Kabanata 13

413 Words
Samantha’s POV “Bumalik Siya. At Biglang Nawala Ako.” Akala ko okay na kami. Akala ko kahit mabagal, kahit masakit, papunta na kami sa dulo na ako na ang pipiliin niya. Hanggang sa isang tawag ang gumising sa akin — literal at emosyonal. “Sam, si Cassandra… bumalik na.” Bulong ni Camille, kaibigan naming dalawa. Bumalik. As in… nandidito na ulit sa Pilipinas. Kasama ‘yung career na minsan naging dahilan kung bakit siya at si Gavin ay nawala. At parang biglang nawala ‘yung konting katahimikan na naipundar ko sa puso ko. Later that afternoon, dumaan ako sa café kung saan lagi kaming nagkikita ni Gavin. Sinadya kong hindi mag-text. Gusto ko lang siyang makita. Kahit saglit lang. Pero pagdating ko… Nandoon na siya. At hindi siya mag-isa. Nakita ko siya — nakaupo sa tapat ni Cassandra. At ‘yung mga mata niyang matagal nang hindi ganon kumislap… kumislap ulit. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nandoon. Tahimik. Nakatayo lang. Nanonood mula sa labas. At sa loob ng ilang segundo, bumalik lahat ng sakit. Lahat ng gabi na iyak lang ang kasama ko. Lahat ng gabing ako ang pumalit… hindi dahil ako ang mahal niya, kundi dahil wala na si Cassandra. At ngayong bumalik na siya? Anong ako ulit? Fallback? Pansamantala? Kumot sa malamig na gabi? Kinagabihan, hindi ko na siya kinontak. Hindi rin siya nag-chat. At kahit sobrang gusto kong tanungin kung anong meron, pinigilan ko ang sarili ko. Hanggang sa kinabukasan, siya mismo ang tumawag. “Sam… can we talk?” Gusto kong tumanggi. Pero mas malakas ang puso kong gustong makinig. We met sa rooftop. Ang dating tagpuan naming dalawa. Pero ngayon, parang ang layo na niya. “Bumalik si Cass…” panimula niya. Tahimik lang ako. Nakatingin sa mga bituin. Hindi sa kanya. “Alam ko,” sagot ko. “Nakita ko kayo kahapon.” Napatigil siya. Hindi ko siya tinignan. Hindi ko kayang makita kung anong klaseng emosyon meron siya kapag pinaguusapan si Cassandra. “Wala namang nangyayari,” dagdag niya. Pero minsan… hindi mo kailangang marinig ang katotohanan. Minsan, nararamdaman mo na lang. “Gav, mahal mo pa ba siya?” Tahimik. At sa katahimikan niyang ‘yon… Sumagot na ang puso ko. “Alam mo,” sabi ko habang papalayo, “ang pinakamasakit? Hindi ‘yung pinili mo siya ulit. Kundi ‘yung ni hindi mo sinubukang ipaglaban ako.” And just like that… Everything I was starting to rebuild… collapsed again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD