Chapter 6.

1225 Words
NAGMAMADALING pumasok ng unit niya si Yvette at nagsimulang hubarin ang mga saplot niya sa katawan. Wala siyang itinira ni isang saplot at dumiretso siya sa shower. Kailangan niyang maligo at magpaganda dahil anumang oras ay darating na si Alfred. She have to be at her best para pagsisihan ng nobyo na ilang araw itong hindi nagpakita sa kanya. Mabilis lang ang ginawa niyang pagligo at nag-apply siya ng light make up saka nag-spray ng paboritong pabango ng nobyo. Pagkatapos ay pumailalim na siya sa kumot nang wala pa ring kahit na anong suot. Pumikit siya at nagkunwaring tulog para kapag dumating ito ay akalain na natutulog siya. Pero dala ng sobrang pagod ay hindi niya napigilang makatulog. KINABUKASAN na ng magising siya at wala pa ring nagpakita na Alfred. Naiinis na siya and at the same time ay naghihinala. Ano naman kaya ang dahilan ng hindi nito pagsipot? Buong magdamag siyang nakahubo't hubad kaya ngayon ay nagkasipon na siya. Panay tuloy ang pagbahing niya at nahihirapan siyang kumilos. Ang dapat tuloy na interview niya ay na-cancel dahil sa pesteng sipon na 'to. "Nasaan ka na, Babeth? Matagal ka pa ba?" Naiinip na tanong niya. Tinawagan niya ito para utusan na ibili siya ng gamot sa pharmacy at kape sa Starbucks. "Paakyat na 'ko ng unit mo," anito. "Kumpleto ba 'yan?" Tanong pa niya. "Oo, gamot at cold foam iced espresso na paborito mo. Pero teka, 'di ba may sipon ka? Dapat hindi ka umiinom ng malamig." Anito na parang nagsesermon. "Pake mo ba? Bilisan mo na nga," turan niya. "Alam mo ang taray mo ngayon! May dalaw ka ba? Ano ba 'yan? Bakit nagkalat ang damit mo dito sa sahig?" Palatak nito. Napalabas naman siya ng kwarto at nakita niya itong pinupulot ang mga hinubad niyang damit kagabi. Akmang pupulutin nito ang undies niya nang pigilan niya ito. Tumakbo siya para pulutin 'yon. "A-Ako na," aniya at tipid na ngumiti. Itinago niya sa likuran ang undies at brassiere. "Sa sobrang pagod siguro 'yan no? Kaya sa labas pa lang naghubad ka na. Tsk! Sa bagay ang dami din kasing ipinagawa sa'yo kahapon." Komento nito. "O-Oo nga e." Pagsang-ayon niya. Buti na lang at hindi kung ano ang pumasok sa isip nito. "O, siya, ito na ang kape at gamot mo. Aalis na rin ako dahil kailangan pa 'ko ni Momshy Vodka," anito at iniabot ang mga dala sa kanya. "Salamat, Babeth," aniya. "Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka pa." Pagkasabi no'n ay naglakad na ito palabas at inihatid niya ito. Pagkaalis nito ay agad niyang niligpit ang mga damit niya at dinala 'yon sa kwarto. Naiinis niya 'yong ibinato sa laundry box. Nagpunta siya sa kama at pabagsak na umupo saka kinuha ang telepono niya sa ibabaw ng bedside table. Walang pagdadalawang isip niyang idinayal ang numero ni Alfred. Pagkatapos ay itinapat sa tainga niya habang hinihintay itong sumagot. Pero hindi nito sinasagot ang tawag. Idinayal niya 'yon ulit habang iniinom ang cold foam iced espresso niya. Pero gano'n pa rin. Pakiramdam niya binabalewala siya ng nobyo. "Bwisit! Ano bang ginagawa niya at hindi man lang niya masagot ang tawag ko!" Inis niyang ibinagsak sa kama ang ang telepono niya. Alam niyang Gobernador ito at may tungkulin itong dapat gampanan. Pero tama bang isantabi siya nito? Wala man lang message or calls para i-update o kumustahin siya? And to think na higit isang linggo na itong gano'n. "Easy, Ivy. Baka talagang busy lang siya." Pagkausap niya sa sarili. Nag-inhale, exhale siya at muling dinampot ang telepono. Pagtingin niya ay may one unread message siya from Alfred. Sukat ng makita 'yon ay napangiti siya at sabik 'yong binasa. Meet me in my house… 'Yon lang ang nakalagay sa mensahe. Napakunot noo naman siya. Bakit bigla ay gusto siya nitong papuntahin sa bahay nito gayong dati ay pinagbabawalan siya nito? Ang alam niya na bahay nito ay 'yong sa Batangas kung saan ito naglalagi. Nagtipa siya ng reply na nagtatanong kung kailan siya pupunta at pinindot ang send habang patuloy na napapaisip sa dahilan nito. Mayamaya ay nag-reply na ito agad. "It would be best if you can come today..." Basa niya ng malakas sa reply ni Alfred. "Hindi halatang na-miss mo 'ko ha?" Kinikilig niyang sabi na para bang nasa harapan niya lang ito. Hindi na siya nag-reply at dumiretso na sa banyo para maligo. Blessing in diguise na rin pala na nagkasipon siya dahil free siya today na gawin ang kahit na anong gusto niya. At isa na do'n ang bumiyahe agad-agad from Manila to Batangas. May sarili naman siyang sasakyan kaya madali lang siyang makakapunta doon. Wala pang isang oras ay ready na siya. Nagdala din siya ng ilang damit dahil hindi niya sigurado baka gustuhin ni Alfred na mag-stay siya do'n kahit ilang araw lang. Humarap siya sa salamin at nagsuot ng cap at sunglass para kung sakaling may makasalubong siya sa baba ay hindi siya makilala. Kailangan niya pa kasing bumaba sa basement parking lot para kunin ang black porsche niya. Sana lang ay hindi pa ito kinakalawang dahil sa tagal na niyang hindi ginagamit. Hatid-sundo naman kasi siya nila Babeth at Momshy Vodka sa tuwing may trabaho kaya hindi na niya magawang gamitin ang baby niya. Nabili niya ang porsche na 'yon noong mag-first anniversary siya sa showbiz at dinagdagan pa ng daddy niya ang ipinambili no'n. Dati niya pa kasi pangarap na magkaroon ng sariling sasakyan. Pagbaba ng dalaga sa basement parking lot ay maswerteng wala siyang nakasalubong kaya mabilis siyang nakalulan ng sasakyan niya at ngayon ay nasa highway na siya. Ngiting-ngiti pa siya habang nagmamaneho. Nang tumigil siya sa stop light ay siya namang pagtunog ng telepono niya na nasa dashboard. Muntik na siyang masamid sa sariling laway ng mabasa ang pangalan ng Handler niya sa screen. Napalunok siya at huminga ng malalim saka in-extend ang kamay niya para abutin ang aparato nang biglang mag-go sign ang stop light. Nagdalawang isip pa siya kung anong uunahin. Kung hindi lang narinig niya ang busina ng sasakyan sa likuran niya ay hindi pa niya papausadin ang sasakyan niya. Naghanap siya ng pwedeng paradahan ng sasakyan niya at sinagot ang pangatlong tawag ng Manager niya. "Ano ba naman, Ivy?! Bakit ngayon mo lang sinagot kanina pa 'ko tumatawag!" Palatak nito pagkasagot niya. "I-I'm sorry, Momshy, kagigising ko lang kasi ulit. Alam mo na, masama pa rin kasi ang pakiramdam ko," aniya at suminghot pa. "Hay, nako! O siya, tumawag lang ako para sabihin ang bagong schedule ng interview mo. Meron ka hanggang bukas para magpahinga. Pagkatapos no'n balik trabaho na ulit," anito. "Noted, Momshy. Masama kasi talaga pakiramdam ko. Feeling ko nga tatrangkasuhin pa 'ko." Suminghot pa ulit siya para magmukha talagang totoo. Pero sa loob-loob niya ay nagdidiwang na siya. "O, sige, hindi na kita iistorbohin at baka matuloy 'yang trangkaso na sinasabi mo." Hindi na nito hinintay ang sagot niya at nawala na ito sa kabilang linya. "Yes…!" Natutuwang sigaw niya at napasayaw-sayaw pa ng ibalik sa dashboard ang telepono. Ini-start na ulit niya ang sasakyan pero bago 'yon ay nag-play siya ng music sa stereo. "Alfred, My Future, here I come!" Excited na sigaw niya at pinaandar na ang baby Porsche niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD