Samantha’s POV
“Minsan, Ang Pagmamahal, Hindi Palaging Pananatili — Kundi Pag-alis.”
Minsan, kahit gaano mo kamahal ang isang tao…
Dumadating ka sa puntong napapagod ka rin.
Hindi dahil sumuko ka.
Kundi dahil ikaw na lang ang lumalaban.
At ngayong gabi, habang bitbit ko ang ilang damit sa duffel bag ko, alam kong ito na ‘yung kailangan kong gawin.
Hindi para saktan siya.
Hindi para gawin siyang guilty.
Kundi para iligtas ang sarili ko sa isang relasyong hindi kailanman naging buo.
“Ma, I’ll stay sa condo for a while,” sabi ko sa mommy ko, na halatang nagulat pero hindi na nagtanong.
Siguro ramdam niyang kailangan ko ‘to.
Na hindi ako umaalis para tumakas, kundi para hanapin ulit ang sarili ko na matagal nang nawala sa kakahintay kay Gavin.
Hindi ko na sinabi kay Gavin.
For once, gusto kong siya naman ang maghanap sa’kin.
Siya naman ang malito, ang magtaka, ang mapagod sa katahimikan.
Lagi na lang kasi ako ang nauunang lumapit.
Ako ang nauunang magtanong.
Ako ang nauunang magsabi ng totoo.
This time, hindi na muna.
The days passed slower than I thought.
Every night, I waited for his name to pop up on my phone.
A missed call. A chat. Kahit isang "Are you okay?"
Wala.
But I saw him — online.
Posting old photos, photos with Cassandra, laughing at comments, liking her tagged stories.
That used to be me.
Now… para akong multo sa mundong dati akong bahagi.
One night, Camille visited me at the condo.
“Sam,” sabi niya habang pinagsasabay ang yakap at buntong hininga, “alam mo bang si Gavin, nagtanong sa’kin kung nasaan ka?”
Napalingon ako.
“Sinabi mo ba?”
She shook her head.
“No. Kasi ang tagal niyang di pinansin ‘yung pagkawala mo. Alam kong mahal ka niya, Sam, pero minsan, mahal nga pero hindi pa rin sigurado.”
And that’s when it hit me.
Siguro nga mahal niya ako. Pero mas mahal niya ‘yung hindi pa niya makalimutan.
Sa kalmadong gabi ng Sabado, umupo ako sa veranda.
Tahimik ang paligid, pero ang utak ko, gulo pa rin.
Naglalaro ang tanong sa isip ko:
Kung bumalik siya ngayon, kaya ko pa bang harapin siya?
Hindi ko alam.
Pero isang bagay ang sigurado ako:
Pagod na akong hintayin ‘yung taong ayaw naman talagang lumapit.
At kung sakali mang mahalin pa niya ako balang araw…
Sana kaya ko pa.
Sana buo pa ‘ko.
Pero kung hindi na…
At least alam kong minahal kita sa lahat ng paraan —
Kahit sarili ko na ang kapalit.