"GLAD you're here… I thought you will keep ignoring my message. But I guess she really is important to you." Sarkastikong turan ni Almira ng pumasok sa opisina na nasa bahay ang asawang si Alfred.
Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito ng makita ang babaeng nakaupo sa silyang nasa tabi ng mesa na ngayon ay halatang naguguluhan sa nangyayari sa paligid nito.
"Why don't you explain everything to her now? She doesn't believe me when I told her I AM YOUR WIFE. Maybe she'll accept it if it will come straight from you." Tahasang sabi niya habang diretsong nakatingin sa babae.
Nagulat siya ng bigla na lang sumulpot ang babae sa bahay nila kanina at hinahanap si Alfred. She was intimidated to her at first. But when she realize who she is, she suddenly felt angry. She remembered how she hate her.
She let her in inside their house because of courtesy. Tinanggap niya ito pero hindi niya kinalimutan ang atraso nito.
Nagkunwari siya bilang malayong kamag-anak ng asawa at nakipagkuwentuhan dito. Mabait ito… sa unang tingin lalo pa ng ikuwento nito ang tungkol dito at kay Alfred. Masakit sa tainga ang kuwento nito at hindi niya maiwasan na patagong ikuyom ang kamao niya dahil sa gigil.
Ipinahayag din nito kung gaano ito kasaya na sa wakas ay may nakilala na itong kamag-anak ng nobyo "daw" nito. She can't help but to smirk everytime she'll mention the word boyfriend.
Ngayon, bakit nga ba sila umabot sa punto na nasabi niya dito kung ano ang tunay niyang relasyon kay Alfred? Ah, iyon ay nang umakto itong masayang-masaya habang inililibot ang tingin sa buong bahay habang sinasabing magiging tahanan na nito ang bahay na 'yon. Nagpanting na ang tainga niya at nasabi niya dito ang kanina pa ay gusto niyang sabihin. Ipinamukha niya dito na kabit ito at siya ang tunay na asawa. Kaya ngayon ay tulala ito at hindi pa nakakabawi sa mga narinig.
Nakangisi lang siya habang pinapanood ang reaksyon ng dalawang taong kasama sa silid na 'yon.
"T-TO… TOTOO ba ang sinasabi niya Alfred?" Basag ang boses na tanong ni Yvette. She can't believe what Almira told her. She just can't…
Nakaawang ang labi ng lalaki pero walang boses na lumabas doon. Unti-unti rin itong nag-iwas ng tingin. So does that mean everything she told her was true? Na kabit siya? Homewrecker? Slut at kung ano-ano pang masasamang salita na pwedeng sabihin sa kanya.
She was stunned when she heard her say that earlier. Sobrang bait ni Almira ng tanggapin at papasukin siya nito. Ang gaan ng pakiramdam niya habang ikinukuwento dito ang tungkol sa kanila ni Alfred. Pero nagbago ang timpla nito ng…
"I can see myself living here with him…" Abot tainga ang ngiting pagkausap niya sa sarili.
"In your dreams! You know I hate to break this to you but I am the legal wife of Alfred. I am Almira Leviste, the one and only legal wife of your beloved man."
Maang siyang napatitig dito at hindi nakapagsalita. How come he has a wife?
"Hindi ka pa rin naniniwala? Do you want me to show you our wedding picture, marriage contract, or… our wedding ring?" Pagkasabi no'n ay dahan-dahan nitong itinaas ang kaliwang kamay kung saan nakasuot ang singsing nito na kumikinang pa sa tuwing tatamaan ng liwanag.
Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya 'yon kayang titigan. Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha at bumibigat ang dibdib niya. Sumasakit ang lalamunan niya animo'y may gustong sabihin pero walang katagang gustong kumawala sa bibig niya.
Kinuha niya ang shoulder bag na nasa couch at akmang aalis na nang pigilan siya ni Almira.
"We haven't finished talking yet. Hindi ba gusto mo ring kausapin ang ASAWA KO? Well, he's on his way now. You should wait for him if you want to know the truth. Let's wait for him in the study room." Kalmadong wika nito.
"B-Babalik na lang ako---" She cut her off before she could finish her words.
"You'll follow if you don't want me to make a scene here, right Yvette?" Kakaiba ang ngiting nakaukit sa labi nito ng sabihin 'yon.
Wala siyang nagawa kundi sumunod ng talikuran siya nito.
"Tell her Alfred! This is the best time to tell her that the guy---
"Shut up, Almira!" Bulyaw ni Alfred na naging dahilan para tumigil ang babae.
Pinalis niya ang luha at isinukbit sa balikat ang bag saka nagmamadaling lumabas sa silid na 'yon. Halos tumakbo na siya pababa ng grandstaircase makatakas lang doon. Pero animo'y walang katapusan ang hagdan na 'yon at inabot pa siya ng ilang segundo para marating ang dulo.
Lalo pa niyang binilisan ang lakad ng marinig ang boses ni Alfred mula sa likuran niya. Nang sa wakas ay makalabas sa bahay na 'yon ay nagmamadali siyang lumulan sa sasakyan at ini-start. Akmang papaandarin na niya ng biglang sumulpot ang lalaki sa tapat ng bintana niya.
Huminga siya ng malalim at ibinaba ang bintana. Matalim ang tinging ipinukol niya dito.
"Let me explain, Babe." Puno ng pagsusumamo ang mga matang turan nito.
Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang makita ang mukha nito ng mga oras na 'yon. Nandidri siya at nakakaramdam ng matinding poot sa tuwing nakikita ito. Hindi na rin niya magawang paniwalaan ang mga ipinapakita nito na puro kasinungalingan.
"Don't ever call me babe. We are done. I don't want to see your face again." Mapait ang ngiti niya itong sinulyapan.
"I was wrong when I agree having a child with you. Now it's only me who will raise him. Goodbye, Alfred."
"A-Anong ibig mong sabihin? T-Totoo ba---" Bago pa nito matapos ang sasabihin ay pinaandar na niya ang sasakyan palayo roon.
Narinig pa niya ang pagtawag nito sa pangalan niya at nakita niya itong humahabol pero nagpatuloy lang siya.
Hindi nito alam kung gaano kadumi ang tingin niya sa sarili ngayon. Ang kahihiyan na nararamdaman niya ay walang katumbas. Nahihiya siya sa sarili niya pero mas nahihiya siya kay Almira. All this time may tao pala siyang nasasaktan at naaapakan.
Bakit ba hindi niya nalaman ng maaga na may asawa na pala ang lalaking minahal niya? Nagpabulag siya sa tamis ng pananalita nito. Napakatagal nitong nabilog ang ulo niya. Now, she knew the answer to all her questions.
Kaya hindi siya nito maipakilala sa pamilya nito ay dahil kay Almira. Kaya hindi ito pumayag na isapubliko ang relasyon nila ay dahil sa tunay nitong asawa. Ayaw din nitong ipaalam sa buong bansa ang pangangaliwang ginagawa nito. At siya na tanga ay pumayag sa lahat ng gusto nito. Tanga siya dahil hindi niya ginawa ang lahat para malaman ang itinatago nito. Tanga dahil hinayaan niyang ito ang magdesisyon sa relasyon nila. Tanga dahil pinili niyang manahimik kaysa isatinig ang lahat ng tanong na nasa isip niya.
Itinigil ng dalaga ang sasakyan sa tabi ng daan at humahagulgol na isinubsob ang mukha sa manibela. Walang tamang salita ang makakapaglarawan ng nararamdaman niya ngayon. Para siyang dinudurog ng paulit-ulit sa tuwing maaalala ang nangyari kanina.
Hindi niya mahamig ang sarili at pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Pati ang ulo niya ay parang puputok sa dami ng iniisip. Puro tanong na nahihirapan siyang sagutin sa ngayon.
Hindi niya alam kung anong gagawin, kung saan siya tatakbo, at kung ano ang solusyon sa lahat ng nangyayari ngayon.
Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Yvette para mabawasan ang paninikip ng dibdib niya. May ilang minuto pa siyang nanatili doon at ng masigurong medyo maayos na ang pakiramdam ay pinaandar na ulit niya ang sasakyan.
She have come up of a plan and that is to tell her parents everything. Hindi na dapat malaman ng mga ito sa iba ang nangyayari sa kanya. Kaya hangga't maaga ay ipagtatapat na niya ang kasalanang ginawa niya.