NAKATINGIN lang ako sa kawalan habang si Dexter naman ay hinahalikan ang leeg ko. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa huminto siya at tiningnan ako. Hindi ko siya pinansin, tumayo ako at lumabas ng bahay. Bumungad kaagad sa akin ang malamig na hangin at madilim na kalangitan. Naramdaman ko naman ang presensiya ni Dexter sa likuran ko. Napapikit ako nang maramdaman ang halik niya sa may tenga ko pababa sa leeg ko. Nasa bahay kami ngayon at mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ang likuran ng bahay namin kung saan presko ang hangin ay may mga palay sa unahan na hindi namin pagmamay-ari. Medyo hindi na rin kita ang palayan dahil gabi na ngayon. Naisipan ko na dito na lang muna kami sa bahay matutulog dahil kapag bumalik ako sa hospital ay baka makita ko na naman doon si G

