KABANATA 10

516 Words
Samantha’s POV “Hindi Akin Pero Ayaw Kong Ibang May May-Akin” “Sinundo ka na naman ni Elijah?” Tanong ni Gavin habang sabay kaming naglalakad pauwi, kagaya ng dati. Napatingin ako sa kanya. Wala sa tono niya ang galit, pero nandoon ‘yung kurot. ‘Yung hindi mo maipaliwanag na tunog ng selos na pilit niyang tinatago sa tanong. “Yeah,” sagot ko. “May pinuntahan lang kami saglit after class.” Tahimik. Ilang hakbang pa, napansin kong mas mabilis siyang naglalakad. Na parang gusto niyang mauna. Na parang ayaw niyang marinig pa ‘yung kwento. Lately, naging mas madalas si Elijah sa buhay ko. Hindi siya demanding. Hindi rin siya nanghihingi ng kahit anong label. Pero ramdam kong nandoon siya — sa paraang hindi ko kailanman naramdaman mula kay Gavin noon. And I think… that’s what bothers Gavin. Minsan, nadatnan ko silang magkausap sa tapat ng bahay namin. Nagkasalubong yata sila. Nang lumapit ako, tumigil agad si Elijah sa pagsasalita. Si Gavin naman, kunwari lang kalmado. “Sam,” sabi ni Elijah, “I’ll go ahead na. Message mo lang ako.” Pagkaalis niya, hindi ko maiwasang tanungin si Gavin. “Ano ‘yon?” “Wala,” sagot niya, kaswal. “Nagulat lang ako na lagi na siyang nandito.” I stared at him. “Jealous ka ba?” “Bakit ako magseselos?” mabilis niyang sagot. “Kaibigan lang naman tayo, ‘di ba?” Ouch. Parang sinampal na naman ako ng katotohanan. Pero kinabukasan, nag-iba siya. Nag-aya siyang mag-dinner kami. Bumili siya ng favorite kong cake. Nagbihis pa ng maayos, something he never did dati kapag ako lang ang kasama. Sa buong gabi, hindi niya binanggit si Elijah. Pero ramdam ko ‘yung urgency sa mga kilos niya. Parang gusto niyang patunayan na siya pa rin ang pinili ko dapat. “Sam,” sabi niya habang nasa sasakyan pauwi. “You’re... different lately.” “Different how?” “You’re smiling more. Laughing more. I don’t know if I like it.” Napakunot noo ako. “Gusto mong malungkot ako?” tanong ko, half-joking. “Hindi sa ganon,” sagot niya. “Pero parang... ang dali mong napalitan.” There it is. The raw truth behind his eyes. He won’t say it. He won’t admit it. Pero alam kong natatakot siyang mawala ako. That night, bago siya umalis, he lingered at the gate. “Sam…” “Hmm?” “Pwede bang… ‘wag ka munang maging kayo?” Napatingin ako. “Sino?” “You and Elijah.” Tahimik. “Eh bakit?” tanong ko. Wala siyang sagot. Tumingin lang siya sa akin, mata sa mata, pero walang salitang lumabas. So ako na ang tumapos. “Alam mo, Gav… hindi ako maghihintay sa mga salitang hindi mo kayang sabihin.” At pumasok ako sa loob, iniwan siya sa dilim ng gabi. Mahal ko pa rin siya. Pero ngayon, ako na ang may tanong: Hanggang kailan ko pahihintulutan ang sarili kong maghintay sa lalaking hindi pa rin sigurado sa nararamdaman niya… kahit halatang ayaw niyang mapunta ako sa iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD