Episode 2

566 Words
"Yasmin, lumabas kana dyan. Hinihintay kana ni Jan." Sigaw ni Nanay Beth sa akin. Sabay kasi kami pumapasok ni Jan sa school. 4th Year High School na kami ngayong taon, graduating students na kami. Si Jan ay aking kababata, simula pa noong kami ay maliliit pa lamang, lagi kaming magkasama. Lagi kaming naglalaro noon sa ilog, sa bukid at kung saan saan pa. "Saglit na lang po, Nay. Malapit na po ako bumaba." Sagot ko kay Nanay. Dali dali ako bumaba ng hagdan. Muntik pa nga ako madapa dahil sa pagmamadali ko. Nag mano ako kay Nanay. "Mauna na po kami Nay." Sabi ko kay Nanay. "Nakuha mo yung baon mo sa ibabaw ng lamesa?". Sabi ni Nanay. "Opo, Nay. Salamat po." sabi ko. "Mag-iingat kayo ni Jan. Sige na, at baka mahuli pa kayong dalawa sa klase nyo". Sabi ni Nanay. "Halika ka na, baka mahuli tayo." Saad ko kay Jan. "Tara." Sagot ni Jan. Maglalakad lang kasi kami papunta sa school. Malapit lang ang school dito sa amin, kaya naglalakad na lang kami pagpasok. "Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?" Sabi ko kay Jan. "Hindi naman, mga 20 mins lang naman." Sagot nya. "Ha? Sorry naman, ang tagal mo pala naghintay. Maaga ka yata ngayon." Sabi ko. "Maaga lang kasi ako nagising." sabi nya. "Excited ka lang siguro pumasok, para makita mo yung crush mo." sagot ko. "Ikaw siguro ang excited para makita mo yung crush mo. Nagpaganda kapa kasi yata kaya ang tagal mo lumabas eh. Sabi nya, sabay tawa. "Hindi ha." Sagot ko. Akmang, hahampasin ko sana si Jan sa balikat nya, nang biglang naman sya tumakbo. "Saglit, hintayin mo ako. Nakakainis ka talaga." Sigaw ko, habang palayo sya. Para ko na din kasing Kuya si Jan eh. Lagi nya ako hinihintay pagpasok sa school at pag uwe ng bahay galing sa school. Bell ringing.. Tapos na ang klase. Palabas na kami ni Ana. Kaibigan ko sya since elementary. Parehas din kasi ang school namin pinasukasan namin nung elemantary. Bukod kay Jan, palagi ko din kasama si Ana. "Tara na, uwe na tayo." sabi ni Ana sa akin. "Sige, tara". Sagot ko. Nang biglang palapit pala samin si Jan. "Ayan na pala ang Prince Charming mo". biro sakin ni Ana, sabay tapik sa aking kaliwang balikat. "Magkaibigan lang kami ni Jan." sagot ko kay Ana. "Bakit kasi di na lang kayo maging mag jowa, bagay naman kayo. At isa pa lagi din naman kayo magkasama. Tingnin nga ng iba dito sa school sa inyo mag jowa kayo eh." Sabi ni Ana sakin. "Bawal pa ako dyan, di pa nga ako nakakagraduate ng high school eh." sagot ko.Biglang namula tuloy ang pisngi ko. Lagi kasi nila ako binibiro na bagay daw kami ni Jan. Aminado naman ako na crush ko si Jan. Matangkad, matangos ang ilong, medyo kayumanggi ang kulay ng balat nya. Masipag at mabait pa. Gwapo naman talaga si Jan. Syempre, kahit naman siguro sinong babae, magkakagusto sa kanya. Maraming nag kakacrush kay Jan dito sa school namin. Pero, ang iniisip nga nila eh mag jowa kaming dalawa, kasi lagi kaming magkasama. Pero, ayaw ko naman umasa na magkakagusto sakin si Jan. Kaibigan lang siguro ang turing nya sa akin. "Hi Ana, sabay sabay na tayong umuwe!", sabi ni Jan. "Hello Prince Charming!", malanding bati ni Ana kay Jan, sabay tawa. "Tara na nga." sabi ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD