Hate
Me and my friend had our lunch outside. I kept looking at the food in front of me while the two of us ate quietly. Minsan ay kinakalikot ni Abby ang kanyang cellphone. Hindi naman ako umimik o tinanong siya tungkol duon. I want to eat peacefully so...
"Are you sure you’re going to finish all of that?" She finally asked after glancing at the food in front of us.
I order a lot of menus and most of it are Filipino cuisine. Ngayon nalang ulit ako nakakain dito dahil hindi din naman ako masyadong lumalabas na these past few days after ng break up namin ni Henry. Puro bahay at school lang. I think I should do these sometime so that I can get used to not always being with him every time I go out.
"Gutom ako." Simpleng sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Okay. After this, saan tayo?" Tanong ni Abby kalaunan.
"Let's do shopping and roam around the city. It's been a while since I came out."
"All right. Pero hindi ka ba magpapaalam kay Appolo? Umalis tayo duon na hindi nagpapaalam."
"Bakit ako magpapaalam? I said I would support them. I already done my part. One more thing, I'm already hungry. Would I rather watch them than eat?" I raised an eyebrow nang maalala ang madalas niyang ginagawa. "Unlike you, mas inuuna mo ang pagbabasa kaysa ang kumain…Besides, I’m not an important person. Isa lang naman ako sa mga nanunuod duon. Ako lang din naman ang nagpumilit na manood, as if they invited us. Kaya puwede akong umalis, kung gusto kong umalis."
But then I thought. That's what I did a while ago. I finished the game even though I was hungry. Mas inuna ko pa ang panonood kaysa ang kumain.
After a few days, I went to school early in the morning. My day was okay. It's just a normal day with my friend reading her 'new' w*****d book again. Sasawayin ko sana kaya lang ay naalala ko na naman ang sinabi niya tungkol sa pagbabago ko these past few days. Kaya imbes na mangealam ay hinayaan ko nalang.
I thought it was a normal day, going to school, studying, and went home after. But then after class, I saw someone waiting outside of our building. Naka-abang sa paglabas ko habang naghihintay sa pathway ng school. Alam ko na ako ang sadya niya dahil deretso sa akin ang mga mata at handa ng humakbang papalapit sa akin.
I haven't seen him for a few days so I'm surprised to see him now, Though, I have no intention of talking to him right now. I’m still not over it. Paninindigan ko kung ano ang sinabi ko sa kanya nuon. Na layuan niya ako dahil pakiramdam ko mas magulo ang buhay ko kung nandiyan siya.
Nakita ko na sasalubungin niya sana ako pero mabilis ko siyang iniwasan.
"Nasia, please. Kausapin mo naman ako. Mag-usap tayo ng maayos." Nagmamakaawang aniya habang nanatiling sumusunod sa akin.
"Nasia, I want to tell you something. Pakinggan mo muna ako." Dagdag niya.
I almost turned around and ran away when I also saw Appolo walking towards my direction. Nakita ko ang tingin niya sa likod ko at ang pagkakasalubong ng kilay niya.
"Nasia! If you keep on avoiding me then you won't be able to hear my explanation, so please let me explain my side to you."
Inignora ko siya at nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad. I now saw Appolo approaching us. What the f! Makikisali pa talaga siya! Ilang araw ko siyang hindi nakita dahil umiiwas ako. Tapos ngayon nandito siya at papalapit na ngayon sa akin.
I thought it was okay to flirt with him. Now I realize I shouldn't have done it in the first place. Hindi na dapat ako nagkaroon ng interes sa buhay niya, hindi ko na dapat siya nilapitan at nilandi, hindi ko na dapat pinanuod ang mga basketball practice niya. Look at what happened now. Nangingialam na siya sa buhay ko.
"Nasia, please. Hear me out--"
I continued walking as Henry stood beside me. I turned to him angrily. "Who would want to talk to you, Henry? After what you've done to me, do you think I'll give you a chance to talk to me again when I already having a bad day every time I see your face? Your words doesn't matter to me anymore. Kaya sundin mo nalang ang sinabi ko na layuan mo ako." Sagot ko.
