Chapter 9.

1165 Words
KINABUKASAN ay nasa studio ulit sila Yvette para sa round two ng game show. Pareho pa rin ang kakampi at kalaban niya. Naiba lang ang uri ng laro na lalaruin nila. Pero gaya kahapon ay sila pa rin ng kakampi niya ang nanalo. Fifty thousand ulit ang napanalunan at kasama ang napiling benepisyaryo na tinanggap nila ang premyo. Abot tainga ang ngiti niya lalo na ng makita ang masayang itsura ng benepisyaryo. Kuntodo pasalamat pa ito at sinabi kung saan ilalaan ang perang nakuha. Hanggang sa makabalik sa dressing room ay hindi mawala-wala ang ngiti niya. Naabutan niya si Babeth na hawak ang telepono niya habang tumutunog 'yon. Mabilis pa sa alas kuwatro niya 'yong inagaw dito at pinatay ang tawag saka itinago sa bag niya na nasa ibabaw ng dresser. "Sino si MyF? Kanina pa tawag ng tawag kaya kinuha ko na. Iaabot ko sana sa'yo," sabi nito. "W-Wala. Kaibigan ko lang 'yon." Hindi niya sinalubong ang nagtataka nitong tingin at kunwa'y inaayos niya ang shoulder bag. "Anong ibig sabihin ng MyF? Pangalan ba 'yon?" Patuloy na usisa nito. "Hindi. MyF, ibig sabihin, My Friend…" Dahilan niya at hinarap ito. Para bang nawala ang kaba niya dahil sa nakaisip agad siya ng isasagot dito. Siguro naman tatanggapin nito ang kasinungalingan niyang 'yon. Mukha ngang tinanggap nito ang alibi niya dahil natahimik ito at nagkibit balikat. Kinuha naman niya ang pagkakataon na 'yon para ayusin na ang mga gamit at nagbihis na rin siya. Pagkatapos ay lumabas na sila. Hindi pa man tuluyang nakakalabas ng studio ay hinarang na naman sila ni Marian at hindi gaya kahapon na mapang-uyam ang titig na ibinigay sa kanya. Ngayon ay puno ng iritasyon ang hitsura nito at hindi niya nagugustuhan 'yon. Sa lugar pa na walang nagagawing tao sila nito hinarang. "Hindi ko matatanggap na isang kagaya mo lang ang tatalo sa'kin! Ni hindi ka nga magaling umarte! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakakakuha ka pa ng project." Maanghang ang mga salitang binitawan nito. Gustuhin man niyang salungatin ang mga sinabi nito ay nagpigil siya. Hahaba lang ang usapan kung sasalubungin niya pa ito at baka maging issue pa 'yon. "Hindi kita masisisi kung ganyan ang pananaw mo sa'kin. Pero sana maging masaya ka na lang dahil hindi naman sa'kin napunta ang pera. May natulungan ang perang napanalunan namin. Excuse me, Marian. We have to go." Tipid siyang ngumiti at nilampasan ito. Pero hindi pa siya nakakalayo ay hinaklit nito ang braso niya paharap dito. Hindi niya napaghandaan ng sampalin siya nito. Halos bumiling ang mukha niya sa lakas no'n at kahit si Babeth ay hindi nakahuma. Halatang nabigla din sa ginawa ni Marian. Dahan-dahan siyang humarap dito at pinili pa ring ngumiti kahit sa isip-isip ay gusto na niyang gumanti. "Gumaan na ba ang pakiramdam mo? Kung okay na aalis na kami." Kita niya na lalo itong nairita sa reaksyon niya. Kaya bago pa ito pumangalawa ay umalis na sila. Paglulan nila sa Van ay naroon na si Momshy Vodka at Gideon. Agad na pinaandar ang sasakyan ng masigurong ayos na. Sinulyapan niya si Babeth na nasa tabi niya. Alam niyang anumang oras ay isisiwalat nito ang nangyari kanina. Gusto niya itong pigilan dahil ayaw na niyang lumaki pa ang issue. Kilala niya si Momshy Vodka. Siguradong susugurin nito si Marian kapag nalaman ang ginawa sa kanya. "Don't tell them what happened, Beth…" Bulong niya dito. "Anong pinagbubulungan niyo diyan?" Agad na tanong ng Manager