"WHERE do you think you're going?" Nakataas ang kilay na tanong ni Almira ng makitang lumabas ng silid ang asawa at bihis na bihis.
Alam niyang hindi ito sa Kapitolyo pupunta dahil gabi na. Isa lang naman ang naiisip niyang pupuntahan nito. Pero nagtanong pa rin siya.
Parang wala itong narinig at nilampasan lang siya. Palabas na ito sa maindoor ng magsalita ulit siya.
"How come na hindi ka na masyadong kino-contact ng kabit mo? Nagsasawa na ba siya? Na-realize na ba niyang hindi ka na niya gusto? O… baka naman nakahanap na siya ng iba? 'Yong mas bata… at higit sa lahat 'yong walang sabit." Litanya niya.
Napangisi siya ng makita itong natigilan. Nanatili itong nakatalikod kaya hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Basta ang sigurado siya hindi magiging masaya ang gabing ito sa asawa niya at lalong-lalo na sa kabit nito.
NAPAPITLAG si Yvette ng makita si Alfred na nakaupo sa single sofa sa silid niya. Hatinggabi na at kararating lang niya galing sa buong araw na taping. Pagod siya at magpapahinga na sana ng maabutan niya ito.
Sanay naman siya na bigla na lang itong nadadatnan pero may kakaiba dito ngayon. Binuksan niya ang ilaw at nakita niya ang madilim nitong anyo. Naisip niya ang hindi pagpansin sa mga message at calls nito. Baka 'yon ang dahilan kaya gano'n ito.
"I'm sorry if I didn't answered any of your calls." Basag niya sa katahimikan. Lumapit siya para halikan ito pero nagulat siya ng bigla itong umiwas. Pero ang mas ikinagulat niya ay ng marahas siya nitong hawiin at tumayo ito.
Napaupo siya sa sahig at maang na napatitig dito. Nakalagay sa baywang ang isang kamay nito habang nakatalikod sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ng mga oras na 'yon pero nakaramdam siya ng takot. She's not used to seeing him like that.
"Sino si Enrique De Guia na kasama mo sa Laguna?" Tanong nito at sinulyapan siya.
"B-Bakit mo itina---"
"Sagutin mo ang tanong ko!" Napapikit siya ng marinig ang dumadagundong nitong tinig.
"T-Tauhan siya ng Lola ko sa farm," tugon niya.
"Tauhan lang? 'Yon nga lang ba? Paano naman si Gideon Garbes?" Matalim ang tinging ipinukol nito ng tanungin 'yon.
Tumayo ang dalaga at buong tapang itong hinarap. "Ano bang klaseng mga tanong 'yan?! Kaya ka ba nagkakaganyan dahil sa selos?" Tanong niya.
Nakita niyang napipilan ito kaya lalo siyang nagkaroon ng lakas ng loob.
"Don't tell me kapag nabuntis ako pag-iisipan mo rin ako ng masama? Kung ngayon pa lang ay hindi mo na makontrol 'yang selos mo mabuti pang tigilan na natin 'to… Nasasaktan mo na 'ko, Alfred. Hindi mo ba naiisip 'yong mga sacrifices ko sa relasyon natin? Lahat ng 'yon ginagawa ko dahil mahal kita. But it seems like you didn't see it." Hindi niya napigilang sumbatan ito. She's been stressed out lately because of her career and mostly because of their relationship. But she's trying to stay sane.
Agad niyang pinalis ang tumulong luha at sinalubong ang titig ng nobyo. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
Mayamaya ay nakita niyang palapit ito. Pero agad niya rin itong pinigilan. "I'm sorry, Babe," wika nito.
"Iwan mo muna ako. Gusto ko ng magpahinga." Walang emosyon na wika niya.
Tinalikuran niya ito at itinuon ang tingin sa karimlan ng gabi. Mayamaya ay narinig na niya ang pagsara ng pintuan tanda na umalis na ito.
May ilang segundo pa siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa mapagdesisyonan niyang lumabas ng silid. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng alak.
