinalubong ng staff at crew. Iginiya sila sa tent nila at dinalhan pa sila ng snacks at drinks. Sanay na siya na inaasikaso ng lahat pero hindi niya pa rin maiwasan na ma-overwhelm. Kaya naman todo ang pasalamat niya.
"Ang bait talaga ni Miss Yvette, no? Biruin mo kahit sobrang sikat na niya down to earth pa rin siya." Komento ng isang babaeng staff na nasa 'di kalayuan.
"Naks! Narinig mo 'yon? Pinupuri ka nila o?" sabi ni Babeth habang inaayusan siya. Tipid na ngiti lang ang isinagot niya dito.
Masarap sa pakiramdam kapag nakakarinig siya ng mga papuri. Pero iniiwasan niyang lumaki ang ulo niya kaya hangga't maaari ay tipid na ngiti na lang ang isinasagot niya.
"Ivy, ito nga pala ang mga damit na imo-model mo," sabi ng papalapit na si Momshy Vodka. Nakangiti niya itong sinulyapan sa salamin para tingnan ang mga damit. Pero iba ang nakakuha ng atensyon niya.
Napaharap siya at mataman tiningnan ang lalaking katabi ng manager. She knew him from somewhere but she can't remember. Samantalang ang lalaki ay kaswal lang na nakatingin sa kanya. Mukhang siya lang ang may ganoong pakiramdam nang makita ito.
Samantala hindi nakaligtas sa kanya ang pagpapalitan ni Babeth at Momshy Vodka ng makahulugang tingin. Mayamaya ay narinig na niya ang pagtikhim ng huli. Nahihiya siyang nagbawi ng tingin.
"Pasensya na. Para kasing kilala ko siya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita." Alanganin siyang ngumiti.
"O, siya, mag-ready na kayo at kakausapin ko pa si Direk." Paalam ng manager at tumalikod na ito.
Ang lalaki naman na may dala ng mga damit ay tumalikod na rin para ayusin sa rack ang mga dala nito.
"Para-paraan, Madam, ha? Bet mo si Hunky no?" Biro ni Babeth na ipinagpatuloy na ang pagme-make up sa kanya.
"Hindi a. Parang nakita ko na kasi siya hindi ko lang talaga matandaan kung saan." Pagpapaliwanag pa rin niya.
Hindi na ito nagsalita pero naroon pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi nito. Imbes na patulan ang pang-aasar nito ay kinalikot na lang ng dalaga ang telepono niya. Nagbukas siya ng social media accounts at sakto naman na may nag-pop na message. Agad siyang napangiti nang makita ang pangalan ni Alfred sa screen. Agad niya 'yong binuksan at pinindot ang voicemail.
"Hi, babe! How are you? Hope you are doing well. I'm sorry for being unreachable this past few weeks. I'm having a really tough time right now. Hope you can forgive me. I might drop off later. I need my medicine and it's you. I miss you!" Matapos pakinggan ang voicemail ay hindi na mapigtas ang ngiti niya sa labi. That's the longest audio message she got from him and she can really feel his longing.
Lahat yata ng negatibong naiisip niya ng mga nakaraang araw ay nawala matapos niyang marinig 'yon. Sabik na rin siyang umuwi para hintayin ito.
"Get ready! We'll start in 5!" Anunsyo ng photographer.
"Okay na! Ready na ang aking favorite masterpiece!" Nakangiting sabi ni Babeth na nginitian naman niya. Inilapag niya ang telepono sa ibabaw ng dresser saka siya tumayo para magpalit ng imo-model na damit. Ang make up artist naman ay nagpaalam saglit na may kukunin.
Hindi na namalayan ng dalaga nang may dumampot sa telepono niya at may kung anong kinalikot do'n.