Episode 3

1071 Words
Araw na ng Graduation namin. Eto na yung araw na pinakahihintay namin. Sa wakas, magsisipagtapos na kami sa high school. Balak sana namin ni Ana, pati nung iba pa naming classmate mag apply nag scholarship dito sa ilang mga kilalang universities dito sa Batangas. Gusto ko sanang mag aral ng Accountancy, bilang medyo may alam naman ako sa Math. Favorite subject ko kasi ang Mathematics. "Congratulations Graduates!", bati ng aming School Principal sa aming lahat na nagsipag tapos. Naiwan pa kami mga estudyante dito sa school. "Nay, Tay, magpapaalam po sana ako sa inyo, mauna na po sana kayo umuwe sa bahay. Magpapasalamat lang po sa kami kasama ng mga classmate namin sa aming mga teachers.", paalam ko sa aking mga magulang. "Ihahatid ko na lang po mamaya si Yasmin." saad ni Jan sa aking mga magulang. Pumayag naman ang mga ito. Saglit lang naman kasi kami. May kaunti kasing handa sina Tatay at Nanay para sa aking pagtatapos. Nang makaalis sina Nanay at Tatay, biniro kami ni Jan ng aming mga kaibigan. "Uy Jan, graduate na tayo, pwede mo ng ligawan si Yasmin.", bito nung isa naming kaibigan kay Jan. Nagsigawan silang lahat. Medyo nahiya tuloy ako, namula ang mukha ko dahil sa hiya at ganun din naman si Jan. "Magsitigil nga kayo dyan, magkaibigan lang kami ni Jan ano!", sabi ko sa kanila. "Asus, eh si Jan kaya, kaibigan lang din kaya ang turing nya sayo?", biro ulit nung isa pa naming kaibigan. Napatingin ako kay Jan, bigla syang namula at napatungo, dahil narin siguro sa hiya nya. "Hay naku, halina nga kayo, pumunta na tayo kina teacher, mag pasalamat tayo sa kanila, dahil nakagraduate tayong lahat." sabi ko sa kanilang lahat. Di tuloy lumapit sakin si Jan, habang papunta kami sa mga teachers namin. "Sabi mo noon di ka pwede mag boyfriend kasi di ka pa tapos ng high school, ngayon ayan na oh, hawak mo na ang diploma mo. So, pwede kana mag boyfriend ngayon.", biro ni Ana sakin. "Magtigil ka nga dyan, di pa din pwede, may college pa kaya. At saka isa pa, kelngan ko muna makapagtrabaho para matulungan sina Nanay at Tatay no!", sabi ko kay Ana. "Asus, boyfriend pa lang naman. Di ka pa naman mag aasawa.", sabi ni Ana. Sabagay, boyfriend pa lang naman eh. Di naman ibig sabihin kapag nagboyfriend na ako eh mag aasawa na agad ako. "At saka isa pa wala naman akong maboboyfriend no!", sabi ko kay Ana. "Ayan si Prince Charming mo oh." sabi ni Ana sabay turo kay Jan. "Magtigil ka nga dyan, baka mahalata nya na pinag uusapan natin sya, nakakahiya naman.", saway ko sa kanya sabay hawi pababa ng kamay nya. Nasa likod kasi kami ni Ana ng mga kaibigan namin, nasa unahan kasi si Jan. Papunta kasi kami ng faculty room, para puntahan ang mga teachers namin. "Ayaw mo ba kay Jan?", magkausap kami ni Ana. "Hindi naman sa ayaw, kaso talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Oo aaminin ko sayo, pero sating dalawa lang to ah. Crush ko sya, pero hanggang dun na lang yun. Maraming mas magagandang babae dyan na mas magugustuhan nya. Ang daming nagkakacrush sa kanya, malay ko ba baka may nililigawan na yan sa mga isa sa kanila, di lang nya sinasabi sakin.", sabi ko kay Ana. "Talaga?", sigaw ni Ana. Sabay palakpak ng mga kamay nya. Napahinto kaming lahat sa paglalakad at napatingin silang lahat sa amin ni Ana. "Anong, nangyari sa inyo? May problema ba?", sabi ni Jan na nagulat sa pag sigaw ni Ana. "Ah, wala wala, may pinag uusapan lang kasi kami nitong si Ana", kabado kong sagot. Bigla tuloy akong namula sa ginawa ni Ana, kinabahan kasi ako bigla, baka sabihin nya sa mga kaibigan namin ang ipinagtapat ko sa kanya. "Halika nga dito. Sabi ko sayo wag ka maingay.", sabi ko kay Ana sabay higit sa kanya. "Sorry naman, nabigla kasi ako sa sinabi mo eh. Sabi ko na nga ba eh, may gusto ka kay Prince Charming eh.", sabi ni Ana. "Eh, kasi naman. Alangan naman sabihin ko sa kanya no!. Alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang turing nya sakin.", sabi ko. "Malay mo naman, may feeling din sayo yan, baka di pa lang nagsasabi, kasi nga di ba sabi mo noon, bawal ka pa mag boyfriend kasi nga di ka pa nakakagraduate ng high school. So, ito na. Graduate ka na, malay mo one of this days, umamin yan sayo". sabi ni Ana sakin. "Imposible yang sinasabi mo, wala yang gusto sakin." sabi ko kay Ana. "Bakit naman? Maganda ka, mabait, matalino at masipag, kaya bakit naman imposible?". sabi ni Ana. Tama naman si Ana, marami nagsasabi sakin na mayroon akong angkin na kagandahan. Palagi ako pinipilit na mga kabarangay namin na sumali ako sa mga beauty contest, kaso mahiyain ako kaya kahit minsan di ko nasubukan sumali. "Wag na nga natin sya pag usapan, baka marinig pa nila tayo at mahalata na pinag uusapan natin si Jan." sabi ko kay Ana. "Basta kapag nagparamdam sayo si Jan, ako dapat ang unang una mo pagsasabihan ha." sabi ni Ana. "Oo na. Magtigil ka lang dyan sa kahibangan mo.", sagot ko sa kanya. Nakarating na kami sa faculty. "Thank you po sa inyong lahat.", sabay sabay naming sabi sa aming mga teachers. Pauwe na kaming lahat. "Bye.", bati namin sa isa't isa. Kahit graduate na kami ngayon, mananatili pa rin kaming magkakaibigan. Pauwe na kami ni Jan. Ihahatid nya ako pauwe, kasi nangako sya kay Nanay at Tatay na ihahatid nya ako pauwe. Humiwalay na samin si Ana pag uwe, hinihintay kasi sya ng mga parents nya sa labas ng gate ng school. Kakain daw kasi sila labas para doon magcelebrate. "Ano yung pinag uusapan nyo ni Ana kanina?", pag uusisa sakin ni Jan. "Ah, wala lang yun, nagbibiruan lang kami ni Ana, wag mo na lang pansinin.", sabi ko sa kanya. "Para kasing sobrang serious nung pinag uusapan nyo kanina eh.", sabi nya sakin. Nakarating na kami ng bahay. Kumain muna kami. Nagluto kasi si Nanay ng Spaghetti, tapos yung favorite ko na fried chicken. May mamon pa at coke din. Nang makatapos na kami kumain. Nag paalam na si Jan kina Nanay at Tatay. Inihatid ko na sya palabas. "Magkita tayo sa burol bukas, may sasabihin ako sayo.", sabi nya sakin. "Sige.", sagot ko. Napaisip naman ako. Ano kaya ang sasabihin ni Jan sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD