ELISSA KATATAPOS ko lang maligo nang maalala ko na wala nga pala akong naihandang damit. Sumilip ako mula sa maliit na siwang ng pinto para magbakasakaling makita roon si Manang Ines. Malapit na kasi sa gawing iyon ang kusina. Nakailang tawag ako rito ngunit walang sumasagot. Ayoko namang maglakad patungon sa 'kulungan' nang parang basang sisiw. Kaninang-kanina itong damit kong basang-basa. Hindi pa naman ganoon kalakas ang resistensya pagdating sa lamig. Kanina pa rin ako bahin nang bahin. "Manang!" Sa wakas ay nakita ko rin itong naglalakad. Mukhang galing ito sa taas, kararating lang sa kusina. "Bakit, iha?" "Manang, pasuyo naman po ako ng damit. Basang-basa po kasi ako, dito na ako naligo sa may laundry. Galing kasi kaming ilog ni Xavier. Underwear po saka t-shirt at short. Nando

