BLIND ITEM "Sino itong sikat na aktres na nagkaroon ng relasyon sa isang politiko na married na pala?" Anang news anchor. "Naku, partner! Sino naman kaya 'yan? Ito mga viewers ang initials ng sikat na aktres, Y at V… Tweet na kung ano ang nasa isip niyo at babasahin namin 'yan," anang babaeng showbiz correspondent. "Ito ang sabi ni IAmYours123; Napakalandi naman ng babaeng 'yan. Mauubusan na ba siya ng lalaki sa mundo at nakiapid pa siya sa may asawa na?" "Ito pa ang juicy comment from a netizen; Baka naman maraming ibinibigay itong si yummy politician kay Ate Girl kaya siya pumayag na maging kabit? O daks si politician kaya hindi niya maiwan?" Humalakhak ang news anchor at ang babaeng showbiz correspondent matapos mabasa ang ilang comments "I-off mo na ang tv, Karina! Bakit ba pinap

