ELISSA NAALIMPUNGATAN ako kinabukasan nang wala nang katabi sa higaan. Agad kong kinapa ang sarili, wala pa rin akong saplot sa katawan. Dahan-dahan akong bumangon. Masakit na ulo at balakang ang sumalubong sa akin kaya napangiwi ako sa sakit. Pagkaraan, ay parang video clip na sumalarawan sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Simula sa nangyari sa bar at kung paano ako nakarating sa lugar na 'yon. At ang mga pangyayari pang sumunod. Para akong nanigas sa aking kinaroroonan. S-Sa ikalawang pagkakataon ay may naganap na hindi dapat sa amin ni Xavi? Pinilit kong tumayo ngunit parang wala pa akong lakas. I vividly could remember what happened last night at sukdulan ang kahihiyang nararamdaman ko para sa sarili. I was the one who initiated what happened. Matapos na isumpa-sumpa ko siya sa

