Kabanata 11

403 Words
Gavin’s POV “Kung Kailan Ka Na Unti-unting Umaalis, Saka Ako Nagsimulang Mahulog” Hindi ko alam kung anong klaseng kabobohan ang meron ako para ngayon ko lang makita. Ngayon lang, habang pinapanood kong tawa ka nang tawa kay Elijah. Habang ramdam ko na hindi na ako ang sentro ng mundo mo. Akala ko okay lang. Akala ko kaya kong tiisin na masaya ka… kahit hindi ako ang dahilan. Pero hindi pala. Masakit pala. At ang mas masakit? Hindi ko alam kung may karapatan pa akong masaktan. Simula pagkabata, palagi kang nandoon. Tagasalo. Tagahintay. Tagapuno ng kakulangan ko. Samantha, my constant. Pero lagi kitang nilalagay sa kategorya ng “kaibigan lang.” Kasi kahit pa gaano tayo ka-close, kahit pa lagi kitang kasama — ang puso ko noon, pag-aari ng iba. Si Cassandra. Ang babaeng pinili ko kahit alam kong ikaw ‘yung palaging nandoon. Nang iniwan niya ako, sa’yo ako tumakbo. At noong gabing ‘yon… Noong nagising ako sa tabi mo… Alam kong may nabasag sa pagitan nating dalawa. Pero binalewala ko. Kasi duwag ako. Until now. Now that I see Elijah opening doors for you. Making you laugh the way I used to. Looking at you like you’re the only girl in the room. At ikaw? You’re starting to glow again. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa kanya… O dahil wala na ako sa gitna para sumakal sa’yo. Pero mahal ko ba talaga kung ngayon ko lang nare-realize? O baka nasasaktan lang ako dahil hindi na ako ang pinipili mo? Kanina lang, nag-usap kami ni Elijah. Biro lang daw, pero ramdam kong seryoso. “Kung mahal mo pa siya, Gav,” sabi niya, “say it. Kasi kung hindi, I will.” Hindi ako nakasagot. Hindi pa rin ako sigurado. Sigurado ba akong mahal kita? O sigurado lang akong ayokang mawala? Pero ngayong gabi, habang nakatingin ako sa chat box natin, habang paulit-ulit kong tine-type ang “Can we talk?”, tapos binubura… Alam ko na. Mahal kita. At takot akong huli na. Pero paano mo ibabalik ang isang bagay na pinakawalan mo… Sa kamay ng taong hindi mo kayang tapatan? Paano mo sasabihin ang “mahal kita” kung masyado ka nang maraming pagkukulang? Sam… Please wait a little longer. Or kung pagod ka na… At least let me try. Not to win you back… But to finally love you the way you’ve always deserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD