INIANGAT ni Yvette ang tingin mula sa telepono ng maramdaman na bumukas ang pinto ng silid niya. Iniluwa no'n ang Abuela na mag-isang minamaniobra ang wheelchair.
Agad siyang bumaba ng kama para lapitan ito. Wala itong kasamang nars dahil pinagbakasyon iyon ng mga magulang niya. Gusto kasi ng Mama niya na personal itong alagaan habang naroon sila.
"May kailangan po ba kayo, 'La?" Tanong niya ng maipasok ito sa silid.
"May gagawin ka ba ngayong maghapon, apo?" Tanong nito.
Saglit naman siyang napaisip sa isasagot dito. Bago kasi ito dumating ay ka-chat niya ang nobyo at nagagalit na dahil sa hindi niya pagsipot kahapon. She's been dealing with him and she's trying to make an excuse not to see him again today. But then her Lola Ade came and she suddenly come up with an excuse.
She smiled. "I think I am free all day, Lola. Is there something that you want to do?" Tanong niya.
"Wala naman akong gustong gawin kasama ka, Apo. Naisip ko lang na baka naiinip ka na dito kaya kung gusto mo maaari kang sumama kay Enrique para maglibot sa farm. Ano sa tingin mo?" Nakangiting suhestiyon nito habang hawak ang kamay niya.
Napaisip naman siya. Mukhang magandang ideya 'yon dahil wala naman siyang magawa at ayaw niyang makipagkita kay Alfred. It's also a change of environment.
"Anong oras daw ho kami pupunta sa farm, Lola?" Tanong niya pagkaraan.
"Kung handa ka na ay maaari na kayong umalis. Nasa baba na si Riq at hinihintay ka," anito.
"Ho? Pero hindi pa 'ko ready. Ni wala pa akong susuotin na aangkop sa pupuntahan namin." Alanganing tugon niya. Totoo naman ang sinabi niya dahil halos lahat ng dala niyang damit ay pang-alis o 'di kaya ay pambahay lang. Ni hindi niya naisip na maaari siyang magawi sa farm na maputik at madulas ang daan.
"Wala ka ng dapat alalahanin, apo. Naitanong ko na sa mommy mo ang tungkol diyan at tutal ay halos pareho pa rin naman kayo ng pangangatawan ay papahiramin ka na lang niya." Pagkasabi no'n ay siya namang pagsulpot ng ina dala ang mga damit at isang pares ng boots.
"Siya, maiwan ka na muna namin. Bumaba ka na lang kapag handa ka na," saad nito at pinihit na paalis ang wheelchair. Samantalang ang ina ay tipid lang siyang nginitian.
Nang makaalis ang mga ito ay inilapag niya saglit ang mga damit at dinampot ang telepono. Nagtipa siya ng mensahe para sa nobyo at pinindot ang send. Pagkatapos ay nakangiti siyang nag-ayos ng sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay handa na rin siya at lumabas na ng silid para puntahan ang abuela na nasa salas. Pero hindi lang pala ito ang naroon dahil pagbaba niya ay naroon din si Elenita at Enrique. Pati na rin ang mga magulang na mukhang hinihintay na siya.
"Pasensya na kung natagalan ako." Hinging paumanhin niya. Naaalangan pa niyang sinuri ang suot dahil pakiramdam niya hindi pa rin angkop 'yon sa pupuntahan nila.
Nakita niya ang suot ni Elenita na mahabang palda at long sleeve shirt. Samantalang ang suot niya ay jumper pants at sweatshirt na pinaresan ng skechers peril steel toe boot. Hindi niya alam kung masyado siyang prepared o mali lang ang suot niya.
"Kung handa ka na ay maaari na tayong umalis. Magpapaalam na po kami Donya Adelina, Sir Anton and Ma'am Karina. Maaga po kasing magsisimula ang pag-aani ngayon." Paalam ng babae at tumayo na ito.
"Aalis na po kami," wika naman ni Enrique.
"Oh, wait… Naghanda nga pala ako ng mga baon para sa inyo. Maaari din kayong magbigay sa mga kasama niyo doon." Pigil ni Karina at kasabay no'n ay ang paglabas ni Yaya Idang dala ang isang basket.
Agad namang lumapit ang binata para kunin 'yon at ito na ang nagbitbit.
"Enrique, hijo, ikaw na ang bahala sa apo kong si Ivy, ha? Ingatan mo siya." Bilin pa ng abuela.
"Hindi na po kailangan, La. Kaya ko ang sarili ko." Nahihiyang turan niya.
"Mabuti na 'yong sigurado, apo. O, siya umalis na kayo. Mag-iingat kayo." anito. Humalik lang siya sa pisngi nito at ng mga magulang saka siya sumunod sa binata na nauna ng lumabas.
"DITO ka na lang sa kubo dahil baka magkaroon pa ng problema kung sasama ka sa'min," turan ni Elenita.
"Hindi ako magiging problema. Pwede niyong gawin ang trabaho niyo. 'Wag niyo kong intindihin," tugon niya.
Lumabas siya ng kubong pahingahan ng mga trabahador at inilibot ang tingin sa malawak na taniman ng dragon fruit. May mangilan-ngilan na na nagsimulang mag-harvest at may ilan din na hinahakot sa labas ng kubo ang mga basket na puno ng kulay pulang prutas.
Nakangiti niyang dinampot ang isa no'n para tingnan ng malapitan.
"Gusto mo bang libutin ang taniman?" Narinig niyang tanong ni Riq na sumulpot sa tabi niya.
"H-Hindi ba 'ko makakaabala sa kanila?" Nag-aalangang tanong niya. She doesn't want to be the cause of delay kung saka-sakali man na magkaroon ng problema dahil sa kanya.
"Hindi ba magde-deliver pa tayo sa Calauan, Riq? Baka magalit sa'tin ang sinu-supply-an natin kapag na-late tayo." Sabat ni Elenita.
Saglit na natigilan ang lalaki at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa mga prutas.
"Kung gano'n ay ide-deliver muna natin ang lahat ng kailangang i-deliver. Pagkatapos ay ililibot kita sa farm," wika nito na sa kanya nakatuon ang tingin. Mayamaya ay tinalikuran na siya nito. Kinuha nito ang malaking basket na may lamang dragon fruit at binuhat papunta sa truck kung nasaan ang iba pang klase ng prutas.
Lihim siyang napangiti sa hindi niya malamang dahilan. Kahit na nararamdaman niya ang pagkadisgusto ni Elenita ay salungat naman no'n ang ipinapakita ng binata sa kanya.
"Bakit kasi ganyan ang suot mo? Tuloy ay pinagtitinginan ka ng mga trabahador. Nagpunta ka lang yata dito para magpasikat e." Nakaismid na turan ng babae habang nag-aayos ng prutas.
Napatingin siya sa paligid at kitang-kita nga ang ilang trabahador na tahasang nakatitig sa kanya. Sanay na siya sa ganoon pero hindi pa rin niya maiwasang mailang. Lalo na ng marinig ang sinabi ni Elenita. Hindi na lang siya nagkomento at pumasok siya sa loob ng kubo para wala na itong masabi.
Gusto niyang maging kaibigan ang babae pero parang mahirap dahil parati itong nagpapasaring sa kanya.