NAPANGITI si Yvette ng may matanggap agad siyang bulaklak kinabukasan. She was not surprise by it. She's expecting it actually.
Naghahanda na siya sa pagpunta sa guesting niya sa isang game show ng matanggap niya 'yon. It's a bouquet of red tulips. Ipinatong niya muna 'yon sa ibabaw ng vanity table habang nag-aapply ng red lipstick. Buburahin din naman 'yon ni Babeth pagdating nito. Gusto niya lang talagang maging presentable ang itsura niya.
Speaking of… Narinig na niya ang boses ng P.A sa labas ng silid niya. Hindi siya sumagot at naghintay lang na puntahan siya nito. Nang matanawan ito mula sa salamin ay saka siya humarap.
"Kumusta?" Tanong niya. Nagtataka siya nitong tiningnan na para bang may mali siyang sinabi.
Lumapit ito at sinalat ang noo niya. Natatawa naman niya 'yong pinalis.
"Parang noong huli tayong nagkita ang taray-taray mo a? Anong nangyari?" Nahihiwagaang tanong nito. Inilabas nito ang mga make up at sinimulan na siyang ayusan. Pero agad din itong napatigil ng mapansin ang mga bulaklak saka muling bumaling sa kanya.
"Kanino 'to galing? May suitor ka na? Sino? Artista ba?" Animo'y imbestigador ang itsura nito ng mga oras na 'yon.
Napairap naman siya pero hindi niya naitago ang ngiti sa labi niya na umabot yata hanggang tainga.
"Artista nga? Oh my g! Sino?" Kinikilig na usisa nito.
"Secret!" Tipid na sagot niya.
"Nakakainis ka! Mapagkakatiwalaan mo naman ako e!" Maktol nito at ipinagpatuloy na ang pag-aayos sa kanya.
Ngumiti lang ulit siya at hindi na nagsalita. Hinayaan na lang niya na isipin nitong may nanliligaw sa kanya at isang artista nga 'yon.
"Alam mo ba ang ibig sabihin kapag nakatanggap ka ng red tulips?" Mayamaya ay tanong nito.
Umiling lang siya at nagkibit balikat bilang sagot.
"Ibig sabihin daw no'n, deeply in love ang taong nagpadala niyan," anito. Napaisip naman siya sa narinig. So he's deeply in love with her? Ngayon niya lang nalaman na may mga hidden meaning pala ang mga bulaklak.
Habang ngbibihis ay laman pa rin ng isip niya si Alfred at ang bulaklak na ipinadala nito.
"E, ano namang bulaklak ang nagre-represent ng paghingi ng sorry?" Tanong niya kay Babeth paglabas ng walk in closet.
"Purple hyacinth ang nagre-represent sa forgiveness," anito. Napatango-tango siya. Humarap siya sa full length mirror para tingnan ang sarili
"Baka mamaya obsess na pala sa'yo 'yang nagpadala niyan ha?" Agad na dagdag nito.
Kung obsess siya sa'kin 'di sana ay nandito na siya ngayon… Hindi na niya isinatinig 'yon at kunwa'y nawi-weirdo-han na humarap dito.
"Kung ano-ano naiisip mo. Baka naman ikaw ang may sakit?" Biro niya. Lumabas na sila ng condo at pasakay na ng elevator dahil tumawag na si Momshy Vodka na nasa baba na ito.
"Tse!" Umirap pa ito na ikinatawa niya.
Nang makasakay sila sa Van ay agad siyang ibinuking ni Babeth sa handler kaya inulan siya ng mga tanong galing dito. Gaya ng, artista ba 'yan? Kung hindi artista, anong trabaho niya? Galing ba sa maayos na pamilya? Matino ba? Ilang taon na?
Dinaig pa nito ang mommy niya sa pagiging mausisa. Pero alam naman niyang kapakanan lang niya ang iniisip nito. Sa dinami-dami ng tanong nito ay iilan lang ang sinagot niya.
"You know you're being secretive, Ivy! Hindi maganda na masyado kang malihim. Paano na lang kung magkaroon ng issue tungkol sa'yo? Hindi kita mapagtatakpan dahil wala akong alam sa personal mong buhay. Hindi ka dapat naglilihim sa'kin dahil Manager mo 'ko. Kung ano't ano man ang mangyari maaari mo 'kong takbuhan dahil para na rin kitang anak…" Litanya nito.
Alam niya naman 'yon. Pero may mga bagay lang talaga na hindi niya pwedeng ibahagi dito at isa na do'n ang tungkol kay Alfred.
"Thanks, Momshy. Don't worry I won't give you headaches." Tanging nasabi niya para mapanatag lang ang loob nito.
"Anyway, may dadaanan pala muna tayo bago tayo tumuloy sa studio." Pag-iiba nito sa usapan. Hindi siya nagsalita at tumango lang.
Nang matahimik sila ay naglagay siya ng headset at itinodo ang volume habang pinapakinggan ang paborito niyang pop music. Napansin niya ang message ng nobyo pero hindi niya 'yon binuksan sa pag-aalalang baka mabasa 'yon ni Babeth na nasa tabi niya.
Itinago niya sa kabilang gilid ang telepono saka palihim na binuksan ang mensahe.
"Babe, I'm sorry. Forgive me please?" 'Yon ang nakalagay sa mensahe ni Alfred. Napangiti siya habang nanatiling nakatitig doon.
Naramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan pero hindi niya 'yon pinansin. Abala siya sa pag-iisip kung ano ang ire-reply sa nobyo.
"Ivy, meet Gideon Garbes. He's my new talent."
"Ivy…" Napaangat ang tingin niya ng makaramdam ng tapik sa balikat niya. Tinanggal niya ang headset at noon niya napansin na iba na ang katabi niya.
Puno ng pagtataka niyang ibinaling ang tingin sa Manager at sa lalaking katabi. He scanned him unintentionally. With his hair styled in a brush up, he looks like the boy next door type of guy. He has pointed nose, thick eyelashes and eyebrows that adds up to his masculine look. He's wearing a buttoned down shirt that is tucked inside his pants and is paired with loafer shoes. Para bang formal event ang pupuntahan sa porma nito. Now, she's thinking who he is and what he's doing there? Ito ba ang dahilan kaya sila panandaliang huminto?
"Gideon Garbes nga pala, Miss Yvette. It's nice to finally meet you. Mas maganda ka pala sa personal. Lalo na sa malapitan." Ngiting-ngiting sabi nito at inilahad ang kamay.
Nagtataka man sa huling sinabi nito ay hindi na siya nagkomento at tinanggap ang palad nito.
"Siya ang bago kong talent at palagi mo na siyang makakasabay sa Van. Sa ngayon ay isasama na muna natin siya sa mga project mo habang hinihintay ang break niya. Nang sa gano'n ay maging pamilyar siya sa bagong mundo na gagalawan niya." Anang handler.
Tumango naman siya at binalingang muli si Gideon dahil hawak pa rin nito ang kamay niya. Nang mapansin nito 'yon ay nahihiya itong bumitaw at napakamot sa ulo. Tipid siyang ngumiti at bumalik na sa pagkakasandal.
Nang makarating sila sa studio ay inihatid muna ni Momshy Vodka ang binata sa silya kung nasaan ang audience para mapanood siya nito. Samantalang siya ay dumiretso sa dressing room na nakalaan sa kanya kasama si Babeth. Konting retouch ng make up at sumalang na rin siya sa game.
Ang game ay may kaakibat na premyo at ang mapapanalunan ay ibibigay sa napiling benepisyaryo ng pair na mananalo. Ang kakampi niya ay isang batikang aktor at modelo. Samantalang ang kalaban nila ay si Marian Alvarez at isa pang artista na news anchor din. Madali lang ang game na huhulaan ang titulo ng mga kanta.
Madalas na siya ang unang nakakasagot at nauungusan niya si Marian. Kitang-kita ang iritasyon nito at paminsan-minsan ay nahuhuli niya itong umiirap. Pero ipinagkikibit balikat na lang niya. Hanggang sa matapos ang game at sila ang hinirang na panalo.
Tuwang-tuwa siya at napapatalon pang umapir sa kakampi. Matapos igawad sa kanila ang trophy at ang premyo ay bumalik na siya sa dressing room.
Tumitili siyang binati ni Babeth habang nagbibihis siya. Ikinuwento din nito kung paanong kuhang-kuha sa camera ang inis na reaksyon ng babae.
Naglalakad na sila sa hallway para puntahan ang handler ay hindi pa rin tumitigil si Babeth sa pagkukwento.
"Kung makikita mo lang talaga ang itsura niya tiyak na matatawa ka! Asar-talo kasi siya." Tatawa-tawang sabi nito. Pero mayamaya ay napaubo ito at napayuko dahil makakasalubong nila ang laman ng kwento nito. Diretso itong nakatingin sa kanya at kulang na lang ay mabuwal siya sa kinatatayuan dahil sa sama ng titig nito..
Napatigil sila sa paglalakad ng tumigil ito mismo sa harapan niya at humalukipkip. Mapang-uyam nitong iginala ang mata mula ulo hanggang paa niya at mayamaya ay napangisi.
"Congrats! Naka-tsamba ka lang ngayon. Tingnan na lang natin sa next game." Tikwas ang isang kilay na wika nito. Isang beses pa siya nitong sinuyod ng tingin saka naglakad palayo.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Todo talak ulit si Babeth pero hindi na niya pinakinggan. Ipinagkibit balikat na lang niya ang sinabi ng babae dahil wala naman siyang balak na patulan ito. She doesn't want to start a fight with anyone in the showbiz industry. Pagod na siya sa araw-araw na pagpunta sa set, sa maagang call time, at sa iilang oras na tulog. Hindi na niya gugustuhin pang magkaroon ng sakit ng ulo. Inner peace na lang ang meron siya at hindi niya hahayaang pati 'yon ay mawala.