Kabanata 20

1614 Words
*** April 04, 2025 Wala ganang bumangon ako sa kama, ayoko sanang pumasok sa karinderya ngayon dahil gusto ko lang matulog ng matulog hanggang sa matapos ang sumpang araw na ito pero ang sabi ni Ma'am Rose ay kailangan ko raw siyang samahan sa kung saan. Maaga siyang tumawag para sabihin iyon at wala akong naintindihan sa sinabi niya dahil tulog pa ang utak ko ng mga oras na 'yun. Masakit pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kahapon. Hayop talaga ang Tonny na 'yun, pasakit sa buhay. Birthday kasi ng pamangkin niya kahapon kaya napasubo ako sa inuman, at ang demonyong 'yun ay walang ginawa kundi tagayan ako ng tagayan. Pero ayos lang dahil naghahanap din naman ng alak ang katawan ko kahapon, ayon nga lang ay ako ang kawawa ngayon. Noong isang linggo ay plinano ko na ang gagawin ko sa araw na 'to, at 'yun ay ang matulog lang buong araw. Pero napurnada ang balak ko dahil sa biglaang lakad ni Ma'am Rose na hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang napili niyang isama. Uminom pa naman ako kahapon sa pag-aakalang makakatulog ako ngayon ng buong araw. Nakabusangot na lumakad ako papuntang karinderya. Medyo masakit pa ang ulo ko at gusto ko pang matulog. "Ang tagal mo naman!" angil ni Ma'am Rose ng makapasok ako sa karinderya. Naka suot siya ng polo at slacks, ang sabi niya ay magsuot daw ng medyo pormal dahil importanteng tao raw ang kikitain namin. Hindi ako sumagot at sumunod lang sa kanya palabas. Sumakay kami sa tricycle at nagsimula siyang magkalikot ng cellphone niya. Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta at tahimik akong sumandal sa upuan ng tricycle at pumikit. Walang nakakaalam na birthday ko ngayon dahil pekeng araw ng birthday ang sinasabi ko sa kanila. Hindi ko ata maatim na marinig na batiin nila ako ng 'Happy Birthday' sa ganitong araw, at sa loob ng tatlong taon ay wala na ring nagtangkang bumati sa akin sa ganitong araw. Pinutol ko na ang lahat ng koneksyon ko sa mga taong parte ng nakaraan ko, masakit man pero maging si Ate Betty ay hindi ko na tinangkang kontakin. Nagpapasalamat ako sa kanya, sobra, pero ayoko na talagang dumikit pa sa mga taong konektado sa nakaraan ko. Hindi na ako ang Heaven na kilala niya kaya tama lang din na hindi niya na ako makita pa. "May personal na kumukuha sa akin na magluto para sa isang handaan kaya isasama ko kayo ni Carrie bukas ng maaga." bigla ay sabi ni Ma'am Rose. Tumango lang ako at nanatiling nakapikit hanggang sa bumaba kami at sumakay ng jeep. Wala naman akong choice, amo ko siya at tauhan lang ako. Masarap talagang magluto si Ma'am Rose dahil dati itong parte ng nagki-catering sa mga hotel at siya ang taga luto. Ang alam ko ay culinary graduate siya hindi ko lang maintindihan kung bakit pinili niyang iwanan ang pagiging chef sa mamahaling hotel at restaurant. Hanggang ngayon naman ay nagluluto pa rin siya para catering pero hindi na madalas. As in halos isang beses sa isang taon na lang. Namimili na lang siya ng handaan na paglulutuan, iyong importante sa kanya, dahil mas priority niya ang karinderya niya. Kaya hindi kataka-taka na patok na patok ang karinderya niya sa Tondo at dinadayo pa ng mga taga ibang lugar. Sariling recipe niya ang lahat ng niluluto niya roon at especial na ingredients ang ginagamit niya kaya walang nakakatalong ibang kainan sa kanya. Sumakay kami ng bus pa-makati dahil taga roon daw ang magdidiwang bukas. Kikitain ni Ma'am Rose ang magulang ng celebrant dahil may specific na pagkain daw itong gusto. Ang alam ko ay kakilala niya ang magulang ng celebrant kaya siya pumayag na magluto para rito. Kahit mayayaman ay gustong-gusto ang luto niya kaya hindi nakakapagtakang siya ang i-request para sa engrandeng handaan. Makalipas ang halos isang oras ay nakarating kami ng Makati, sumakay ulit kami ng tricycle para makarating sa hotel at restaurant na pagkikitaan nila, doon na rin ata ang venue. Pagkapasok namin ng lugar ay nakita kong nagsisimula nang mag-ayos ang mga staff. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang buong lugar dahil ayokong maalala ang hindi kanais nais na tao. Wala pa roon ang kikitain ni Ma'am Rose kaya nagpaalam ako na magbabanyo dahil ihing-ihi na 'ko kanina pa sa bus, nagpasama ako sa isang staff doon dahil masyadong malaki ang hotel na 'yun at paniguradong maliligaw ako. Nang maihatid ako sa banyo ay agad ding umalis ang babaeng staff. Hindi naman ako tanga para hindi makabalik sa ground floor kaya hinayaan ko na siya. Matapos umihi ay inayos ko na rin ang nagusot kong polong puti na hindi mahaba ang manggas. Naka polo ako dahil iyon ang sinabi ni Ma'am Rose na isuot ko, pinartneran ko iyon ng ripped jeans at rubber shoes na puti. Nakalugay ang hanggang balikat kong buhok at walang ibang kolorete ang mukha ko kundi ang liptint. Kung maputi ako noon ay lalo akong pumuti ngayon kaya kahit puti ang suot kong damit ay lumilitaw parin ang pagkaputla ng balat ko. Nang pabalik na ako sa ground floor ay pinagtitinginan ako ng mga lalaking naka-uniporme. Siguro ay dahil siga ang paraan ko ng paglakad. Madalas akong napagkakamalang tomboy dahil sa lakad ko na sobrang iba sa dating ako na hindi makabasag pinggan sa sobrang hinhin. Hindi ko pinansin ang mga lalaking sinusundan ako ng tingin at nagpatuloy lang sa paglakad. Pagkabalik ko sa pwesto ni Ma'am ay wala pa roon ang iniintay niya kaya lumabas muna ako para mag yosi. Nilalamig ako sa aircon sa loob, pang electric fan lang ang balat ko kaya mabilis akong lamigin. Pagkasindi ko ng sigarilyo ay may humintong itim na van sa harap ko. Hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ko ang paghithit sa sigarilyo. Saktong pagbuga ko ng usok ay lumabas ang babaeng pamilyar na pamilyar sa akin. She's wearing a yellow sleeveless dress paired with a white stiletto, her hair is tied up at agaw pansin ang mapulang lipstick na gamit niya. Gaya parin noon na mukhang matapobreng babae. Nang magtama ang paningin namin ay nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya, samantalang nanatiling walang reaksyon ang mukha ko kahit pa nagulat din ako. Sa loob ng ilang taon ay nasanay akong itago ang emosyon ko, palagi akong natatawag na babaeng bato dahil hindi raw nila ako nakikitaan ng iba't ibang emosyon maliban sa malamig na mga mata. Lumingon siya sa lalaking kakababa lang din ng van at sabay silang tumingin sa direksyon ko. Oo, hindi ko na siya kailangan. Hindi ko na siya gustong bumalik sa buhay ko Hindi ko na siya gustong makita Pero nang magtama ang paningin namin ay nakaramdam ako ng kaunting kaba. Kabang para siguro sa takot na baka bumalik siya sa buhay ko. Limang taon Limang taon kong hindi nakita ang mga matang 'yan Limang taon kong hindi nakita ang mukhang 'yan It's been five years, pero gano'n parin ang itsura niya, maliban lang sa mas lumaki ang katawan niya at mas tumangkad. His hair, his snobbish look and his sharp eyes are all the same. Kung hindi ko siya kilala noon ay maiintimidate ako sa aura niya dahil gano'n talaga ang normal na epekto niya sa mga tao sa paligid niya. His presence screams power and wealth. Isang tingin pa lang ay alam mo nang marami siyang kayang gawin. Isang tingin pa lang ay alam mo nang mahirap siyang abutin. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya, pareho sa naging reaksyon ng nanay niya. Ilang beses ko rin siyang nahuling napalunok at ang pinaka nakakatawa ay ang nakikita kong pangungulila sa mga mata niya. I will never ever be fooled by those eyes again. Masyado nang matibay ang nakaharang na pader sa akin at hindi na niya iyon matitibag. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at muling humithit ng sigarilyo, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin at wala akong pakialam. Titigan mo 'kong mabuti para makita mong hindi na ako ang Heaven na kilala mo. Kung kanina ay malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa panandaliang kaba, ngayon ay wala na akong maramdaman. At alam kong kitang kita niya iyon sa mga mata ko, Na wala na, Wala na akong pakialam sa kanya at hindi na ako ang dating kaibigan niya. "Des, pumasok —" natigil si Ma'am Rose ng makita ang dalawang taong nasa harap ko. "Oh my god, Evelyn!" malakas at masaya na pagtawag niya at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Nagulat man ay nanatiling blangko ang mukha ko. Hindi ko alam na magkakilala sila, at kung alam ko lang ay hindi na ako sumama pa. Literal na ayoko na silang makita kaya kung may paraan para hindi magtagpo ang landas namin ay gagawin ko. Pero talagang malakas ang trip sa akin ng mundo. "Rose... kanina ka pa?" Ani Ma'am Evelyn habang nakatingin sa akin. "Hindi naman, kararating lang namin halos nitong si Des, assistant ko para bukas." Aniya. Gusto kong umirap dahil sa pagsisinungaling niya. Kanina pa kaya kami rito! Mga mayayaman talaga, pa-VIP palagi. Napangisi ako ng maramdamang nakatitig pa rin sa akin si Sky pagkaupo namin sa table namin. Kung minamalas pa ay kaharap ko siya. Tanging malamig na tingin ang binibigay ko sa kanya. Wala siyang mapapala sa akin kahit magdamag niya pa akong titigan. Lihim akong napailing. Sabi ko na nga ba, imposibleng walang kamalasan ang mangyari sa akin sa araw na 'to. At ang masama pa ro'n, extended hanggang bukas ang kamalasang ito dahil para na rin akong dadalo sa birthday celebration niya kahit pa trabaho ang ipupunta ko roon. Sumpa talaga ang 04-04.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD