Ipinaliwanag ko sa kanilang lahat simula sa pinaka-umpisa ng lahat hanggang sa makarating at makabalik kami rito ni Rogan sa kampo. Ang ilan sa kanila ay hindi pa rin makapaniwala na may mga katulad pala talaga ng mga Whakaraua ang nag eexist sa lugar na 'to. "So how do we do this? Hindi naman puwedeng mamalagi lang tayo dito nang ilang linggo pa sa kampo. We need that forest to survive," komento ni Hebbe pagkatapos kong sagutin ang iba pa nilang mga tanong. Magsasalita pa sana ako nang bigla namang sumingit si Nova at siya ang sumagot kay Hebbe. "Who said we're going to stay here? We will still continue the mission as we planned. Kailangan lang natin maghanda," sambit nito. "How about Calanthe?" Tanong naman ni Maori. Tumingin ako sa kaniya dahil sa naging tanong niya. Naalala kon