I could see the pain in his eyes. He took a step forward causing me to back away. Nakita niya ang ginawa ko kaya natigilan siya.
"Nasia hindi ko naman ginusto 'to. Alam ko na mali yung ginawa ko. I mean yes, Stacey and I had been together nung tayo pa but--"
Mabilis ko siyang dinaanan ng marinig ang sinabi niya. No buts, he's still a cheater. I don't need his explanation. Whatever he says, he still cheats on me. It won’t change a thing. Sapat na sa akin na malaman na niloko niya nga ako.
Nawala ako sa iniisip ng makasalubong ko si Appolo na ilang hakbang nalang ang layo sa akin habang patuloy naman sa pagsunod si Henry sa likod ko.
"Nasia!--" Si Henry. I almost groaned.
"F*ck you!" I cut his call.
Rinig ko ang malakas na pagsinghap ni Appolo ng tuluyan siyang makalapit sa akin kasabay ng malakas na paghigit niya sa braso ko. Napabaling ako sa kanya gamit ang galit na mga mata, ganun din ang kanya ng magkatitigan kami.
His jaw tightened. "No cursing." He scolded me before glancing sharply behind me. Padabog kong hinawi ang kamay niya na siyang ikinagulat din niya.
"Stop following me.” Iritadong angil ko din kay Appolo.
Kung kaylan naman ako iritado ay saka naman siya sumusulpot. Muli ay nagpatuloy ako sa paglalakad, pero ganun nalang ang pagsinghap ko ng hinila niya ang braso ko.
“Why are you suddenly so mad at me? Where did you go after our game? Pinuntahan kita sa bench pero wala ka na dun.”
“Umuwi na ako, okay?” Maikling sambit ko.
“Bakit ka umuwi?” tanong niya.
“Eh sa gusto kong umuwi bakit ka ba nangingialam?” Iritadong sambit ko at muling sinulyapan ang likod namin. Tinitingnan kung nakasunod pa ba si Henry, pero nakita ko na naglalakad na siya ngayon palayo.
"Don't worry, he's gone now." Aniya habang nakatingin din sa likod ko. Dahilan para balingan ko siya.
Binitawan niya naman ang braso ko. Ibinalik ko ang tingin kay Appolo at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
"You should stay away from him." His voice sound so serious yet cold.
Iritado ko siyang binalingan. "I did, alright? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Huwag mo na siyang kausapin." Suhestyon niya pa.
Mabilis akong humarap sa kanya dahil sa sinabi niya. Tuluyan ng natigilan sa paghakbang ngayon. Mabilis naman siyang napaatras sa ginawa ko.
"Bakit ka ba nangingialam?!" Iritadong tanong ko.
I looked around and saw if anyone was looking at us. Mabuti nalang at maaga ang dismissal namin kaya walang masyadong tao ngayon sa pathway. I even saw one of my classmates look our way, but she continues walking out of the gate, never minding our heated conversation.
I hear Appolo sighed. I look back at him and saw him look at me intently. "I'm just helping you out. You should do that at least. So, he won't bother you anymore." He said.
"Hindi ko siya kinakausap. Ni hindi ko siya nilalapitan. Hindi mo ba nakikita? siya itong laging lapit ng lapit sa akin!" Singhal ko.
"Used me then." Seryosong sambit niya na siyang ikinagulat ko.
Nangunot ang noo ko. "What?" Hindi makapaniwala sa gustong niyang mangyari.
"Used me. So, he'll leave you." Inulit niya pa.
Nawala ang pagkakunot ng noo ko. Ano naman ang dahilan niya at naisipan niya ang bagay na ito? Does he like me? Para akong baliw na natawa sa naisip. Unti unti ko siyang nilapitan habang nakangisi kahit hindi ko iyon nagustuhan.
"What makes you think that I'll do that? Bakit? May gusto ka ba sa akin?" Nakangiting tanong ko. Patuloy ako sa paglapit hanggang sa dumampi ang mga kamay ko sa dibdib niya at tiningala siya.
I saw the tension of his jaw before he looked at me sharply. Pero ganun nalang ang pagsinghap ko ng hapitin niya ang baywang ko at inilapit pa ng husto sa kanya bago ako niyuko.
Hindi ko yun inaasahan. My lips parted. Ang mga kamay na nasa dibdib niya ay itinukod ko para hindi kami tuluyang magkalapit.
"We'll just going to pretend so he can leave you. And you'll be going to pretend to be my girl so your friend could leave me alone. It's a win win situation. Deal?" He said deeply.
Nangunot ang noo ko. Si Charlotte? at bakit naman niya nasabi na kaibigan ko ang chipmunk na 'yun.
"I know what she's doing. She has another agenda with me." He added.
Napangisi ako at itinagilid ang ulo ko. "Akala ko ba kayo na? ang saya saya mo pa nga habang magkayakap kayo nung nanalo kayo ng team mo?" sarkastikong sambit ko.
Kaylan ko ba naging kaibigan si Charlotte? sa pagkakatanda ko ay hindi ko siya kaylan man naging kaibigan. At talaga bang hindi niya alam ang motibo ng babaeng yun? Eh nung last time nga na naglaro sila ng basketball ay may pangiti ngiti pa siya.
Ngumisi ako. "Talaga bang hindi mo nagustuhan ang ginagawa niya? Maniniwala na sana ako kung hindi ko lang nakita ang ngiti mo nung magkayakap kayo. Sorry to disappoint you, Appolo. pero…" natigil ako ng umigting ang panga niya. Nag-angat ako ng tingin gamit ang galit ng mga mata, bago siya sinagot ng seryoso ngayon. "Wala akong pakealam senyo."
Naguguluhan niya akong tiningnan. “What do you mean by that? I thought you want to flirt with me. What happened now?”
Ngumisi ako at umiling. “Noon yun, hindi na ngayon.” Sambit ko at dinaanan siya.
“Pagkatapos mo akong habulin at landiin, bibitinin mo ako ngayon.” Aniya.
Natigilan ako sa paglalakad sa mga salitang ginamit niya. Habulin, landiin, bitinin. Halos matawa ako sa narinig, pero muli akong naglakad at hindi iyon pinansin. Kaya lang, ay muli siyang nagsalita.
"I help you many times with your ex, so you should pay me back at least." He said coldly.
I gritted my teeth in disappointment and in anger. Narinig ko naman ang paghakbang niya sa likod ko. I turn around to confront him. Sorang lapit niya na sa akin ngayon. I smiled and held his arm, kahit iritado at galit na ngayon. I crawled my palms up his shoulder and squeeze it lightly. He glanced at what I did.
"Isinusumbat mo ba sa akin ang bagay na naitulong mo na, Appolo? when in the first place I didn't even ask for your help?" sambit ko habang hinahaplos ang braso niya pataas at pababa.
I heard him gasped. "That's not what I mean--"
"Do you know what a good deal is?" Putol ko sa sinasabi niya bago nag-angat ng tingin sa kanya.
He looks at me intently while I smile sweetly at him. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa likuran ko at paghapit sa akin sa dibdib niya.
"To stay away from each other." I said softly and placed my palms on his chest. Naramdaman ko ang pag-igting ng bagang niya.
I glared at him this time. "I'll do whatever I want and you'll do yours. It will be a great deal then." I answered and pushed him chest to get away completely.
Agad niya naman akong nabitawan. Walang pag-aalinlangan ko siyang dinaanan para makauwi na.
Kung gamitan lang din naman pala. No way! Ayaw ko. Kagaya ng sinabi ko noon, hindi ko siya hahayaan na paglaruan ako. Oras na malaman ko na paglalaruan niya lang ako ay titigil ako.
Anong akala niya sa akin? Basta basta lang na papasok sa isang agreement. Then what? I will fall for him like I often see in shows? Iyong nagkukunwaring mag jowa at sa huli ay nahulog ang isa at uuwing luhaan at bigo.
At since pagpapanggap lang naman, there's a possiblity na magkaroon siya ng ibang babae dahil hindi naman totoo na may relasyon kami. And when he finds someone else while were both in the game. Lugi ako, syempre!
No way! I don't want to be the second option. If I ever get into a relationship again. I want it to be real. I want to be the choosen one. The only one. There will be no game, no pretense, because I am not a toy to play with and I am not a thing to use.
I already experienced it when Henry and I were still together. Our relationship is also like a game. And look at what happened. He cheated on me because we weren't serious with each other. Pero ang problema sa akin. Sineryoso ko. I fell. So, I ended up getting hurt.
Bigla ay na-turn off ako sa mga sinabi niya. He said I should pay him back. I thought... everything he had done for me was a genuine help, yun pala ay gagamitin niya lang ako. I thought he was different than the other men I met. Reason why he got my attention then, pero bakit ngayon ay bigla din siyang nagbago. Parang hindi na siya yung taong unang nakilala ko, na pinunasan ang luha ko, inalo ako, ginamot ang sugat ko, kahit na madalas ay pinapangaralan ako.
"Kaylangan ba talaga kapag tinulungan laging may kapalit?" I whispered as I walked out of our school gate.
Kaylangan ba talagang bayaran ang kusang ibinigay na? Kaylangan ba talagang isumbat ang bagay na naibigay na? Diba dapat you should help without expecting anything in return. Hindi porket tinulungan niya ako ay kaylangan ko ding suklian iyon. Pwede din sana na tumulong pero yung kusa at hindi pilit. Kaysa naman sa isusumbat mo sa taong iyon ang bagay na naitulong mo na. Nag-init ang mga mata ko sa naisip.
Ngayon alam ko na. Lahat ng ipinakita niya sa akin na pagtulong ay ginawa niya lang para makuha ang loob ko. And now that he saw that we were close enough, he wanted me to pay for it by pretending.
Tss. Magaling din pala siyang maglaro. Does that mean na pati ang mga interaksyon namin nung mga nakaraan at ang mga pag-aalala niya sa akin ay puro pagpapanggap lang?
Our car stopped in front of me when I heard Appolo called behind me.
"Nasia!" tawag niya ng tuluyan akong makalapit sa sasakyan namin.
Bigla ay nag-init ang ulo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Para akong hangin na biglang umikot para harapin siya.
"f**k you!" I lifted my dirty finger. "Leave me alone! Ashole!" I shouted at him. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
Alas diyes na ng gabi ng matapos ko ang isang take home activity at isang assignment. Patigil tigil ako sa paggawa dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ganuon pala ang ugali ni Appolo.
Nagawa niya pa talagang isipin na gamitin ako? f**k him! I hate him! I hate him so much!
Padabog kong ibinaba ang ballpen sa aking notebook. I have one more assignment left to answer for that day, ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa pero natigil ako ng marinig ang pagkalabog ng kung ano sa labas. The door of my room was not closed and it was quiet outside because it was late at night so I could hear everything from here.
Lumabas ako ng aking kwarto at nakakunot na humawak sa barandilya para sumilip sa baba ng aming living area. My forehead furrowed at the sight of my Father's hand hooked to an unfamiliar woman. And my father look drunk!
My lips parted and my eyes widened as he kissed the woman's neck while the woman giggled.
I thought he had come home earlier. Hindi ko alam na kakauwi niya lang. And what time is it? It's late in the evening and he just got home!
"Stanley, ano ba. Mamaya na. Let's go to your room first." The woman laughed as my father continued to kiss her cheek down to her neck even though he couldn't stand straight anymore, probably because of the alcohol.
He's drunk. Very very drunk. If the woman hadn't held him, he would have probably on the floor by now.
Nanggagalit ang dibdib ko sa nakita at sa nakakadiring ayos nilang dalawa dahilan para singbilis ng hangin ang naging pagbaba ko para sugurin sila.