Pagbukas ng fridge ay may masangsang na amoy siyang nalanghap. Hindi niya alam pero bigla na lang bumaligtad ang sikmura niya. Dumiretso siya sa sink at doon nagsuka.
Nang matapos ay natitigilan siyang napasandal sa sink. She's not the sensitive type at hindi siya madaling masuka o mandiri sa isang bagay. Isa pa ay wala naman ibang nakalagay sa fridge kaya nagtataka siya kung anong amoy ang naamoy niya.
Then it hit her. She can't remember when was the last time she had her monthly period. Napapadalas din ang pagsakit ng ulo niya. Maaari bang dahil 'yon sa…
Naitakip niya ang kamay sa bibig. Mayamaya ay tumakbo siya sa silid at kumuha ng jacket. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabad ng unit para tumakbo sa pinakamalapit na pharmacy. Kailangan niyang mkumpirma kung tama ang iniisip niya.
NAPAMULAGAT si Yvette ng magising at bumulaga sa kanya ang kulay puting kisame ng silid niya.
Natulala siya ng maalala kung anong nangyari kagabi. Everything that happened between them and what she said. But not only that. She just found out that she's pregnant.
Bumangon siya at may kinuha sa ibabaw ng bedside table saka sumandal sa headboard. Mariin niyang ipinikit ang mata at humugot ng malalim na hininga. Unti-unti niyang iniangat sa harapan ang kamay at kasabay no'n ay ang pagmulat ng mga mata niya.
Bumungad sa kanya ang dalawang linyang pula sa hawak na pregnancy test kit. Patunay lang 'yon na hindi siya nananaginip at totoong may buhay sa loob ng sinapupunan niya.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Namamanhid ang pakiramdam niya at kasabay no'n ay ang pag-uunahan ng luha niya.
Paano na ang career niya? Maraming agam-agam na lumulukob sa kanya ngayon. Pero bukod do'n, paano niya sasabihin 'yon sa mga taong malalapit sa kanya? Ni hindi nabanggit sa kanya ni Alfred kung anong magiging set up nila kapag nagbuntis na siya.
Nanghihina niyang ibinaba ang kamay at pinalis ang luha niya. Pero hindi 'yon maampat sa pag-agos. Tumayo siya at nagbihis. Kailangang malaman ni Alfred ang kalagayan niya. Hindi niya 'yon poproblemahin mag-isa. Kailangang sabay nila 'yong pagdesisyonan.
Matapos magbihis ay handa ng umalis si Yvette. Pero napigilan siya ng pagtunog ng telepono niya. Inilabas niya 'yon mula sa loob ng shoulder bag. Nang makita ang pangalan ng Manager ay agad niya 'yong sinagot.
"Where are you, Ivy?" Bungad nito.
"Nasa unit lang, Momsh. Nagpapahinga. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon." Pagsisinungaling niya.
"Napapadalas yata ang pagkakasakit mo ngayon. Nagpa-general check up ka na ba? Baka kailangan mo na no'n?" anito.
"No need, Momsh. Masakit lang talaga ang ulo ko," aniya. Kung nakikita lang siguro siya nito ay malalaman nitong nagsisinungaling siya.
Nasa basement parking lot na siya at lumulan sa Porsche niya. Pero hindi muna niya 'yon ini-start.
"Okay. Kung 'yan ang gusto mo. Anyway, kaya ako tumawag ay para ipaalam sa'yo na may lumabas na witness na nagpapatunay na si Marian ang sumampa sa'yo at wala kang ginawa para gantihan siya." Pagbibigay alam nito.
"I'm glad to hear that, Momsh." Bahagya siyang ngumiti pero hindi man lang 'yon umabot sa mata. That's the least of her concern now.
"Naku! Mukhang hindi ka naman masaya! O, siya magpahinga ka na dahil mukhang masama talaga ang pakiramdam mo. Uminom ka ng gamot at bukas ay balik trabaho na ulit tayo," Anito at pinatay na ang tawag.
Inilapag niya sa dashboard ang telepono at ini-start na ang sasakyan saka pinaandar. As much as she wants to celebrate the good news she can't because there's more bigger problem that she's facing right now. And she needs to find a solution to it.