habang nakatingin sa kanila mula sa rearview mirror. Napatuwid siya ng upo at tumikhim. Saka nginitian ito. "Wala, Momsh. Tinatanong ko lang si Babeth kung may celebration ba tayo ngayon? Kasi 'di ba nanalo ako sa game kahapon at kanina?" Pagsisinungaling niya at muling sinulyapan ang P.A. Pasimple niya itong siniko para sumang-ayon sa kanya. Pero wala man lang itong reaksyon. "Mabuti ipinaalala mo! Pwede bang next time na lang ang celebration? Sasalang na kasi sa una niyang project itong si Gideon at kailangan maaga tayo sa nakatakdang call time para naman ma-impress si Direk sa kanya. 'Di ba gaya na lang ng ginagawa mo noon?" Pagbibigay alam nito habang kumakampay pa ang mga kamay. "N-Naiintindihan ko, Momshy. Hindi naman talaga kailangan ng pagdiriwang. Masaya na 'ko na nakatulong ako," turan niya. "Ang bait mo pala talaga. Akala ko balita lang 'yon para pabanguhin ang pangalan mo." Mula sa kawalan ay turan ni Gideon. "Sa sobrang bait naaabuso na…" Bulong ni Babeth na narinig naman niya. Tipid niyang nginitian ang binata at hindi na nagkomento pa. Kahit ang sinabi ng P.A, ay ipinagkibit balikat na lang niya. Sa isang Ancestral House sa Laguna sila nagpunta para samahan at suportahan ang unang acting project ni Gideon. Kaibigan ng bida ang una nitong natanggap na role. Not bad for someone who's just starting. Hindi nga gaya niya na nagsimula sa pinakababa. RomCom-Horror ang tema ng pelikula na kinabibilangan nito. Mas maaga nga sila sa call time at halos staff pa lang ang naroon. Kaya nag-stay muna siya sa tent na nakalaan kay Momshy Vodka dahil nasabihan nito ang mga staff na kasama siyang pupunta doon. Kaya talagang pinaghandaan siya ng mga ito. Nasa labas ang Manager at ang bagong talent para mag-internalize at para malibot na rin ang set. Samantalang siya ay piniling mag-stay sa tent para magpahinga. "Bakit hindi mo sinabi kay Momshy, ang ginawa sa'yo ni Marian?" Untag ni Babeth sa kanya. Tinanggal niya ang takip sa mata at tiningnan ito. "As much as possible ayokong magkaroon ng issue, Beth. Pagod na 'ko sa araw-araw na taping kaya hindi ko na gusto pang dagdagan ang stress na nararamdaman ko." "Alam mo hindi rin maganda 'yong masyado kang mabait. May tendency kasi na abusuhin ka o kaya aakalain nila na mahina ka." "Alam ko ang limitation ko, Babeth. 'Yong ginawa ni Marian kanina pinalampas ko lang. Pero sa susunod na ulitin niya 'yon ay hindi na 'ko mangingiming gantihan siya. Tumayo siya at nagsuot ng cardigan. Nakakita siya ng itim na baseball cap sa mga gamit na dala ni Babeth. Kinuha niya 'yon at isinuot saka nagtakip ng mask sa mukha. Plano niyang mamasyal at baka dumaan na rin siya sa Ancestral house nila para dalawin ang Lola niya, mommy ng daddy niya na nasa kabilang bayan lang. "Saan ka pupunta? Baka hanapin ka ni Momshy Vodka?!" Natatarantang tanong ng P.A ng makitang palabas na siya. "Mamamasyal. Sama ka?" Hindi pa man ito sumasagot ay lumabas na siya. "Hindi ba tayo magpapaalam?" Tanong nito ng maabutan siya. "Hindi na. Saglit lang naman tayo." Tipid na sagot niya. Alam naman ng handler niya na meron siyang relatives doon. Kaya nga isinama siya nito doon kahit na wala naman siyang gagawin. Alam nito na close siya sa Abuela na naroon at naikuwento rin niya na palagi siya doon noong bata pa siya. Paglabas nila sa matayog na gate ay pumara sila ng tricycle at nagpahatid sa Sta. Cruz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD