ELISSA IMPIT akong napatili. Kasabay niyon ay ibinagsak ko sa tubig ang aking katawan. Ang bahagi ng ugat ng puno na aking inupuan ay aking kinapitan. "B-BAKIT mo ginawa 'yon?" gulantang at nahihintakutan kong tanong kay Xavier. Bahagya akong nakatalikod sa kaniya. Hindi ko masalubong ang kaniyang mga mata dahil sa takot na mahipnotismo niyon. Nakakapanloko siyang tumingin. Alam kong hindi niya iyon sadya dahil natural na nakakaakit talaga ang kaniyang mga mata. Kahit madalas siyang pagalit kung tumingin sa akin, bakas pa rin kung gaano kalalamlam ang mga iyon. At hindi ko alam kung ako lamang ba ang nakadarama niyon, his eyes were always intimidating. "I told you to take off your clothes, right?" Kahit kung paano siya magsalita. Pinananayuan ako palagi ng buhok sa batok. Lalo nang

