Chapter 08

1411 Words
ELISSA "PLEASE, Lianna. Kahit next year na lang natin ituloy. Mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang dadalo. O kahit mga parents lang natin. Just don't let go this way. I can prove you that I was just framed up. Maniwala ka naman sa akin. Alam mong hindi ko kayang gawin 'yon. Hindi ako papatol sa mga kagaya no'n." Gusto kong maawa nang marinig ang tinig na nagsusumamo ni Xavier habang may kausap siya sa phone. Bagaman aksidente ko lamang iyong narinig. Pumasok ako sa kaniyang silid dala ang hamper na may mga nakatupi nang mga damit. Nakailang katok ako kanina at nang walang sumagot ay pumasok na ako. Sumilip muna ako mula sa labas at nang makitang wala siya sa kama o kahit saang parte ng kuwarto ay pumasok na ako. Iyon pala ay nasa veranda. Dahil malapit lang iyon sa malaking cabinet kung saan ko inilapag at balak na ring isalansan ang mga damit ay rinig na rinig ko ang boses niya. Naapektuhan ngang talaga siya sa nangyari. Mahal na mahal niya ang bride. Pero sa sinabi niyang huli na hindi siya papatol sa mga kagaya ko ay parang bigla akong nakaramdam ng panliliit. Ngunit sa bagay, sino ba naman ako para may pumatol na kagaya niya? Bukod sa ordinaryo na ang hitsura ko ay ordinaryo pa ang pagkatao. Hindi ako kagaya ng bride niya na kutis pa lang ay halata nang may sinasabi. Ang mga katulad ko ay hindi nababagay sa uri niya. Bukod sa langit at lupa na nga, may nakaharang pa sa aming tubig. Sa panaginip lamang nangyayaring may papatol na ubod nang guwapo at yamang lalaki sa isang dukha. Muntik ko nang mabatukan ang sarili. Ano ba 'yang tumatakbo sa isip mo, Elissa? Hindi rin naman ako ang tipong papatol sa kagaya niya. Ayoko nga sa mga.... Kusa akong natigilan. Ano ba'ng kapintasan ang meron siya? Ehhh...ang intindihin mo ay kung paano makakalaya. Sana... Sana makita na ng Joaquin ang matanda. Napabuntong-hininga ako. Akala ko ay tapos na siya sa kausap pero hindi pa pala. "She's not pregnant. Damn! You know I couldn't do it. Na-frame up nga lang ako. At kung sino man ang accomplice ng babaeng 'yon, pareho silang mananagot. She said may matandang babae raw ang nag-utos sa kaniya. Hindi ko pa alam kung iyon ang totoo. Hindi pa tumatawag ang inutusan kong tao. But soon, malalaman din ang katotohanan, Lianna. Siguro naman kapag napatunayan ko ay maniniwala ka na sa akin. Magbabalik ka, 'di ba? Ihaharap ko sila sa 'yo. Maniwala ka lang sa akin." Matapos niyon ay mahabang katahimikan. Minadali ko na ang pagsasalansan ng mga damit. Ayokong maabutan niya ako na naroon. Nang matapos ay agad akong tumayo at muling isinara ang cabinet. Maingat lamang upang hindi ako makalikha ng ingay. "Happy now?" Muntik pa akong mapasigaw nang walang ano-ano kong narinig ang boses ni Xavier sa aking likuran. Hindi agad ako nakakilos. Para akong tinulos sa kinatatayuan. Tila nanuyo pa ang aking lalamunan. Sunod-sunod akong napalunok. Pagkuwa'y dahan-dahan akong pumihit paharap kay Xavier. Ang balak ko ay magpanggap na inosente at walang narinig. "A-Ano 'yon?" Iyon ang lumabas mula sa aking bibig. Ngumisi siya. At ewan kung bakit mas lalong nanindig ang aking mga balahibo. Lalo ring tumambol ang dibdib ko. "Iniwan ako ng babaeng mahal ko dahil sa kagagawan mo. Kahit gusto kong patunayan na hindi totoo ang eskandalong ginawa mo, wala na ring silbi dahil tuluyan na siyang umayaw sa akin. Alam mo kung gaano kasakit 'yon, ha? Dahil sa kakarampot na halaga, sinira mo ang buhay ko!" Dumantay ang mga kamay niya sa balikat ko. Mariin ang pagkakahawak niya roon kasabay ng panlilisik ng kaniyang mga mata. "X-Xavier... please... b-bitawan mo ako. M-Masakit..." Gustuhin ko man siyang itulak ay hindi ko magawa. Tila tinatakasan ako ng lakas. "Wala pa ito sa damage ng ginawa mo sa pagkatao ko. Hindi mo alam kung gaano naghihirap ang damdamin ko knowing that the one that I love doesn't believe me at all. Kung hindi lang ako takot na madungisan ang aking kamay, I would kill you and bury in this land forever!" Itinulak niya ako. Pabalya akong sumadsad sa sahig. Bigla ang pagtulo ng luha ko kasabay ng mas matinding panginginig ng katawan. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganoong klase ng takot. Mas matimbang ang takot na nararamdaman ko kaysa sa isiping masasamsam na ng bangko ang aming kalupaan. Naka-agrabiyado ako. Iyon ang malaking katotohanan. Sa kagustuhan kong maisalba ang kaisa-isang yaman namin ay hindi ko na pinahalagahan ang epektong idudulot ng aking kahungkagan sa ibang tao. "H-Handa akong magbayad sa kasalanan ko, Xavier." At hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon. Kung dahil ba sa takot o dahil sa konsensya. The look in his eyes was something you could see sa mga taong halos magdilim na ang mga paningin sa sobrang galit. At natatakot ako para sa buhay ko. Paano kung gawin niya ngang talaga iyon? Sa layo at tago ng lugar na ito ay tiyak na walang makakahanap sa akin. Lalo pa at tatatlo na lamang kami sa malaking mansyong iyon. Kay dali niyang maitatago sa matanda ang krimeng gagawin. Pinaplano ko mang tumakas, ngunit wala nga akong ideya kung paano iyon gagawin. At kung makakatakas man ako, tiyak na hindi siya titigil kakahanap sa akin. Mas lalo ko lamang siyang gagalitin. "Dapat lang. Dahil kapag hindi nagbalik sa akin si Lianna, pati kanunu-nunuan mo ay handa kong singilin. I'll make sure that you're whole legacy will just be part of the history. Uubusin ko ang lahi mo. Kahit saang lupalop pa ng mundo sila magtago ay tiyak na hahanapin ko. Hindi mo kilala kung sino ang binangga mo, Elissa Perez! Barya lang ang katumbas ng buhay mo sa akin!" Alam niya ang buong pangalan ko. At malamang sa dami ng kaniyang pera at lawak ng kaniyang impluwensya ay hindi nga malabong matunton niya ang buong pamilya ko. Iniisip ko pa lang na may mananakit kina nanay at tatay ay para nang dinudurog ang puso ko. "H-Huwag mong idadamay ang buong pamilya ko, Xavier. P-please... Nakikiusap ako. Ako lang ang may kasalanan sa 'yo kaya ako na lang ang parusahan mo." Unti-unti akong bumangon at lumuhod pa sa kaniyang harapan. Hindi ko siya matingnan nang deretso sa mga mata dahil bukod sa nanlalabo ang aking mga paningin ay ayoko nang dagdagan pa ang takot na lumulukob sa aking damdamin. "Ako lang dapat, ako lang..." umiiyak pang giit ko sa kaniya. "Lahat ng ipag-uutos mo, lahat ng gusto mong ipagawa sa akin ay gagawin ko basta't huwag mo lang idadamay ang pamilya ko." Ito na nga marahil ang konsekuwensya ng aking ginawa. At dapat lang na pagbayaran ko ito. "Everything, Elissa, huh? Everything." May pang-uuyam sa tono ni Xavier na hindi ko pa rin magawang angatan ng tingin. Napasinghap ako sabay sunud-sunod na tumango. "O-Oo. Lahat, Xavier, basta huwag lang ang pamilya ko," tila wala sa sariling tugon ko. "So when I ask you to jump diyan sa bintanang iyan ay gagawin mo, Elissa?" "H-Hah?" Noon ako napaangat ng tingin at napasulyap sa kaisa-isang bintanang mayroon sa silid na 'yon. Malaki ang bintanang iyon at kasyang-kasyang makalusot ang isang tao. Kahit dalawang palapag lamang ang mansyon ay masasabi kong mataas na bahagi pa rin iyon. Takot nga akong mahulog sa hagdan, ang tumalon pa kaya sa ikalawang palapag? "N-Nagbibiro ka lang, Xavier." Kahit alam kong hindi. Kahit wala sa hitsura niya. Pinagbantaan niya pa nga akong papatayin pati ang buong angkan. What could have been worse than that? "What if that's the only way, Elissa?" bluntly, he asked. Unti-unti akong napausod mula sa kinasasalampakang sahig. "M-magpapa-alipin na lang ako, Xavier, ngunit hinding-hindi ko gagawin 'yan," giit ko pa. "Ah, gano'n?" Muli ay nagkaroon ng kakaibang ngisi sa kaniyang mga labi. Na muling naghatid ng kakaibang kilabot sa akin. Akma siyang lalapit sa akin ngunit dahil sa tindi ng takot ay tila nagkaroon ng sariling mosyon ang aking mga paa at agad na nakatakbo palayo sa kaniya. "M-Magbabayad ako sa paraang alam ko, Xavier." Nanginginig na naman ang boses ko. "I-iyong kaya ko lang gawin. I-Iyong makatao. K-Kahit sinabi kong susundin ko lahat ng ipag-uutos mo, m-may... May limitasyon iyon." Pagjatapos kong magsalita ay tinawid ko na ang space upang makarating sa may pinto. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Agad kong binuksan iyon at lumabas ng kuwarto. Parang hinabol ng sampung kabayo ang hingal ko nang tuluyang makababa ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD