ELISSA
"ANO ba ang nangyayari sa 'yo, iha?" nagtatakang tanong ni Manang Ines. Magkasama kaming dalawa sa kusina at sabay na kumakain ng hapunan. Siguro ay halata na niya na balisa ako, wala sa sarili at hindi mapakali sa kinapupuwestuhan ko. Nakailang ulit na akong kuha ng tubig sa may water dispenser.
"W-Wala, Manang. M-May iniisip lang ako."
"Ang pamilya mo?"
Napasinghap ako at tingin dito. Noong dumating ako sa lugar na 'yon, tiyak na may alam na si Manang Ines kung bakit ako dinala sa lugar na 'yon. Nakita niya ako sa kulungan. Tiyak kong alam din niya ang aking kasalanan kay Xavier.
"O-oho. Nami-miss ko na sila."
Tama naman ang aking sagot. Nga lang hindi iyon ang dahilan ng pagkabalisa ko. Ang nangyari kanina. 'Yong mga sinabi ni Xavier kanina. At ang mga sinabi ko. Paano ko siya mababayaran sa paraang alam ko?
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit naririto ka, iha."
"H-Ho?"
Tumango ito. "Nakita na lang kitang dinala rito nina Joaquin. Doon ka inilagay sa kulungan. Ayokong mangialam, iha. Wala rin naman akong karapatan. Pero maaari ko bang malaman kung bakit dinala ka nila rito?"
Naging mailap ang mga mata ko. So walang alam din sa Manang sa naunsyaming kasal ni Xavier?
"M-May malaking kasalanan ho ako kay Xavier," aniko sabay lunok. "I-Iyong kasal niya, hindi natuloy dahil sa kagagawan ko." At ikinuwento ko kay Manang ang lahat ng nangyari. Gusto kong magkaroon ng kakampi kahit papaano. "Inaamin ko naman pong mali ang aking ginawa. Pero wala na po yata ako no'n sa tamang katinuan. Aaminin kong nasilaw ako sa pera kaya ko iyon nagawa. Babawi na lang ako kay Xavier para mabayaran ko ang kasalanan kong 'yon."
"Ayaw ika mo siyang balikan ng dapat mapapangasawa niya?" tanong ni Manang.
Umiling ako. "Ayaw raw po. Ayaw maniwaka kay Xavier na na-frame up lamang siya."
Natahimik si Manang. Tila nag-isip habang nakamasid sa akin. "Eh sino nga kayang nag-utos sa iyo? Malamang na may mabigat na dahilan ang kung sino mang matandang iyon kaya ayaw ituloy ang kasal. Mabait na bata iyang Xavier. Nakasama ko na 'yan dati rito minsan nang magbakasyon ang pamilya nila noon. Wala naman siguro iyang nakakaaway na sino. Panahon lang ang lilipas, mapapatawad ka rin niyon, iha."
"Sana nga ho."
Ngunit paano kung hindi na talaga ito balikan ng Lianna? Paano kung hindi siya maka-move on sa babaeng iyon at talagang ibunton sa akin ang galit? Gaano ako katagal mananatili sa lugar na 'yon?
"Hindi ko alam kung paano makakabayad sa kaniya, Manang," napapabuntong-hiningang sabi ko pa.
"Tulad nga ng sinabi mo, magbabayad ka sa paraang alam mo. Pagsilbihan mo na lamang siya."
Alas-nueve na ng gabi. Kanina pa kami tapos kumain ni Manang ng hapunan pero ang Xavier ay hindi pa rin bumababa. Kaya nga kami nauna nang kumain dahil sa pagkainip. Kanina pa nakatabi ang nilutong pagkain para sa kaniya.
Iyon nga ang plano ko. Pagsisilbihan nga siya. Pero natatakot na akong lumapit sa kaniya. Baka kung ano'ng gawin niya sa akin.
"Sige na, iha. Kailangan mong gawin 'yan dahil nagawan mo siya nang malaking kasalanan."
Inihanda ni Manang sa isang tray ang pagkain. Dadalhin ko sa taas, sa kuwarto ni Xavier. Ilang minuto akong parang sira na pinagmasdan iyon habang napapahugot ng malalalim na hininga. Hanggang sa dumikdik din sa aking isip na dapat ko nga iyong gawin.
Maingat akong umakyat ng hagdan hanggang sa makarating sa tapat ng kuwarto niya. Pinahupa ko muna ang kabog sa dibdidb bago sunod-sunod na kumatok.
Matagal bago may sumagot kaya inulit ko ang pagkatok. Nakatulog na kaya siya? Sinubukan kong idikit ang tainga sa may pinto ngunit hindi pa lumilipas ang limang segundo nang biglang magbukas iyon.
Nagulantang ao sa ayos ni Xavier nang buksan niya ang pinto. Wala siyang suot pang-itaas at ang tangi lamang meron ay tuwalya na nakabalot sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Nasamyo ko agad ang kaniyang bango, sabong panligo at body spray. Basa pa at medyo tumutulo ang buhok ni Xavier. Doon sa malalapad niyang balikat nagtagal ang aking mga mata.
"D-Dinner mo..." Parang nanlalamig ang aking pakiramdam. Makailang ulit nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa sunod-sunod na malalalim na hininga. Nakakita na ako ng katawan ng mga lalaki. Marami niyan sa probinsya, kung minsan ang mga tambay doon sa kanto, pero iba ang dating ni Xavier nang mga sandaling 'yon. Bukod pa sa maganda ang kaniyang katawan, mabango, there was something more na nagpapa-intimidate sa akin. Ngunit hindi ko alam kung ano at bakit.
Hindi niya inabot ang tray, bagkus ay niluwagan niya lang ang pagkakabukas ng pinto. Nakita kong bakante ang bed side table kaya roon ko inilapag ang tray. May pagmamadali ang kilos ko because my instinct kept on telling me na kapag nagtagal ako roon ng mahigit sa tatlumpong segundo ay may masamang mangyayari sa akin. Ngunit bago ko pa marating ang pinto ay naiharang na ni Xavier ang katawan doon. He closed the door ang locked it. Dalawa ang lock niyon. Sa doorknob at 'yong kawit.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap kanina, Elissa."
Baritono ang dating ng boses niya bagaman kalmado na hindi tulad kanina. Napaurong ako nang magsimula na siyang humakbang palapit sa akin. Ngunit hindi ko napansin na wala na pala akong uurungan kaya nang bumangga ang likod ng tuhod ko sa bahaging iyon ng kama ay kusa akong bumigay at napatimbuwang sa ibabaw niyon.
Iniakyat ko ang aking mga paa upang umisod na lang sa kabilang parte ng kama. He was there already kaya kung babangon ako ay mababangga ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ideyang naglalaro sa isip ko. Of course, he was naked inside. Isang alis niya lang sa kawit ng tuwalyang iyon ay hahantad sa akin ang kaniyang kabuuan. At natatakot ako sa makikita ko, natatakot ako sa 'binabalak' niyang gawin.
"Bakit ka lumalayo? You're just giving me an impression na guilty ka sa iyong ginawa. Tell me who you really are, Elissa Perez. I'm sure you're not one of my exes. At sigurado rin ako na hindi pa kita nakakadaupang-palad buong buhay ko. How did you know me? Kailan ka pa nagsimulang maging stalker ko?"
"S-Stalker...?" nakakunot ang noong nanulas sa mga labi ko. "H-hindi mo ako stalker -"
"Hindi?" Umigting ang mga panga ni Xavier habang nang-uuyam ang tingin sa akin. " Katatawag lang ng inutusan kong tao. The old woman you were talking about doesn't exist. Walang record kahit saan. Malamang na nanghula ka lang ng mukhang ipahahanap mo sa amin. Why, Elissa? Is that how desperate you are? Tell me, kailan pa? Kailan mo pa palihim na sinusubaybayan ang buhay ko, ha? You could have just asked for a date. Or a one-night stand, pagbibigyan kita, but ruining my wedding day -" He sobbed. "That's too much to be forgiven."
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Xavier." At hayun na naman ang mala-demonyo niyang ekspresyon. Gustuhin ko mang makatakas, makatakbo palayo ay wala akong makitang lulusutan. Habang nagsaslita siya kanina ay lumalapit siya sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayan cornered na pala ako sa isang tabi. "H-Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo." Nababasag na ang boses ko. Hindi raw nag-e-exist ang matandang nagpakita sa akin nang araw na iyon. Imposible. "B-Baka palpak lang ang taong inutusan mo! Hindi, Xavier. Kahit mamatay ako ngayon din, never! N=Never akong naging stalker mo."
Ni minsan ay hindi ko pa rin siya nakikita. Maliban sa litartong ibinigay sa akin ng matanda.
"Oh, really? Kaya pala nakita ito sa mga gamit mo!"
And speaking of that picture, nalimutan ko pala iyong ibalik sa matanda. Ngayon ay tangan iyon ni Xavier at inihaharap sa akin.
Napaawang ang mga labi ko. "H-Hindi! Hindi sa akin iyan. Ibinigay lang 'yan ng ---"
"Bullshit!!" mahabang singhal niya sa aking mukha. "Huling-huli ka na, itatanggi mo pa! Lalo mo lang akong pinupuno, Elissa. I swear you will never get away from this place alive. Sisiguraduhin ko 'yan!"
"X-Xavier... Xavier, maniwala ka sa akin. Nagsasabi ako ng totoo -"
"This is what you want, right?"
Sa pagkabigla ko ay walang habas niyang sinaklit ang blouse na suot ko at walang kahirap-hirap na napunit iyon. Humantad ang itim kong bra na tumatakip sa aking dibdib. At bago ko pa iyon maitago sa kaniya ay marahas na niya iyong nadakma. Kumilos ang isang kamay niya at tinanggal ang hook ng aking bra.
"X-Xavier... P-please h-huwag..."
Ngunit nakaluhod na siya sa harap ko naibaba naman ang suot kong pajama. Nahantad din sa kaniya ang aking pagkababaeng ilang taon kong iningatan para hindi masilip ng iba. Dahil ang balak ko ay ialay lamang iyon sa lalaking maghahatid sa akin sa dambana. Ngunit sa isang iglap lang ay mababalewala rin pala ang pag-iingat kong 'yon.
"H-huwag! Huwag nakikiusap ako!" Umiiyak na naupo ako sa sahig, nagmamakaawa ang hitsua. Ipinagdikit ko ang aking mga hita at tuhod upang takpan ang kahubdan ko laban sa kaniya. Ngunit ang Xavier na nakikita ko ngayon ay malayong-malayo sa sinasabing 'mabait' ni Manang Ines. Puno ng pagkasuklam ang kaniyang mga mata.
"Pagbibigyan kita sa nais mong mangyari. Hindi ako pinalaking madamot ng mga magulang ko, Elissa."
At bigla niyang tinanggal ang pagkakakawit ng towel na tanging nakatakip sa katawan niya.