Kabanata 17

1374 Words
Hindi naging madali ang buhay para sa 'kin. Kailanman ay hindi. Hindi ko alam kung may galit ba sa akin ang mundo o nag eenjoy lang talaga siyang pahirapan ako. Ang pangakong araw-araw na tawag at text ni Sky ay hindi nagtagal. Sa unang tatlong buwan ay nakayanan naming mag-usap araw araw, hanggang sa unti unti ring natigil. Sa mga unang taon ay palagi akong nagte-text at tumatawag sa kanya. Nag aral din akong mag computer para makapag email sa kanya. Sa lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ko ay sinusubukan ko siyang kontakin, hanggang sa nagsawa ako. Napagod ako kaya simula nun ay pinatay ko na ang cellphone ko at hindi ko na rin sinuot pang muli ang kwintas na regalo niya. Lahat ng bagay na patungkol sa kanya ay inalis ko. Ngayon ay wala na akong balita sa kanya, at wala na rin akong pakialam. Saktong kaarawan ko, 18 years old ako ng umuwi ng bahay si Tatay. Matapos ang dalawang taon ay nagpakita siya, pero iyon ang araw na pinagsisihan kong tinaggap ko siya sa bahay. That same day, sinira niya ang tiwala ko sa kanya. Kinwestyon ko ang pagiging ama niya. Gabi matapos ang 18th birthday ko ay pinasok niya ako sa kuwarto ko at pinagsamantalahan ako. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Wala akong nagawa kundi ang paulit-ulit na sabihing, "Tama na." Na sana ay maawa siya sa akin kahit kaunti. Pero hindi. Ni katiting na awa ay wala dahil ilang beses niya iyong inulit. Bukod pa roon ay wala ring araw na hindi niya ako sinaktan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi akong may bagong pasa at sugat. Walang katapusan pang aalipusta at p*******t ang naranasan ko sa loob ng anim na buwan. Halos patayin ko ang sarili ko at kaunti na lang ay mababaliw na ako. Hindi ako makalaban, wala akong laban. Wala akong nagawa kundi tahimik na umiyak at magdasal na sana ay kunin na rin niya ako. Nang umalis si Tatay at sumama sa babae niya ay siya namang pagbalik ni Kuya Erik. Akala ko noong una ay totoong nagbago na siya. Pinili kong pagkatiwalaan siya. Pinilit kong maniwala na hindi siya kagaya ni Tatay. “Tayong dalawa na lang ang natitira rito kaya dapat ay magtulungan tayo.” Nakangiting saad ni Kuya. Ngumiti ako at niyakap siya. Finally, may kakampi na ako. May kasama na akong haharap sa mundong ito. Sa loob ng isang buwan ay naging mabait siya sa 'kin. Unti unti ko ulit pinilit na ibangon ang sarili ko dahil sa kanya. Akala ko okay na, akala ko may pag-asa pa. Pero hindi pala, dahil saktong kaarawan ko ulit, ang sumpa sa buhay ko, umalis si Kuya Erik. Hindi lang siya basta umalis, dinala niya lahat ng ipon ko at iniwan niya sa akin lahat ng utang niya. Nagulat na lang ako isang araw, pumunta sa akin ang grupo ng kalalakihan na sinisingil ako sa malaking halaga, ang sabi raw sa kanila ni Kuya ay ako na ang magbabayad. Ginawa ko ang lahat para makapag bigay. Pinasok ko lahat ng raket na kaya ko, pero wala. Hindi nagkasya ang pagod ko para bayaran ang utang niya. Nang hindi ako nakapagbigay sa araw na binigay na palugit sa akin ng mga lalaking 'yun ay dinala nila ako sa bakanteng lote. “Kung hindi mo kayang ibalik ang halagang inutang ng magaling mong kapatid, sarili mo na lang ang ibayad mo sa amin.” Ani ng lalaking may tattoo. Nagtawanan ang mga kasama niya. Tawang hinding hindi ko makakalimutan. Mga demonyo. Mga hayop sila. Pinahirapan at paulit-ulit nila akong pinagsamantalahan. Pinagpasa-pasahan ng ilang araw. At sa muling pagkakataon, ay wala akong nagawa. Wala akong nagawa kundi umiyak, Matapos nilang gawin ang lahat sa akin ay basta na lang nila akong tinapon at dinuraan. Hindi ko na kilala ang sarili ko ng mga panahong iyon Duming dumi ako sa sarili ko Ilang ulit akong nagtangkang magpakamatay, pero laging hindi natutuloy. Sukong suko na ako Ubos na ubos na ang lakas kong mabuhay Wala na akong nakikitang liwanag sa araw araw ng buhay ko Ayoko na talaga Hindi ko na kaya, Hindi ko na kinaya. And that time, I finally lost myself Nawala ako sa katinuan dahil sa lahat ng natamo ko sa walang hiya kong Tatay at sa magaling kong Kuya. Sa awa ni Ate Betty sa akin ay dinala niya ako sa mental hospital. Dalawang taong gamutan. Dalawang taon na hindi ko nakilala ang sarili ko, Dalawang taon na wala akong naging malay sa mundo Dalawang taon akong minulto ng lahat ng naranasan ko Nabaliw ako Pero hindi ko nalimutan lahat Gabi gabi nagwawala ako dahil pakiramdam ko may nakadagan sa akin Gabi gabi kong naririnig ang mga tawanan ng mga hayop na 'yun at halos paduguin ko ang tenga ko para mabingi Wala ako sa katinuan pero galit na galit ako kapag hinahawakan ako ng nurse na nag aalaga sa akin, pakiramdam ko palagi may masama siyang balak sa akin At sa loob ng dalawang taon na 'yun ay naging mamamatay tao rin ako Pinatay ko ang batang naging bunga ng lahat, Para sa akin ay madumi at nakakadiri siya, Wala siyang karapatang mabuhay sa malupit na mundong ito Wala siyang karapatang ipaalala sa akin kung gaano kalupit sa akin ang mundo. "Buntis ang pasyente mong si Heaven, Nurse Kang, kaya kailangan ng matinding pag-iingat sa kanya," rinig kong saad ng babaeng may suot ng puting mahabang damit. Pagala gala ako sa loob hospital ng araw na 'yun, at ng marinig ko 'yun ay agad akong nagplano para mawala ang bata sa sinapupunan ko. Hindi siya pwedeng mabuhay, Wala siyang karapatang mabuhay. Birthday ko ulit ng isugod nila ako sa hospital dahil uminom ako ng lason. Malas ang araw ng kapanganakan ko kaya sinakto ko roon ang araw ng pagpatay ko sa bata sa loob ng sinapupunan ko, Nakangiti ako ng banggitin sa akin ng doctor na nalaglag ang bata, Halos maiyak ako sa kakatawa at ilang araw akong sumasayaw sa loob ng mental hospital dahil sa magandang balitang iyon. Sa loob ng dalawang taong iyon, natutunan ko nang tanggapin na patapon na talaga ang buhay ko. I learned to accept that He has no plans for me, na hindi talaga ako pwedeng maging masaya. Nakakatawa dahil iyon ang naging gamot ko. Ang tanggapin na nabuhay lang ako sa mundong ito para pasanin ang lahat ng hirap at sakit. To be alone To live alone Nang makalabas ako sa mental hospital ay hindi na ako umuwi sa bahay namin, Nanatili ako sa maynila, sa tondo. Marami akong nakilala, pero hindi ko na dinikit pa ang sarili ko sa kahit na sino. Natutunan ko na ang susi sa buhay, ang ilayo ang sarili mo sa lahat at ang hindi magmahal. Bago ako lumabas ng mental hospital ay pinangako ko sa sarili ko na sa oras na itapak ko ulit ang mga paa ko sa mundong sumira at nanakit sa akin ay hindi ko na hahayaang maging malambot ang puso ko, Hindi pwede ang may pakialam Hindi pwede ang ilapit ang sarili sa tao dahil nasasaktan lang naman tayo sa oras na magsimula tayong magpahalaga at magmahal Sa oras na mahalin mo ang isang tao, binigyan mo na siya ng pagkakataong saktan ka. Dahil ang tanging makakasakit lang sa 'yo ng todo ay ang taong pinahalagahan at minahal mo rin ng totoo. I have to stay away from people, in order for me to stay sane.. Hindi ako galit sa mga lalaking gumahasa sa akin, galit ako kay Tatay at kay Kuya. I have loved them I trusted them At iyon ang pinaka malaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko simula ng mamatay si Nanay Lumabas ako ng mental hospital ng matapang at buo ang loob, Hindi na ako ang Heaven na sinira at winasak ng mundo, Kasi ngayon, natuto na akong lumaban. Natuto na akong protektahan ang sarili ko, At inuna kong protektahan ang puso ko. Wala na, Ayoko nang magpapasok ng kahit na sino Mag isa lang ako sa mundong ito, at mamamatay akong mag isa. Pagod na pagod na akong makisama sa mundong puro sakit lang ang dala. I will never let anyone to hurt me again. Never again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD