Kabanata 22

2183 Words
Nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin ng kung sino. Pupungay pungay pa ang mata ko ng imulat ko iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting si Carrie. "Tumayo ka na diyan at tapos na ang party." nakangising saad niya. Tiningnan ko ang ayos niya at naka dilaw na dress ito, naka make up rin siya ng makapal kaya napairap ako. "Anong oras na?" tanong ko. Madilim na ng tingnan ako ang bintana. "Alas onse na, kumain ka na raw doon sabi ni Miss Evelyn!" "Hindi na, umuwi na tayo." saad ko. Napahaba pala ang tulog ko. Kinuha ko ang bag ko at ang paper bag. Hindi ko na ata mababalik 'yun sa kanya kaya mabuti pang iuwi ko na lang. Nagbihis na rin si Carrie at sumabay sa akin palabas ng kwarto dala ang gamit nila ni Ma'am Rose. "Ang gwapo nu'ng celebrant, nakakaloka! Halos tumulo ang laway ko kanina noong pinakilala siya sa akin." Kinikilig na saad niya. Kung pwede lang na maghugis puso ang mata ay kanina pa siguro nangyari 'yun. Kulang na lang ay magningning ang mata niya sa sobrang kilig. Umirap lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Naabutan kong kausap ni Ma'am Rose si Miss Evelyn na agad tumama ang paningin sa akin. "Des, kumain ka na muna bago tayo umalis." Ani Ma'am Rose. Bigla ay sumulpot sa kung saan si Sky at mariing nakatingin sa akin. Nakapagpalit na siya dahil naka t-shirt na lang ito at jeans. Nilibot ko ang paningin sa venue at wala nang bisita, tanging kami at ang staffs na lang na nagliligpit ang narito. Wala na rin ang mga lalagyan ang pagkain at tanging iilang upuan at mesa na lang ang naroon. Ni hindi ko nakita ang set up ng handaan pero ayos lang. Umiling ako. "Hindi na, Ma'am. Umuwi na tayo." aya ko. Kumunot ang noo niya sa akin. "Kaninang 11 AM pa ang huling kain mo at malapit nang mag alas dose ng gabi." saad nito habang nakatingin sa relo na suot. "Kumain ka na muna, paniguradong gutom ka na." "Hindi ako gutom." tugon ko. Nagulat ako ng hawakan ako ni Sky sa braso at hinila sa kung saan. "Bitaw." malamig kong saad. "Nope. Kumain ka muna." saad niya habang hila hila ako. Napairap ako at hinayaan na hilain niya. Wala akong lakas dahil sa totoo lang ay gutom na rin ako talaga. Ayoko lang magtagal dito kaya ako tumatangging kumain. Pinaupo niya ako sa lamesa at nilapag doon ang pagkain. Mukhang itinabi talaga para sa 'kin dahil maayos iyong naka lagay sa plato. Wala na ang mga pagkain sa harapan kaya siguradong sinadya itong itabi. Walang imik akong kumain habang nakatitig siya sa akin. Wala akong nararamdamang ilang at mabilis lang na kumain. Tinaasan ko siya ng kilay ng makitang nakangiti siya. Feeling close! "Anong tinatawa tawa mo diyan?" maangas na tanong ko ng marinig ang nakakaasar niyang tawa. Umiling siya. "Namiss kita." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy lang ang pagkain. "Kamusta ka na?" mahinang tanong niya. Tumigil ako sa pagkain at malamig siyang tiningnan. "Nakikita mong ayos ako." "Galit ka ba sa 'kin?" dagdag niya. Ngumisi ako. "Bakit ako magagalit sa 'yo? Sino ka ba?" maangas na saad ko na ikinabigla niya. Kita ko ang panlalaki ng mata niya at pag-awang ng labi niya. Hindi niya siguro inaasahan ang paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya. Tumukhim siya at mahinang nagsalita. "I'm sorry, Ven. Hindi ko sinasadyang hindi ka kontaki---" Malakas kong ibinaba ang kutsara't tinidor. Lumikha iyon ng ingay at wala akong pakialam. Nawawalan ako ng ganang kumain dahil sa pinagsasasabi niya. "Hindi ko kailangan ng explanation mo. Matagal ka nang hindi parte ng buhay ko at wala na akong pakialam sa 'yo, kaya sana tigilan mo ang pag-akto na parang close tayo." may diin kong saad bago tumayo para iwanan siya roon. Nakakainis, hindi pa ako nakakalahati sa kinakain ko ay binadtrip na niya 'ko. Sayang din 'yun. Pero bago ako tuluyang makaalis ay nahagip ng mata ko ang paper bag. Kinuha ko iyon at ibinagsak sa harap niya. "Ayan ang gamit na binigay mo sa kaibigan mo noon at matagal na siyang wala. Kaya please lang, 'wag ka ng umaktong kilala mo 'ko at ganu'n din ang gagawin ko." saad ko at tuluyang umalis. "OMG, Des! Kilala mo ang celebrant?" Manghang tanong sa akin ni Carrie pagkapasok ko sa van na maghahatid sa amin pauwi. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan siyang mangulit ng mangulit. Wala ako sa mood para makipagplastikan sa kanya. Kumakalam pa ang sikmura ko at nag iinit ang ulo ko. Sawakas ay naibalik ko na ang mga gamit niya, wala na akong isisipin ngayon. Sa nagdaang taon ay naging problema ko ang pagsasauli nu'n sa tuwing makikita ko 'yun sa drawer. Napaka laking kabigatan para sa akin ang makita ang mga bagay na nagpapaalala sa akin sa nakaraan ko. Ayoko na ng kahit na ano, o kahit sinong konektado sa nakaraan ko kaya nga ako lumipat na rito sa Tondo. Kaya sana, sana iyon na ang huling pagkikita namin ni Sky. Pero sadyang malupit sa akin ang mundo dahil nandito sa harap ko ang lalaking ayaw ko nang makita. He's wearing a simple shirt and jeans pero malakas ang dating. Para siyang modelo sa magazine kaya hindi nakakapagtakang pagtinginan siya ng mga babaeng naroon. "Ven..." Umirap ako sa kawalan at hindi siya pinansin. Nasa entrance siya ng karinderya at parang tangang nakatingin sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng lamesa at hinayaan lang siya roon. "Tulungan na kita." Saad niya at pilit inaagaw sa akin ang pamunas. Matalim ko siyang tiningnan at iniwanan. Pumunta ako sa kusina para maghugas na lang ng pinggan pero naroon parin siya at nakabuntot. Inis ko siyang hinarap. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na ayoko nang makita ang pagmumukha mo?" "Hindi mo pa nga ako hinahayaang magpaliwanag, 'wag mo naman ako ipagtabuhayan." pagpapaawa niya. Malakas akong napabuga ng hangin dahil sa itsura niyang akala mo inapi. Ang ayoko sa lahat ay mga sad boy na akala mo walang ginawang mali. "Wala akong pakialam sa kung ano mang paliwanag ang inimbento mo, kaya please lang tigilan mo na 'ko at umuwi ka na sa inyo." "Bahala ka, hindi ako aalis dito hanggat hindi mo 'ko pinapakinggan." pagpupumilit nito. Nakanguso pa ang lalaki na akala mo'y batang inagawan ng laruan. Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Buong araw ay nakabuntot ito sa 'kin sa karinderya. Kung uupo man ay sinusundan naman ako nito ng tingin. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng costumer pero hindi ko alam kung napapansin niya ba iyon dahil sa akin lang nakatuon ang atensyon niya. "Mukhang binasted mo na si Larry, ah." malungkot na saad ni Carrie. Nakaupo ito sa tabi ni Sky at nakapangalumbaba. Kakaalis lang ng panghuling costumer. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ganu'n naman palagi, kapag hindi na nagpakita dito sa karinderya ay ibig sabihin nakatikim na ng masasakit na salita galing sa 'yo." "Sinong Larry?" bigla ay tanong ni Sky. "Yung manliligaw dapat nitong si Des. Ilang buwang araw-araw na kumakain 'yun dito para lang makita siya kahit na malayo pa ang uuwian. Ang kaso itong si Des, may galit ata sa mga lalaki at lahat ng nagtatangkang manligaw ay tinataboy niya." nakangusong tugon nito. "Tama lang naman 'yung ginawa niya. Kapag hindi gusto, 'wag i-entertain." seryosong saad ni Sky. "Woah. Woah. Mag bessy ba kayo at pareho kayong sadista?" Ani Carrie. Tumawa pa ito ng malakas na akala mo ay may nakakatawa sa sinabi niya. Nag aadik ba siya? Umiling ako at iniwan na silang dalawa para kunin ang bag ko. "Ihahatid kita." Ani Sky. "Umuwi ka na." "Ayaw, ihahatid nga kita." Bumuntong hininga ako at hindi na siya pinansin. Bahala siya diyan magmukhang ewan kakasunod sa akin. Malapit lang ang bahay ko sa karinderya kaya nilalakad ko lang 'yun. "Hindi ba tayo sasakay?" "Sumakay ka at dumeretso ka na sa pamamahay mo." Walang ganang tugon ko. Binilisan ko ang lakad, nasa likod ko siya at parang ewan na tumitingin sa paligid. Nakapamulsa pa siya na akala mo'y namamasyal lang sa mall. "Parang hindi safe dito kapag gabi." bulong niya, takot na baka marinig ng kung sino. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang. Nakapamulsa ako at maangas na lumalakad samantalang si Sky ay parang tangang nagmamasid sa paligid na akala mo'y may susugod sa kanya ano mang oras. Hindi ko naman siya masisisi dahil maaangas talagang tumingin ang mga tao dito. Lalo na kung halatang may pera ka, nanlilisik ang mga mata nila sa 'yo, hindi dahil sa balak ka nilang nakawan kundi dahil galit sila sa mayayaman. Ang mga mayayaman kasi ay walang ibang gusto kundi puro pera, kahit na mayaman na sila. Itong lugar namin ay ilang ulit na raw na pilit ginustong patayuan ng kung anong commercial building noon, kaya lang masyadong matatapang ang mga tao rito, hindi nagpapa-api lalo na kung may karapatan naman sila. Kaya tuwing nakakakita sila ng mayamang nagpupunta rito ay nag-iinit ang ulo nila dahil pakiramdam nila ay may hidden agenda. Hindi ko naman sila masisisi dahil karamihan nga sa mayayaman ay ganid at walang puso. "Oh. May bagong salta ba?" Maangas na saad ni Toto, kasama niya ang mga barkada niya na nasa likuran niya. Magugulo pa ang itsura nila na parang galing lang sa inuman. "Alis diyan." walang emosyong tugon ko dahil nakaharang sila sa dadaanan ko. Umalis sila sa harapan ko pero sa harap ni Sky naman sila huminto. "Hoy bata, tindi rin ng lakas ng loob mong magpagala gala rito ah." Ani Toto. "Ayaw na atang mabuhay niyan." Ani ng isa at sabay silang nagtawanan. Umiling na lang ako at nagpatuloy na sa paglakad. Bahala siya diyan. "Ven, sandali!" dinig kong sigaw niya. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan, ang sabi ko kasi ay umuw na siya. Masyado siyang makulit. "Testingin ko nga kung ilang hampas ang kaya nitong nakuha kong baseball bat, ang sabi kasi sa akin ay matibay daw ito." Rinig kong saad ni Toto. Nagtawanan pa ang mga kasama niya na para bang mabentang joke ang sinabi niya. Corny ng linyahan, pang duwag. Mariin akong pumikit at malalim na buntong hininga ang pinakawalan. Bwisit naman 'to, sinabi kasing umuwi na eh! Tamad akong naglakad pabalik. Nakita kong hahampasin na ng baseball bat ni Toto si Sky na hawak ng alipores niya sa magkabilang braso. Anim sila roon kaya wala talagang palag ang isang 'to. Sa itsura pa niya, parang hindi ata naturuan ng self defense ito sa ibang bansa. Tsk. Bago pa man maihampas ni Toto sa kanya ang bat ay hinawakaan ko na iyon. Galit na lumingon sa akin si Toto, pero nang makita ako, ay siyang pag ngisi nito. "Tropa ni Carrie 'yan." walang ganang saad ko habang nakahawak pa rin sa baseball bat. Lumapad ang pagkakangisi niya. "Ayos lang, tetestingin ko lang naman kung gaano ba katibay itong nadekwat kong bat. Huwag mo na akong pakialaman dito, Des." Aniya habang pinapalo sa palad ang hawak na bat nang bitiwan ko 'yun. "Ang sabi ko, tropa ni Carrie 'yan." Dahan dahang ulit ko. "Ano naman ngayon?" kunwari'y walang pakialam na saad niya. Gusto kong punitin ang mukha niya dahil sa pagkakangisi niya. Akala mo kina-gwapo niya, mukha siyang tanga. Masyadong magaling magpanggap na siga ang grupo nila, kahit ang totoo ay mga duwag naman. "Bakit hindi natin sa katawan mo i-try ang bat na 'yan. Parang mas okay 'yun." Nang-aasar na ngumiti ako. Alam kong hindi siya papalag dahil minsan ko nang sinupalpal ang grupo niya. Sila 'yung tipo ng mga siga na matapang lang dahil marami, at kapag magkahiwalay ay parang mga tangang tuta na akala mo'y laging naliligaw. Ang aangas wala namang binatbat. "Mayabang ka talaga, Des. Hayaan mo at may araw ka rin sa amin." Nakangiting saad niya at tinapik pa ako sa balikat. Ang yabang, weak naman. Saka na niya ako tapangan kapag natalo na nila ako sa bakbakan. Kalalaking tao, hindi makalaban ng walang kasama. "Tara na, umepal itong isa. Minsan lang makialam 'to kaya pagbigyan natin." Natatawang saad ni Toto sa mga kasama niya. Akala mo talaga matapang, mga Mama's boy naman. Umirap ako at sinenyasan si Sky na lumapit na sa akin. Nang makita kong palapit na siya ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. "Umuwi ka na at 'wag ka ng babalik pa rito." may diing saad ko nang hindi siya nililingon. "Ayoko. Ihahatid kita." Matapang na sagot niya na ikinatawa ko. "Ihahatid? Eh mas duwag ka pa ata sa 'kin." ngumisi ako. Nag iwas siya ng tingin kaya lalo akong napangisi. Duwag din pala ang isang 'to. "Hin—di, ah! Kaya ko nga, k—aya ko nga silang labanan!" Aniya. Namumula ang pisngi at hindi makatingin sa akin. Mukha siyang batang pinapagalitan. "Tsk. Umuwi ka na." Hindi ko na inantay ang sagot niya at lumakad na ng mabilis. Hindi ko na nararamdaman ang pagsunod niya kaya mahina akong natawa. Mukha siyang tanga roon kanina. Kalaki ng katawan pero duwag! Tss. Mayayaman nga naman, puro pasarap lang sa buhay ang alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD