011

1853 Words
Kabanata 11 C A L L Y Hindi ko alam kung paano ko nagawang tagalan na naroon yung apat sa table namin. Hindi ko na lang pinansin. Nakakapagod ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Parang gusto ko na lang munang isang-tabi ang nararamdaman kong galit sa mga lalaki. Galit pa rin ako sa kanila pero hindi na muna siguro ako makikipag-away. Gusto ko na lang munang maging tahimik ang buhay ko. Nakakapagod madawit sa gulo. Nakakapagod makipagtalo sa mga taong wala namang ambag sa buhay ko. Gusto kong lumayo na lang sa gulo hanggang sa makapagtapos ako. Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasanay na rin naman akong laging sumasabay sa lunch namin ang grupo nila Xian. Kasama na doon si Hades. Binibilisan ko na lang ang pagkain ko minsan para makawala agad sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang makisiksik sa lamesa namin kahit na marami pa namang bakanteng lamesa. Mukhang nasanay na rin naman sina Kara at Yuki na ganun ang laging sitwasiyon tuwing lunch kaya hinayaan ko na. Wala naman kasing mangyayari kung papaalisin ko sila. Imposibleng pakinggan ako ng mga yun. Napansin ko lang simula nang makisabay sila sa lunch namin ay mas kumonti ang mga nangbubully sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa apat o talagang nagsawa na lang yung iba na sirain yung araw ko. Pwede rin kasing iniisip ng iba na close na ako sa apat kaya natatakot na silang galawin ako. Dagdagan mo pa na madalas na rin kaming makitang nag-uusap ni Hera Saavedra. Isang beses din siyang sumabay sa amin mag-lunch. Nagtataka pa nga si Kara kung bakit nasa lamesa namin si Hera. Bwisit din kasi siya dun pero nung makita niyang okay naman na kami ni Hera hindi na lang siya umimik. "Kailan pa kayo nagkakausap ni Hera?" tanong ni Kara isang beses nang samahan niya akong mag-grocery. "Last week pa." "How?" Her forehead creased. "Mahabang kwento basta okay na kami ngayon." Kara rolled her eyes. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng mga nasa listahan ko hanggang sa magsalitang muli si Kara. "Close pala ang family ni Hera sa family ni Hades, ano?" Sandali kong sinulyapan ang kaibigan ko bago muling ibinaling ang atensiyon sa listahang hawak ko. "Paano mo nasabi?" "Nabasa ko lang sa internet. Magkaibigan yata ang mga magulang nilang dalawa. Parang nirereto nga daw sa isat-isa yung dalawa. Kaya pala close silang dalawa 'no? Magkaibigan pala ang mga pamilya nila." Hindi ako nagsalita. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong paghahanap sa mga bibilhin ko. "Pero mukhang may ibang gusto si Hades, eh." Napairap na lang ako dahil alam kong ako yung pinaparinggan niya. Sa sumunod na araw nagulat na lang ako nang salubungin ako ni Kara sa labas ng school. Umiiyak siya habang niyayakap ako. "Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ka nagsabi!" Nanginig ang boses niya habang paulit-ulit iyong sinasabi. "A-Anong sinasabi mo? Bakit ka umiiyak?" Nalilitong tanong ko pero tuloy lang siya sa pag-iyak sa balikat ko. Hanggang sa makita ko si Miyuki na patakbong lumalapit sa amin. "Cally..." Namumula ang mga mata nito halatang nagpipigil ng luha. "Ano bang nangyayari sa inyo?" "Sinaktan ka ng mga babaeng yun! Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin? Sinasabi mo naman lahat sa akin dati, di ba? Bakit ito hindi mo nabanggit sa akin?" Kahit umiiyak ay bakas ang galit sa tanong na yun ni Kara. Napaawang ang mga labi ko. Magsasalita pa lang sana ako nang makita ko ring lumabas mula sa gate ng school si Hades. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng kanyang mukha habang papalapit sa pwesto namin. Nakasunod sa likod niya si Xian na may seryosong ekspresiyon. "Let's get you home," aniya nang makalapit sa pwesto namin at inabot ang kamay ko. Agad ko naman iyong iniwas sa kanya. What the hell? Ano bang nangyayari. "Cally, sumama ka na lang muna kay Hades," si Xian na tinignan ko lang ng masama. Anong akala ng mga ito makikinig ako sa kanila? "No way! Bakit ako sasama sa kanya? Ano bang nangyayari? Bakit nandito kayong lahat? May klase pa tayo—" "Makinig ka naman kahit ngayon lang, Cally!" "What? Why?" Gulong-gulo kong tanong. Lumapit sa akin si Miyuki at pinakita sa akin ang cellphone niya. May binuksan siyang video na nagpatahimik sa akin. Iyon yung video ng pananakit sa akin ng mga babae sa CR. Halos hubad ako doon sa video habang pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam na may ganito. Ang alam ko lang ay kinuhanan nila ako ng litrato pagkatapos nila akong saktan. Hindi ko napansin na may naka-record na pala yung pananakit nila sa akin mula umpisa. Nakikitaan na ako habang ginagawa nila yun dahil naka-bra lang ako at hindi ko namalayan na nakataas na rin pala yung laylayan ng skirt ko kaya kita na rin pati ang suot kong pang-ibaba. Napapikit ako ng mariin. Hindi makapaniwala na kakalat pa ito. Lahat talaga gagawin nila para lang mapahiya ako sa lahat ng tao. Lahat gagawin nila para i-down ako ng husto. Bakit? Dahil ba galit ako sa mga lalaki? Bawal na bang magalit? Alam ba nila ang dahilan ko kung bakit ako galit ng ganito sa mga lalaking 'yan? Hindi naman eh! Hindi nila alam lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ng mga lalaking 'yan kaya wala silang karapatang ganituhin ako! Wala silang karapatang husgahan ako kasi hindi naman sila yung nasa sitwasiyon ko. Hindi nila alam kung gaano kahirap yung pinagdaanan ko dahil sa mga lalaking 'yan. Mabilis na tumakbo ako palayo sa kanilang apat at hindi na tinapos pa ang video. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kara pero hindi ko na iyon pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang playground. Walang mga bata doon tuwing weekdays dahil may pasok kaya naisipan kong doon na muna magpalipas ng oras. Hindi ko napigilan ang mga luhang kusa na lang nagsipagbagsakan mula sa aking mga mata. Sobra na. Deserve ko pa ba lahat ng ito? Pahiyang-pahiya na ako. Ano pa ba? Ano pa bang gusto nila? Hindi pa ba sila tapos? Kailan sila mapapagod sa ginagawa nila sa akin? "Calliope..." Hindi na ako nag-abala pang itago ang pag-iyak ko at agad na binalingan si Hades na ngayon ay bakas na ang pag-aalala sa mukha. "You!" sigaw ko. "Bakit nandito ka? Sinabi ko bang sundan mo ako? Hindi kita kailangan dito Hades, umalis ka na!" sigaw ko pa rin habang tuloy tuloy lang sa pagpatak ang mga luha sa mata ko. Ang sakit sakit. Ngunit imbes na umalis siya ay mas lalo pa siyang naglakad palapit sa akin. Galit na itinulak ko siya sa dibdib nang tuluyan siyang makalapit sa akin. "Huwag mo kong lapitan! Sabi ko hindi kita kailangan dito! Umalis ka na!" Hindi siya nagsalita pero hindi na rin naman siya lumapit. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. "Umalis ka na sabi! Ano ba! Ayaw kita dito! Ayokong makita ka! Umalis ka na! Alis!" Wala na akong pakialam kung may nakakarinig sa pagsigaw ko pero wala na akong pakialam pa doon. Halo-halo ang emosiyong nararamdaman ko sa mga oras na yun pero mas nangingibabaw ang galit. Mas lalo lamang nadagdagan ang galit ko sa mga lalaki dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Sila ang dahilan kung bakit nangyayaring lahat ng ito sa akin. Si James! Siya ang nagpakalat nito. Sigurado ako doon! Tangina! Bakit ang hilig ng mga gagong yan sirain ang buhay ko? "Iwan mo ko, Hades! Iwanan mo na ako!" Umiling lang siya, hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya malapit sa akin. "Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit ba palagi ka na lang nakikialam? Anong gusto mo, ha, Hades? Anong gusto mo?" His jaw clenched. Nakatitig pa rin siya sa akin at mukhang walang balak na umalis kahit na ilang beses ko siyang ipagtabuyan ngayon. "May gusto ka ba sa akin?" Hindi ulit siya sumagot kaya nagtuloy-tuloy ako sa pagsasalita. "Kung may gusto ka sa akin pwes ngayon pa lang kalimutan mo na 'yan dahil hinding hindi kita magugustuhan. Hindi kita magugustuhan, Hades kaya tumigil ka na! Tigilan mo na ako! Ayaw ko sa'yo! Ni hawakan ka o kahit makita ka lang ayaw ko! Ayaw kong nakikita ka Hades! Naiinis ako kapag nakikita kita. Nandidiri ako kapag nahahawakan kita kaya please lang layuan mo na ako! Layuan mo na ako dahil wala akong planong magustuhan ka! Nagsasayang ka lang ng oras sa akin dahil kahit kailan hindi kita magugustuhan. Kahit ikamatay ko pa hinding-hindi kita magugutuhan. Umalis ka na! Umalis ka na lang!" His mouth fell open. I glared at him as tears ran down my cheeks. I tightly shut my eyes, an attempt to stop the tears from falling. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit sabihin ng mga salitang iyon. Para iyong patalim na unti-unting bumabaon sa dibidib ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Umalis ka na please..." Naging mas mahinahon na ang boses ko pero hindi pa rin humihinto sa pagbagsak ang mga luha sa mga mata ko. "Ayaw kong makita ka... Iwan mo na ako." Sandaling ipinikit niya ang mga mata bago muling dumilat. Madilim ang kanyang mga mata ng dumilat. Halos manlamig ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ngayon. "Umalis ka na, hindi kita magugustuhan..." ulit ko pa para lang maintindihan niyang mabuti na hinding-hindi ko siya magugustuhan. "I'll leave if you stop crying..." Muli akong nakaramdam ng iritasiyon sa naging sagot niya. "At sino ka para sundin ko? Umalis ka na sabi! Ayaw ko na ngang makita ka! Bakit ba ang kulit-kulit mo? Umalis ka na!" Nang hindi pa rin siya kumilos para umalis ay tumakbo na ako palayo doon. Patawid na ako ng kalsada nang may humatak ng kamay ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahatak ay napasubsob ako sa dibdib ng may hatak sa'kin. May mabilis na sasakyang dumaan sa harapan namin. Doon ko lang napagtanto na muntik na pala akong mahagip ng sasakyan kung walang humatak sa akin. Mabilis kong itinulak si Hades palayo sa akin. At matalim siyang tinitigan. "Leave me alone!" malakas na sigaw ko. Pero muli lang niya akong hinatak palapit sa kanya. May dumaan nanaman kasing sasakyan. "I'll take you home," aniya sa mahinahon ngunit mariing boses. "No! Ayokong sumama sa'yo! Umalis ka na! Hayaan mo na ako! Bakit ba ang kulit-kulit mo? Sinabi ko ng ayaw kitang makita, di ba? Bakit nakikialam ka pa din, huh?" "Paano kita iiwan kung ganito ka? Muntik ka nang—" "Ano bang pakialam mo? Ano sa'yo kung masagasaan ako dito? Wala kang pakialam sa buhay ko kaya iwanan mo na ako! Umalis ka na! Alis!" Pumikit siya ng mariin bago umatras palayo sa akin. Tinitigan niya muna ako sandali bago tuluyang tumalikod at umalis. Pagkatapos nun ay agad na rin naman akong nag-umpisang maglakad sa kabilang direksiyon. Muling pumatak ang mga luha sa mga mata ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung bakit sobra-sobrang pagkabigo ang nararamdaman ko sa mga oras na yun. Nangyari naman na iyon at tapos na yun para sa akin pero bakit nung napanuod ko ulit yung video parang doon ko lang napagtanto kung gaano kalala ang ginawa nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD