Chapter 26.

1309 Words
NAG-ANGAT ng tingin si Yvette mula sa ginagawa ng may pares ng bota na tumayo sa harapan niya. Nang makita si Enrique ay napatayo siya at pinunasan ang pawis na lumabas sa noo niya. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito. "O-Oo. Ayos na 'ko. Nasobrahan lang siguro sa pagod pero okay na." Tipid siyang ngumiti. Naramdaman niya ang pawis na dumaloy sa pisngi niya at dali-dali 'yong pinunasan. Nagtaka naman siya ng marahan itong tumawa. "Bakit? May problema ba?" Kunot ang noong tanong niya. "May… May dumi ka sa mukha," anito at itinuro ang pisngi niya. Saka niya naalala na naka-gloves nga pala siya at may putik 'yon dahil kasalukuyan siyang naglilipat ng halaman sa paso ng dumating ito. Natataranta niyang pinunasan ang mukha gamit ang braso at muling binalingan ang binata. "Meron pa?" Aniya. Atubili naman itong tumango. "Hala! Ang dami ba?" Tanong pa niya. Natatawa naman itong tumango at pagkaraan ay lumapit sa kanya. Nakita niya ng may inilabas itong panyo mula sa bulsa ng suot na kupasing maong at ipinunas 'yon sa pisngi niya. Mayamaya ay ipinakita nito 'yon sa kanya. Hindi niya malaman kung mahihiya o matatawa siya ng makita kung gaano 'yon kadumi. Pero natawa na lang siya at sinabayan pa siya nito. "Bakit mo ginagawa 'yan? Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa kung na-over fatigue ang katawan mo?" Nang makabawi ay tanong nito. "Hindi ako sanay ng walang ginagawa. Isa pa, isa rin daw 'tong form of relaxation which is what I need right now," tugon niya. Nakita niya ng ngumiti ito. Pero hindi nagsalita. "B-Bakit ka nga pala naparito? Hinahanap mo ba si Lola?" Nauutal na tanong niya. Hindi siya sanay na nginingitian nito kaya siguro gano'n na lang kung mautal siya. Tho sanay naman siyang makiharap sa mga kalahi ni Adan but Enrique is an exception. There's something in him na hindi niya mawari. "O-Oo. Siya nga ang pakay ng pagpunta ko dito. N-Nasa loob ba siya?" Napansin niya rin ang pagkautal nito. Pero hindi niya alam kung anong dahilan. Tipid siyang ngumiti at tumango. "Pinapaliguan siya ni Mama. Pero pababa na rin siguro sila. Maupo ka muna." Aniya. Tumalima naman ito at umupo sa steel chairs na naroon. Siya naman ay bumalik na sa ginagawa. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang sa kaalamang pinapanood siya ng lalaki. At nakumpirma niya nga 'yon ng mahuli niya itong nakatitig sa kanya. "May dumi na naman ba 'ko sa mukha?" Hindi niya napigilang itanong. Marahan itong tumawa kasabay ng pag-iling. "Itatanong ko lang kung magtatagal kayo dito?" Anito. Umiling siya. "I'm leaving later tonight because of work." Kibit ang balikat na turan niya. Hindi napansin ng dalaga ang pagkadismaya na lumarawan sa mukha ni Enrique na agad ding nawala ng sumulyap siya. "But I'll try to come back as soon as I finish the taping." Dagdag niya. "Nandito ka lang pala, Enrique." Kapwa sila napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita nila ang papalapit na si Elenita. May bitbit itong maliit na basket na may takip na tela. Kuntodo ayos ito. May lipstick at namumutok ang blush on. Nakasuot ito ng dress na above the knee ang tabas. Maganda ang babae kundi nga lamang masyadong makapal ang make up nito. Maputi si Elenita at balingkinitan ang pangangatawan. Maaari nga itong pumasa bilang modelo. Nginitian ni Yvette ang babae pero parang hindi man lang siya nito nakita at animo'y aninong nilampasan lang. Dumiretso ito kay Enrique at inilapag ang dala sa ibabaw ng mesa. "Nagpunta ako sa bahay mo para dalhan ka ng paborito mong humba at para sana sabay na tayong kumain. Kaso wala ka ro'n kaya naisip kong hanapin ka. Buti na lang nakita agad kita dahil baka lumamig na 'to. Halika na sa bahay mo. Doon na natin 'to kainin." Yaya nito sa binata. "Hindi pa 'ko nagugutom Len. Ang totoo niyan ay katatapos ko lang kumain ng umalis ako sa bahay. Isa pa ay kakausapin ko si Donya Adelina, kaya ako nandito," tugon ni Riq. Agad siyang nag-iwas ng tingin ng mapadako ang tingin nito sa kanya. Natapos na niyang ilipat ang halaman sa paso kaya nakahanap siya ng excuse para iwanan ang mga ito. Inilagay niya sa tabi ng malagong bulaklak ng gumamela ang bagong tanim. Matapos 'yon ay hindi agad siya umalis sa kinatatayuan at sinulyapan mula roon ang dalawa. She could see in Elenita's eyes that she love him. But it looks like Enrique doesn't know anything about it. Alam niyang magkababata ang mga ito kaya siguro gano'n na lang ang closeness ng mga ito. Kaya din siguro hindi napapansin ng binata ang pagtingin ng kababata dahil nasanay na ito sa mga ginagawa nito. Hindi nito nakikita ang mga hidden meaning ng kilos ni Elenita. Natigil sa pag-iisip si Yvette ng biglang tumunog ang telepono na nasa bulsa ng suot niyang jeans. Dali-dali niya 'yong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Are you ready?" Bungad ni Gideon. Napakunot noo naman siya at hindi agad nakuha ang ibig nitong sabihin. "Anong ready? Bakit?" Tanong niya. "I guess hindi pa sinasabi sa'yo ni Momshy Vodka na ako ang susundo sa'yo diyan sa Laguna," tugon nito. "Ha? Bakit susunduin mo pa 'ko? Pwede namang magpahatid na lang ako diyan o 'di kaya ay mag-commute," wika niya. "Bakit ka pa magpapahatid? E, nandito na 'ko." Pagkasabi no'n ay nakarinig siya ng sunod-sunod na busina ng sasakyan. Napalingon siya sa pinanggalingan ng busina at nakita niya ang sasakyan nito na nasa labas ng gate. Nakita niya si Yaya Idang na patakbong lumapit doon para pagbuksan ito. Nang maiparada ang sasakyan ay umibis mula doon si Gideon at nakangiting lumapit sa kanya. "Y-You really came? Hindi ka ba na-traffic papunta dito? Paano ang Inay mo? Sinong kasama niya?" Sunod-sunod na tanong niya. Hindi siya makapaniwala na talagang sinundo siya nito. Bukod pa do'n ay ang aga nito. "Chill ka lang! Hinay-hinay sa tanong. Mahina ang kalaban." Pabirong sabi nito at kunwa'y umiilag. Natawa naman siya sa ginawa nito. "Gideon, hijo, is that you?" Tanong ni Karina na ikinalingon nila. Nakita nila itong papalapit galing sa loob ng bahay at pinapaliit nito ang mga mata na para bang sinisipat kung si Gideon nga ba ang nakikita nito. Medyo lumalabo na kasi ang mata ng Mama niya kaya gano'n. "Opo, Tita, ako 'to." Nakangiti nitong nilapitan ang Ginang at nagmano. "Susunduin mo na ba agad ang anak ko? Hindi ba mamayang gabi pa ang alis niya?" Tanong ng ina dito. Lumapit siya sa mga ito saka niya naalala na naroon pa nga pala si Elenita at Enrique. Kapwa ito nakatingin kay Gideon. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. "Bakit? Nagselos ka na agad dahil si Tita ang kausap ko?" Buska nito habang may nakakalokong ngiti sa labi. Pinanlakihan lang niya ito ng mata at humarap na kina Elenita. "Gideon gusto kong makilala mo si Enrique at Elenita. Mga kaibigan ko sila." Pakilala niya sa mga ito. "Enrique De Guia." Inilahad nito ang kamay kay Gideon at malugod naman iyong tinanggap ng huli. Nang balingan na nito si Elenita ay para itong namatanda dahil titig na titig ito sa binata. "Miss, Gideon Garbes nga pala," anito at inabot ang kamay ng babae kahit hindi pa ito pumapayag. "Grabe, ang gwapo mo pala sa personal!" Bulalas ni Elenita. "Hindi. Hindi ka nagkakamali…" Biro ng binata na binuntutan pa ng tawa. "Ang yabang mo. Alam mo bang nakakasira ng image 'yan." Komento niya sa himig na nagbibiro. "Joke lang. Highblood ka. May monthly period ka ba?" Anito. Kinurot niya ito dahilan para mapaigtad ito. "Maiwan na muna namin kayo. Papakainin ko lang ang bisita ko. Baka gutom na. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi." Pakli niya at hinila na si Gideon palayo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD