"KAMUSTA ka na?" tanong niya. "Kailangan ko bang maging okay?" pabalik na tanong ko. Matapos naming kargahin si Dexter papasok ng hospital ay dinala niya naman ako rito sa katapat ng hospital kung saan may kainan. "I'm sorry..." "Alam mong hindi maibabalik ng sorry mo ang lahat." Ininom ko ang juice na nasa harap ko. "Alam kong sobrang sakit ng ginawa ko, Sam. But please, hear my side." Ayan na naman siya sa pagtawag sa akong ng 'Sam'. Kakasabi ko lang kanina na huwag niya akong tawagin sa pangalan na iyon. "Hindi lang sobrang sakit, Gino! Muntik mo nang masira ang buhay ko! Muntik ko nang ibigay sayo lahat!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na mapigilang hindi mapasigaw dahil noong nakita ko muli ang mukha niya ay bumalik lahat—lahat ng sakit. Ang sarap niyang bugbugin at sampalin pe

