XAVIER "WE heard what happened. We are very sorry," madamdaming pahayag ni Tita Jean nang magkita kami. Dumating ang mga ito galing US after their round trip para sa kaka-graduate pa lang nila sa college na mga pinsan ko rin. They were invited sa araw ng kasal ko but they were not able to attend dahil sakto iyon sa graduation nina Macey at Myro. Both studied abroad. "I have moved on, Tita." Nagawa ko pang ngumiti. Nakipagbeso-beso ako rito pati sa asawa nito, si Tito Markus. Kasama ng mga ito ang tatlong pinsan ko. Ang kambal na tulad namin ni Selena na fraternal, sina Macey at Myro at si MJ. Noong mga bata kami, madalas kaming magkita-kita ng mga ito. Matanda kami ni Selena sa mga panganay nila ng anim na taon. But as we grew up ay nagkalayo-layo rin ng landas lalo na noong kami'y nags

