Chapter 25.

1072 Words
"HINDI pa ba tayo aalis? Kumpleto na ang order at hinihintay na tayo ng kostumer." Tila nauubusan na ng pasensya na tanong ni Elenita kay Enrique. "Hindi na ako ang sasama sa'yo sa pagde-deliber. Kailangan kong ihatid si Gwen sa kanila dahil masama ang pakiramdam niya." Narinig niyang turan ng binata. Nasa labas ang mga ito samantalang siya ay nanatili sa loob ng kubo. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya nahilo kanina ng tumayo siya. Tutulong sana siya sa pagsalansan ng mga bagong dating na prutas pero pagtayo niya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkaliyo. Kaya bumalik siya sa pagkakaupo at sumandal siya sa kawayang sandalan at sa ganoong posisyon siya nadatnan ni Riq. Tumayo siya at lumabas. Nakita niya ang namomroblemang mukha ng binata at ang iritadong mukha ni Elenita. "Sasama-sama pa kasi hindi naman pala kaya…" Anang babae. "E-Enri… Mr. De Guia, ayos lang ako. Ako na lang mag-isa ang uuwi. Hindi naman masyadong malayo dito ang bahay ni Lola." Kuha niya sa atensyon ng mga ito. "O, kaya naman pala niya e. Halika na." Yaya pa ng babae. Napatingin naman ito sa kanya at waring binabasa siya. Hindi niya natagalan ang titig nito kaya yumuko na lang siya. "Kung gano'n ay hintayin mo na lang ako. Ihahatid ko lang siya," wika nito. Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang titig na titig pa rin ito sa kanya. Mayamaya ay tumalikod na ito at naglakad palayo. Atubili naman siyang sumunod. "Ang arte! Bwisit!" Pasaring nito ng makalampas siya. "Kaya ko ng umuwi mag-isa, Mr. De Guia. Bumalik ka na lang do'n dahil ayokong magalit sa'kin si Elenita," wika niya ng maabutan ang binata. "Ibinilin ka sa'kin ng Lola mo kaya sumakay ka na," tugon nito ng hindi tumitingin sa kanya. "Hindi na 'ko bata. Kaya ko na ang sarili ko," turan niya. "Kung gano'n ay umakto ka ng naaayon sa edad mo. Hindi nakakababa ng pagkatao ang paghingi o pagtanggap ng tulong, Gwen." Animo'y nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Natameme naman siya at napatitig dito. May punto naman ito pero ayaw niya lang makaabala kaya pinipilit niyang 'wag na magpahatid. "Sumakay ka na," utos nito at sumakay na sa driver seat. Wala na siyang nagawa kundi sumunod. "Tigilan mo na ang pagtawag sa'kin sa huli kong pangalan. Enrique na lang ang itawag mo sa'kin o Riq," wika nito ng makalulan siya. "Salamat… Enrique." Nakangiting turan niya. Hindi niya alam kung namalikmata lang siya pero nakita niyang may sumilay na ngiti sa labi nito ng iiwas ang tingin sa kanya at itinuon na sa daan. Nag-alangan siyang i-address ito sa unang pangalan dahil hindi pa naman sila close. Pero ngayon pakiramdam niya ay kaibigan na niya ito. "Uminom ka agad ng gamot pag-uwi mo at magpahinga ka." Bilin nito ng itigil ang sasakyan sa garahe. Bumaba siya saka ito binalingan. "Maraming salamat sa concern at sa paghatid na rin, Enrique." Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya at para bang may banyagang emosyon siyang nararamdaman na hindi niya mapangalanan sa tuwing bibigkasin ang pangalan nito. "Magpapaalam na rin ako dahil marami pang gagawin sa farm," anito at sumaludo saka pinaandar na ang sasakyan. May ilang segundo pa siyang nanatili sa kinatatayuan habang ang tingin ay nasa kalsadang tinungo ng lalaki. Nang mawala iyon sa paningin ay saka siya pumasok sa kabahayan. "Ano't ang aga mo, anak? Nainip ka na ba sa farm?" Tanong ni Yaya Idang na naabutan niya sa kusina na nagluluto ng pananghalian. Tumigil siya at hinarap ito. "Hindi ho, 'Ya. Sumakit kasi ang ulo ko kaya inihatid na 'ko ni Enrique," tugon niya. "Gano'n ba? Gusto mo bang ikuha kita ng gamot?" Tanong nito at panandaliang tumigil sa ginagawa. "Hindi na ho. 'Wag na po kayong mag-abala, Yaya. Magpapahinga na lang po ako. Nagpunta lang po ako dito para uminom ng tubig." Pigil niya at lumapit sa ref para kumuha ng inuming tubig. Tumango naman ang matanda at bumalik na sa ginagawa. "Siya nga ho pala, nasaan sila Mama at Papa? Pati na rin si Lola?" Tanong niya dahil hindi niya nakita ang mga ito pagdating niya. "Sumaglit ang Mama at Papa mo sa bayan para mamili. Ang Lola mo naman ay nagpapahinga sa kanyang silid." Anito. Hindi na siya nagsalita at inubos ang laman ng baso saka siya nagpaalam na magpapahinga muna. KALAT na ang dilim ng magising si Yvette. Hindi nawala ang sakit ng ulo niya at mas lalo pang lumala 'yon. Pati ang katawan niya ay masakit na rin. Pakiramdam niya ay tatrangkasuhin siya. Pinilit niya bumangon ng marinig niyang tumutunog ang telepono na nasa bedside table. Nang abutin 'yon at makitang si Alfred ang tumatawag ay ibinaba na lang niya ulit 'yon. She doesn't have time and energy to deal with him right now. Nasisiguro niyang iisa lang naman ang sasabihin nito at 'yon ay ang may mangyari ulit sa kanila para lang masiguro na mabubuntis siya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na anak lang ang gusto nito sa kanya. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang nasa isip. She should give him the benefit of the doubt. Tutal ay hindi na rin naman bumabata ang edad ni Alfred. Baka talaga lang gusto na nitong lumagay sa tahimik? Pero hindi ba dapat na hingin muna nito ang kamay niya bago ito mag-demand ng anak? Isa pa, ni hindi pa nga siya ipinapakilala nito sa pamilya nito? Nasapo ni Yvette ang ulo niya dahil sa biglang pagguhit ng sakit. Pati ang isip niya ay nagtatalo tungkol sa totoong motibo ni Alfred sa kanya. Ni hindi na niya ma-distinguish ang tama sa mali. Kinikimkim niya kasi ang lahat. Nasa ganoong sitwasyon siya ng pumasok ang Mama niya. "How are you feeling now, Ivy? Sinabi sa'kin ni Manang Idang na umuwi kang masama ang pakiramdam. Kaya ito dinalhan kita ng mainit na sabaw at gamot para makainom ka pagkatapos mo kumain." Bungad nito ng maibaba ang tray. Lumapit ito sa tabi niya sa kama at sinalat ang noo niya. "My head is aching, Ma. It felt like a hangover but then I don't even drink a single drop of liquor." She chuckled. "It must be because of tiredness. You are working too much lately that you forgot to rest." Ani Karina. Nagkibit balikat lang siya bilang sagot. Siguro nga nasobrahan siya sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD