Samantha’s POV
“Kung Noon Ako ang Lumalapit, Ngayon Siya Naman”
Minsan, sa sobrang tagal mong habol nang habol, hindi mo mapapansin…
Pag tumigil ka na pala, saka lang siya lilingon.
At ‘yon si Gavin ngayon.
Lumingon siya.
Huminto.
Ngayon, siya na ang sumusubok humabol.
Pero ang tanong…
Ako pa rin ba ang naghihintay sa dulo?
Mula nung huling usapan namin sa café, hindi siya tumigil.
Text. Chat. Calls.
Bigla siyang dumadalaw sa bahay, gaya ng dati.
May dalang paborito kong milk tea.
Nag-aalok ng sabay na ulit kami pumasok.
Nagpaparamdam—hindi na lang bilang kaibigan, kundi bilang lalaking may pagsisisi.
“Maaayos pa ba, Sam?” tanong niya minsan habang nakatambay kami sa bench sa likod ng library.
Hindi ko siya sinagot agad.
Pinanood ko lang siyang nakatingin sa lupa, parang bata na nahuling nagkamali.
Ang dami kong gustong sabihin.
Ang dami kong gustong isigaw—lahat ng sakit, lahat ng hintayang nauwi sa wala.
Pero sa halip, tahimik lang akong huminga nang malalim.
“Hindi ko alam, Gav,” sagot ko. “Hindi porket nagsisisi ka… agad-agad din akong babalik.”
Nakita ko ang bahagyang pagkabasag ng ngiti niya.
“Deserve mo ‘yon,” sabi niya. “Yung hindi mo kailangang habulin para mahalin. Yung hindi ka laging second choice.”
Tumigil ang mundo ko sandali.
Kasi for the first time, narinig ko mula sa kanya ang mga salitang ako lang ang nagsabi sa sarili ko noon.
At habang hawak ko ang tubig sa kamay ko, gusto kong maniwala.
Pero nasaktan na ako nang sobra para bumalik agad sa dati.
Elijah noticed too.
“Gavin’s trying, huh?” he said one night habang sinusundo ako after my night class.
“Yeah,” I answered.
“You thinking of giving him a second chance?”
I didn’t respond right away.
Because I don’t even know.
Mahal ko pa rin si Gavin.
Pero natutunan ko nang hindi sapat ang mahal mo…
Kailangan piliin ka rin. Paulit-ulit. Buo.
Minsan, sabay kaming naglalakad pauwi ni Gavin—parang dati.
Tahimik lang. Walang lambing. Walang hawakan.
Pero naroon ‘yung presensiya niya, ‘yung subtle effort, ‘yung hindi niya na kailangan pang sabihin.
“Sana noon pa,” bulong niya habang nasa tapat na kami ng bahay.
Ngumiti lang ako, mahina.
“Sana nga,” sagot ko.
Pero sa loob-loob ko…
Sana hindi na ako masyadong huli para sa sarili kong kaligayahan.