MATAGAL na tinitigan ni Yvette ang magarang mansyon na nasa harapan niya. Nasa malaking gate pa lang siya ay naghuhumiyaw na sa karangyaan ang bawat sulok no'n. Pa'no pa kaya kapag nakapasok siya sa loob?
May excitement siyang nadama matapos maisip na sa wakas nasa harapan na siya ng bahay ng nobyo. Maaari na niyang makilala ang kapatid at mga magulang nito. Bumaba siya ng sasakyan para mag-doorbell. Pero bago 'yon ay inayos niya muna ang sarili. Mula sa buhok at damit na suot ay inayos niya. Gusto niyang maging presentable sa harap ng mga taong mahalaga sa buhay ni Alfred. Gusto naman niyang maging maganda ang first impression ng mga ito sa kanya.
Akmang pipindutin na niya ang doorbell nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Nang lumingon siya sa likuran ay nakita niya si Alfred na humahangos na palapit sa kanya.
Ngiting-ngiti siya ng salubungin ito ngunit agad naglaho 'yon ng hablutin nito ang palapulsuhan niya palayo roon. Noon lang niya napansin ang galit na nakarehistro sa gwapo nitong mukha.
Dinala siya nito sa sasakyan niya saka binitawan ng makapasok na siya.
"Sumunod ka sa'kin. Sa ibang lugar tayo mag-usap." Seryosong turan nito at iniwan na siya.
Buong pagtataka niya itong sinundan ng tingin hanggang sa makapasok ito sa SUV at paandarin 'yon ng driver. Wala siyang nagawa kundi sundan ito.
Sumunod lang siya hanggang sa pumasok ang sasakyan sa loob ng isang malawak na bakuran. Labinlimang minutong drive lang 'yon mula sa pinanggalingan nila. Pagbaba ay saka niya napansin ang two storey house sa harapan niya. Medyo may kalumaan na iyon ngunit maganda pa rin.
May natanawan siyang dalawang matandang lalaki at babae na lumabas mula sa likurang bahagi ng bahay. Nginitian niya ang mga ito. Pero nagtaka siya ng biglang umiwas ang mga ito na animo'y natatakot
"What brings you here?" Seryosong tanong ni Alfred na hindi niya namalayang nasa tabi na niya.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba nag-message ka sa'kin? Sabi mo magpunta ako sa bahay mo?" Baling niya dito.
Nakita niya kung pa'nong mahulog sa malalim na pag-iisip ang lalaki.
"May problema ba, Al? Look, I drove all the way here just to see you. Don't tell me nagkamali ka lang ng pag-send ng message? I won't buy that alibi." Sarkastikong wika niya.
Hindi pa man ito nagsasalita ay may narinig na silang tumutunog na telepono. Sigurado siyang hindi 'yon kanya dahil nasa sasakyan ang telepono niya. Napadako ang tingin niya sa suot nitong itim na jacket. Doon nanggagaling ang tunog at batid niyang alam nito 'yon. Pero parang wala itong balak na sagutin ang kung sino man na tumatawag.
"Babalik na lang ako sa Manila dahil mukhang hindi ka naman masaya na makita ako dito…" Humalukipkip siya at tinalikuran ito. Pero nanatili siya sa kinatatayuan at nagbakasakali na suyuin siya nito.
"Look, I'm sorry," Napangiti siya ng marinig ang magic word mula dito. Pero agad din 'yong naglaho ng marinig niya ang sunod nitong sinabi.
"---But you have to go home now. I'm busy with my duties. I will just call you when I'm free." Napaharap siya at nakaawang ang labi na tiningnan ito. Did he just turn her down? Itinataboy ba siya nito?
"Seryoso ka ba?" She drove for three hours straight para lang itaboy nito?
"Look, Ivy, I'm sorry, okay? Babawi na lang ako sa susunod. Pero sa ngayon kailangan mo na talagang umuwi. Kailangan ko na rin umalis. Tatawagan na lang kita, okay?" Pagkasabi no'n ay tumalikod na ito at lumulan sa sasakyan. Ni hindi man lang ito humalik sa kanya.
Naiwan siyang nakatulala sa lugar na 'yon. Ni hindi niya alam kung nasaan siya at wala siyang kilala. 'Yon ang unang beses na ginawa ito sa kanya ng nobyo. He's always been caring to her. Pero kanina ay parang naging ibang tao ito. Imbes na matuwa ay para itong galit ng makita siya.
Wala siyang nagawa kundi lisanin ang lugar na 'yon lulan ng porsche niya. Malapit ng kumagat ang dilim at delikado na kung didiretso pa siya ng uwi sa Manila. Kaya nagdesisyon na siyang magpalipas ng magdamag sa pinakamalapit na lodge na nadaanan niya kanina.
Nagsuot siya ng cardigan, sunglass at baseball cap bago bumaba ng sasakyan at dumiretso sa loob para mag-check in. Matapos makakuha ng silid ay dumiretso na siya doon at nahahapong umupo sa silyang kahoy na naroon.
Maliit ang silid na nakuha niya. Sakto lang talaga sa isang tao. May single na kama, mesita, silya, at maliit na banyo. Pero sapat na 'yon sa kanya dahil isang gabi lang naman siya mamamalagi roon. Isa pa ay hindi naman siya maarte.
Hindi pa naman siya inaantok kaya nagkalikot na muna siya ng telepono. May na-receive siyang message galing kay Momshy Vodka na ipinapaalala ang interview niya sa makalawa. Bukod do'n ay may ilan pang galing kay Babeth at sa mga pinsan na hindi na niya binasa. Binuksan niya ang social media accounts niya para makibalita.
Makalipas ang ilang minutong pagbababad sa social media ay napagdesisyonan niyang magpahinga na. Kailangan niyang makabalik sa Manila, bukas na bukas din. Hindi niya ipagpipilitan ang sarili niya sa nobyo. Kung ayaw nito na naroon siya, fine! Hindi niya kawalan 'yon.
KINABUKASAN ay nakabalik din si Yvette sa Manila ng hindi nalalaman ng kahit na sino kung saan siya nanggaling. It's better that way dahil walang mag-uusisa kung ano ang ginagawa at bakit siya naroon.
She stayed in her condo the whole day because she's tired after the long drive. She ordered food and ate while scrolling through her newsfeed. She' s reading articles about her but the truth is she's waiting for Alfred's call. Hanggang sa makauwi kasi siya ay wala na siyang narinig mula dito. I'm sorry was the last thing he said to her. No other explanation. She won't buy any of his excuses. Hindi pwedeng na-wrong send lang ito or whatsoever.
Most of all, sinayang nito ang precious time niya para lang sa wala. Ni hindi nga nito in-acknowledge ang effort niya para lang makita ito.
It's late in the evening and yet wala pa rin itong message or calls and it's beginning to piss her off. She called him without even thinking but he didn't answer. Sa sunod niyang subok ay nakapatay na ang telepono nito. Muntik na niyang maibato ang telepono dahil sa frustration. Iyon ang unang pagkakataon na ginawa nito 'yon sa kanya. Naging mapagpasensya siya sa relasyon nila. Lahat ng gusto nito ay sinusunod niya. Nang pagbawalan siya nitong tawagan ito ay ginawa niya. Naghihintay lang siya kung kailan siya nito puntahan. But this time hindi niya kayang maghintay ng gano'n katagal, na kung kailan lang nito gusto ay saka ito sisipot.
Gigil na nagtipa ng mensahe ang dalaga sa nobyo at lahat ng letra ay naka-bold letters. Pagkatapos ay ipinadala na at ibinagsak sa kama ang aparato. She felt frustrated but behind it is a mischievous smile. Tingnan lang niya kung gaano katagal ito mag-reply sa mensahe niyang may nakasulat na; "LET'S COOL OFF!"