Episode 1
Linggo ng umaga.
Naghihintay ako ng masasakyan papuntang simbahan, nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Nasan ka na?" Kausap ko ang aking kasintahan na si Jan.
"Saglit lang, naghihintay pa lang ako ng masasakyan. Kanina ka pa ba dyan" Sagot ko sa kanya.
"Hindi naman, medyo kararating ko lang naman dito." Sagot sa akin ni Jan.
"Hirap kasi sumakay, halos punuan ang mga dumadaan eh." Sagot ko.
Halos punuan kasi ang mga sasakyan ngayong araw, kaya di agad ako makasakay. Marami kasi pasahero. Magkikita kami ngayon may importante daw kasi syang sasabihin sakin.
2 Years na kaming magkasintahan ni Jan. Ahead kasi ang edad nya saking ng 5 years. Late na kasi sya nag aral noon, kaya sabay pa kaming nag graduate sa high school. After graduation namin ng high school, tinulungan sya ng kanyang pinsan para makapagtrabaho sa Taiwan. 21 years old na sya noong nakaalis sya ng bansa, samantalang ako naman ay 16 pa lang noon. Ginawan ng paraan ng pinsan nya para lang makapagtrabo sya roon.
Ayaw naman nya sabihin sakin yung sinasabi nyang sorpresa everytime na mag ka video call kami noong nasa Taiwan pa sya.
4 years din sya nagtrabaho sa Taiwan. Kakauwe lang nya nitong nakaraang linggo, natapos na kasi ang kontrata nya doon sa pinagtatrabahuhan nyang kompanya. Dito na lang sya ulit sa Pilipinas, nakaipon daw sya sapat para magsimula ng business dito.
Pangarap kasi nya magkaroon sa sariling business noon pa man.
Masipag at napakaraming pangarap ni Jan. Kaya kahit high school graduate lang sya, nag susumikap sya. Balak nya mag aral ng college ngayong nakauwe na sya.
Sapat na daw kasi ang naipon nya para makapag aral ng college at makapag simula ng isang maliit na business muna dito sa Pilipinas.
"Ang tagal mo naman, excited na ako makita ka eh." sagot sa akin ni Jan.
Di pa kasi kami nagkikita simula nung nakauwe sya galing sa Taiwan. Ayaw nya kasi pumunta sa bahay, eh ang lapit lang naman ng bahay namin sa kanila. Tumawag sya sakin after nya makalapag sa airport, sabi nya sakin this coming Sunday na lang daw kami magkita, may sorpresa daw kasi sya para sa akin.
"Saglit na lang. Malapit na ako. Sige na, bye na." Sabi ko sa kanya. Sabay off ng call nya.
Sa tricycle na ako sumakay, para sana mas mabilis ako makarating sa lugar kung saan kami magkikita ni Jan.
"Kuya, sa may simbahan po tayo." saad ko sa drayber ng tricycle.
"Sige po." sagot na sakin ng tricycle drayber.
Mabilis ang takbo ng tricycle ng biglang "Boom".
Bumangga ang ang tricycle sa isang malaking truck.
Nahulog ang tricycle sa tulay.