Chapter 29.

1160 Words
MATAPOS i-park ang sasakyan sa garahe ay hindi agad bumaba si Yvette. Kinalma muna niya ang sarili at pinahiran ang luha na ng mga oras na 'yon ay wala pa ring awat sa pagtulo. Nang masigurong wala ng bakas ng luha ay bumaba na siya. Wala siyang nakita ni isang tao sa labas. Katanghaliang tapat at siguro ay kumakain ang mga magulang niya at ang abuela. Hindi siya nagpasabi na uuwi kaya sigurado siyang magugulat ang mga ito. Pero siya ang nagulat ng makita ang mga ito sa living room kasama si Enrique at Elenita. Mukhang may mahalagang pinag-uusapan ang mga ito. "Ivy, hija! I'm glad you came. We just heard the good news about what really happened between you and Marian Alvarez, and we are planning to held a party here. What do you think?" Masayang pagbabalita ng ina ng tumayo at lumapit sa kanya. Napatingin din sa kanya ang lahat ng naroon sa silid na 'yon. Hindi niya alam kung paano siya magre-react na hindi mahahalata ng mga ito kung anong iniisip o pinagdadaanan niya. "Can I talk to you in private? You and Papa." Mahinang wika niya. Napatitig ito sa kanya at animo'y noon lang napansin ang itsura niya dahil para itong nagulat ng matitigan siya ng malapitan. "I will wait for you in my room. Excuse me." Pagkasabi no'n ay tinanguan niya lang ang mga ito at umakyat na sa ikalawang palapag ng bahay. Pagpasok ng silid ay nagpalakad-lakad siya sa gilid ng kama. Plano na niyang sabihin sa Mama at Papa niya ang tungkol sa kanila ni Alfred. Pero hindi niya alam kung saan at paano magsisimula. Ngayon lang niya napagtanto na hindi ganoon kadali ang iniisip niya. Ni hindi niya naisip kung ano ang maaaring maramdaman ng mga ito. Nakagat niya ang dulo ng hinlalaki niya. Sigurado siyang masasaktan ang mga ito kapag narinig ang confession niya. Natigil siya sa paglakad ng marinig ang katok mula sa labas ng silid. Pagkatapos ay bumukas 'yon at lumitaw ang Papa niya at sa likuran nito ay ang ina. "Ivy, nais mo raw kaming makausap sabi ng Mama mo." anito. "U-Upo ho muna kayo ni Mama," wika niya at iminuwestra ang upuang kahoy na nasa kabilang parte ng silid niya. "You look tired and stressed, anak. May problema ka ba?" Tanong ng ina ng igiya siya sa upuan. Hindi siya sumagot at hinintay lang na makaupo ang mga ito. Tumikhim siya para alisin ang bara sa lalamunan. Hindi dapat siya maunahan ng pag-iyak kung hindi ay hindi niya maaamin sa mga ito ang lahat. "M-May kailangan akong sabihin sa inyo, Ma, Pa. Pero sana 'wag kayong magagalit at… sana ay 'wag niyo kong husgahan." Basag ang boses na wika niya. "Ano 'yon? Tinatakot mo kami ng Papa mo. Sabihin mo may kinalaman ba 'yan sa trabaho mo? O may ginawa na naman ang Marian na 'yon sa'yo?" Nakalarawan sa mukha ni Karina ang pag-aalala sa anak. Agad niyang pinalis ang luha na dumaloy sa pisngi niya at yumuko. Ano bang uunahin niyang sabihin? Ang pakikiapid niya sa lalaking may asawa? Ang pagbubuntis niya? O ang pag-amin na wala siyang alam sa tunay na katauhan ni Alfred? Alin man doon sigurado pa rin siyang masasaktan ang mga ito. "Sabihin mo kung anong problema, Ivy? Para madamayan ka namin ng Mamá mo," ani Anton. "I-I'm sorry, Papá, Mamá… It's my fault." Napahagulgol siya at nanghihinang napaupo sa silya. Itinakip niya ang mga palad sa mukha dahil ayaw niyang makita ng mga ito kung gaano siya nasasaktan ng mga oras na 'yon. Naramdaman niya ang pag-alo ng ina. "HINDING-hindi ko gagawin ang gusto mo!" Pagalit na sigaw ni Almira sa asawa na ngayon ay hindi mailarawan ang nararamdaman. Hindi niya alam kung masaya ba ito o galit. Basta ang alam niya gusto nitong makipag-ayos siya sa Yvette na 'yon at magkunwaring hiwalay na sila. Gusto rin nito na sabihin niyang may taning na ang buhay niya. Hinding-hindi niya ibababa ang sarili sa babaeng naging dahilan kung bakit ibang tao na siya kung ituring ng asawa niya. "Hindi ako nakikiusap sa'yo. Inuutusan kitang suyuin siya ng sa gano'n ay makuha ko ulit ang loob niya at para pumayag siya na sabay naming palakihin ang magiging anak namin." Seryosong sabi ni Alfred. Para 'yong bomba na sumabog sa tainga niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit ito nagpunta sa bahay nila? Para ibalita na buntis ito. "H-Hindi… Hindi ko pa rin gagawin ang gusto mo. Hinding-hindi kayo magiging masaya ng babae mo!" Napamulagat siya ng sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang asawa at marahas nitong hinawakan ang panga niya. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Pakiramdam niya ay dumudugo na ang mga gums niya dahil sa higpit ng kapit nito. "N-N-Nasasaktan ako, Alfred…" Nahihirapang wika niya at pilit na inaalis ang kamay nito. "Masasaktan ka talaga kapag hindi mo sinunod ang gusto ko! Alam mo malapit ka na rin namang mamatay. Bakit hindi mo pa 'ko mapagbigyan sa gusto ko!" Bulyaw nito at marahas siyang binitawan. Hindi niya napigilan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha niya dahil sa masasakit na salitang sinabi nito. "B-Bakit mo ginagawa sa'kin 'to, Alfred? Nasaan na ang lalaking minahal ko noon? A-Alam ko naman na marami akong pagkukulang sa'yo pero hindi 'yon sapat para gawin mo sa'kin 'to! O-Oo, konting panahon na lang ang ilalagi ko sa mundo at gusto kong sulitin 'yon na kasama ka. Kaya please, s-sa'kin mo na lang ituon ang atensyon mo…" Puno ng pagsusumamong wika niya habang hilam sa luha ang mga mata. Sinubukan niyang abutin at hawakan ang kamay ng lalaki pero iniiwas nito 'yon. Napapikit siya para pigilan ang sakit na nararamdaman. Pero wala ring nagawa 'yon dahil ramdam niya sa kaloob-looban niya ang sakit. "Kung talagang mahal mo 'ko ay gagawin mo ang gusto ko." Pagkasabi no'n ay iniwan na siya nito. Nang makaalis ito ay saka niya pinakawalan ang sakit na nararamdaman. Ibinato niya ang lahat ng gamit na nasa ibabaw ng mesa habang hindi ma-kontrol ang pag-iyak. Nang wala ng maibato ay pinagsusuntok niya ang dibdib. Paano ba niya mapipigilan ang sarili na mahalin ito? Bakit kahit wala na itong maidulot na maganda sa kanya ay nananatili pa rin siya sa tabi nito. Gano'n na ba ang mangyayari sa kanya hanggang sa mamatay siya? Puro pagdurusa na lang ba ang tatamasain niya? Samantalang ang mga taong nanakit sa kanya ay mananatiling masaya. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang timpla ni Almira. Marahas niyang pinalis ang luha at nanlilisik ang mga mata ng tumingin sa wedding picture nila na nakasabit sa isang bahagi ng study room. Kung gano'n ay hindi siya papayag. Hangga't nabubuhay siya ay hindi niya rin papayagan na maging masaya si Alfred at Yvette. Sisiguruhin niyang magiging inpiyerno rin ang buhay ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD